Happy Reading!Bumungad sa'kin ang malakas na sampal ni Mama.
"San ka galing?!" hinila nya bigla ang damit ko kaya napalapit ako sa kanya. Inamoy nya ko at mas nagdilim ang mata nya.
"Naninigarilyo ka??" sasagot palang ako nang dumapo ulit ang palad nya sa pisngi ko. Sa lakas non ay napabiling ang mukha ko..at pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakangiting si Shandrice..
Ahahahahaha..
..pagak akong natawa sa isip ko. Paulit-ulit na lang..wala ng bago. Alam ko naman yung dahilan kung bakit nagkakaganito si Mama eh..
Dumiretso ako ng tayo at dinukot sa bulsa yung pera. Nakita ko kung paano nagbago ang timpla ng mukha nya.
"M-Magkano yan??" tanong nya.. nailabas ko na yung pera sa bulsa at hindi na sya nakatiis..agad nyang hinablot sa'kin yon.
"Matutulog na po ako..." tumalikod na'ko at tumungo sa hagdan kung san nakatayo si Shandrice. Lalagpasan ko na sana sya ng bigla syang humarang sa harapan ko..
"Masakit ba yung sampal?" nakangisi nyang tanong. Inilapit pa nito ang mukha nya sa'kin..
"Sa susunod kasi..bilis-bilisan mong humanap ng pera..para hindi ka nasasaktan ni Mommy.." umalis na sya sa harap ko at tumabi sa gilid.
"Shandrice! Heto na yung pera oh...bilhin mo na yung mga gusto mong bilhin bukas.." kumuyom ang mga kamay ko sa narinig.
"Sige Mommy...ayan na po ako." masiglang sabi ni Shandrice habang nakangiting nakatingin sa'kin.
Shandrice magpakasaya ka na..sulitin mo na yung mga araw na nakakangiti ka pa. Dahil kapag napuno na'ko sayo..hindi ko maipapangakong hindi ka iiyak.
Hindi lang kita sinasaktan dahil kapatid kita..pero hindi ibig sabihin non na habang buhay akong magtitiis sa ugali mo. Hindi ako mabait..at hindi mo gugustuhing maramdaman ang galit ko.
Pagkasara ko ng pinto ko ay nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Madilim ang paligid..Pumikit ako at tumingala..lumunok ako nang maramdaman kong may namumuo sa lalamunan ko.
Gusto kong sumigaw.. Gusto kong sabihin na 'tama na..ayoko na..' pero pag ginawa ko yon..may makakarinig ba? May makakakita ba?
Pagdilat ko...sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga luha ko. Nakita ko rin ang mga Glow in the Dark na bituin at buwan sa kisame ng kwarto ko.
Tiningnan ko lang ang mga ito..at hinayaang tumulo ang mga luhang ayaw ko nang ipunin. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako mapait na napangiti at dumiretso na sa kama...nagtalukbong ako at yumakap sa unan...
"Ginawa ko naman lahat ng gusto nyo... sinunod ko lahat ng inutos nyo.. pero bakit ni minsan...hindi nyo ako nagawang mahalin?" nahihirapan na'kong huminga dahil sa paghikbi ko. Minsan lang akong umiyak..pero dahil minsan lang, mahirap patigilin.
"Ano pa bang kulang? Bakit hirap na hirap kayong mahalin ako? Kamahal-mahal naman ako diba? Deserve ko naman yon diba? Bakit hindi nyo maibigay...yon lang naman yung gusto ko.." isang munting hikbi ang kumawala sa bibig ko..
Tuwing umiiyak ako..palagi nalang akong nasa madilim na lugar. Sarili ko lang lagi ang kasama ko..sarili ko lang din ang yumayakap sa'kin. Palaging walang nandon para i-comfort ako. Isang tao lang ang niyakap at iniyakan ko.
Tss...haha
Sa kauna-unahang pagkakataon..may isang taong dumating para iparamdam sa'kin na hindi ako nag-iisa.