"Sorry ..because I let you kissed me, sorry because I didn't pushed you away.." Mula sa pagkakagulat ay napangiti ako..and later on..natawa na'ko.
So..yon pala ang dahilan kung bakit ganon sya. Nagu-guilty. Sa totoo lang, balewala na sakin yung mga halik na yan.. kasi marami na'kong nahalikan. And this guy.. is just one of them.
"W-Why are you laughing?" inosente nyang tanong. Gusto ko mang pigilin ang pagtawa..pero ang hirap lang talaga...
Akalain mo yon..kaya ko pa palang tumawa ng ganito? Sa kabila ng lahat..nagawa kong maging masaya.
Napahinto ako sa pagtawa nang makita kong nangingilid na naman ang luha nya. Nakatingin lang sya ng diretso sakin. Kung wala lang sigurong namumuo na luha sa mga mata nya, baka natakot na'ko. Dahil sa paraan nang pagkakatitig nya sakin, para bang may nagawa akong kasalanan. Umayos ako ng tayo at tiningnan syang mabuti.
There's something wrong with this guy..
"Ahh sige..alis na'ko, salamat dito.." itinaas ko ang kanang kamay ko na may hawak na pera. Pasimple akong lumunok at tumalikod na.
"Wait.." napahinto ako dahil sa pagtawag nya. Dahan-dahan ko syang nilingon at nakita kong nakayuko lang sya...at.... naka-pout???
"I-I think..I'm lost.." pagkasabi nya non ay umangat ang tingin nya sakin.. nagulat ako kasi pulang-pula ang mata nya. Hindi sya bampira ha..pero parang naiiyak na sya..*face palm*
"Look..hindi ko na problema yan. Uuwi na'ko..thank you na---" naputol ang sasabihin ko dahil may tumulong luha sa pisngi nya.. at buong atensyon ko napunta don.
Bakit parang nakokonsensya ata ako? Malaki na sya diba?? Eh bakit.. bakit ganto sya umasta??
May luha ulit na tumulo sa pisngi nya at bago pa ako maawa ng tuluyan...mabilis na'kong tumalikod at naglakad paalis. Katulad kanina..marami paring tao. Mas binilisan ko pa yung lakad ko dahil gusto ko nang magpahinga.
Eh ang kaso..lahat ng makasalubong ko nakatingin sa'kin.
Huh?? Anong meron?
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang magawi ako sa kumpol ng mga babae..
"Oh my Ghad! Apaka pogiiiiii!" impit na sigaw ng isang babae at nakaturo pa sa'kin. Tuloy...lahat sila napatingin sa gawi ko..
Ako?? Ako pogi?! Nasisiraan na ba toh??
Napaatras ako nang bigla na lang silang humakbang papunta sa gawi ko..at mga nanlalaki pa mga mata.
Shet! Ang creepy! Should I run?? Yup...sa tignin ko kailangan ko na ngang tuma---
Hinanda ko na yung sarili ko nang magsimula silang tumakbo palapit..pero may bigla na lang humila sa'kin at inilagay ako sa likuran nya.
I know this smell..
"Ladies..pwede ba magtanong??" namayani ang baritono nyang boses, at bigla na lang tumahimik ang mga babae.
Words are powerful nga naman..s---
"Sheeeet..sige lang magtanong ka lang!"
"Ako! Ako sasagutin kita!"
"Anong ikaw?! Ako!"
"Waaahhhh ang pogi moooo"
"Be mine! Pakasal na tayo!"
"Na love at first sight ata ako.."