CHAPTER 6:HER SIDE

2 1 0
                                    

(LIZA POV)

Hindi pa rin ako makatulog kaya bumangon ako at tiningnan ko si Jake.
Nakita kung mahimbing na siyang natutulog.

Paano siya nakakatulog sa ganyang posisyon.Lumapit ako sa kanya at kinumutan siya kinuha ko rin iyong isang unan ko at pinaunan sa kanya.

Napatingin ako sa mukha niya at napatitig dito.Para siyang babae ang kinis ng mukha niya kulay brown ang mata niya at mataas rin ang eyelashes niya gaya ko.May roon din siyang red kissable lips.Malambot kaya ang lips niya pag hinalikan.

Teka ano ba itong mga pinagsasabi ko?
Bakit ko ba siya tinitingnan.Lumayo ako sakanya at nagpunta sa veranda at tumingin sa mga bituin.

Malapit na akong umalis pero bakit parang ayaw ko pang umalis dahil ba ito sa kanya.Hindi ito pwede normal siyang tao at ako ay hindi baka katakutan niya ako pag nalaman niya ang totoo kung pagkatao ayaw kung mangyari iyon.

Makakalimutan niya rin naman ako pero ako makakalimutan ko kaya.Siya lang ang taong pumansin at nakipagkaibigan sa akin tapos itinuring pa niya akong parang kapatid.

Naging mabait siya sa akin at pinoprotekhan pa niya ako sa school kahit hindi na kailangan.Dahil sa ginagawa niya mas lalo akong nahuhulog sa kanya pero alam ko namang hindi niya ako gusto dahil alam kung kapatid lang ang tingin niya sa akin.

Mabuti na rin siguro at kapatid lang ang turing niya sa akin.Hindi na ako mahihirapang umalis dahil wala naman siyang gusto sa akin.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko ulit ang mukha niya natigil ang mata ko sa labi niya.Inilapit ko ang mukha ko sa labi niya at hinalikan siya.Umiiyak ako habang hinahalikan siya.Pagkatapos ko siyang mahalikan.Pinutol ko na ang halik at bumulong sa tenga niya .

Mahal kita Jake.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa higaan ko at natulog na.

Kinabukasan........

(JAKE POV)

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya napabangon ako.Nakakangalay ang hinigaan ko buti nakatulog ako ng maayos.Pero ang nakakapagtaka lang ay may kumot na sa katawan ko at may unan sa uluhan.

Nagtungo akong Cr para magshower pero nagulat ako ng nandoon si Liza at naliligo pa kaya nanlaki ang mata ko.

Waahhhhhhhhhh!!!!!! Anong ginagawa mo dito umalis ka manyak. -Liza

Natataranta akong lumabas sa Cr.Bakit ba hindi ko naisipang kumatok.

Aisshhh ginulo ko ang buhok ko.

Nakita kung lumabas na si Liza sa Cr kaya pumasok na ako sa Cr at nagshower na.

Pagkatapos kung magshower ay nagpalit na ako ng uniforme ko at lumabas na pero paglabas ko wala na si Liza kaya bumaba na ako at nagpunta sa kusina at naabutan ko siyang umiinom ng gatas kaya lumapit ako at naupo na rin.

Ahmmm sir ano po gusto niyong inomin gatas o hot choco. -Maid

Hot choco po. -Ako

Binigyan naman ako ng maid ng hot choco.

Ahmm Liza pasensiya nga pala kanina ha di ko kasi alam na nandoon ka. -Ako

W-wala yun. -Liza

Hindi ko alam na mahilig ka pala sa Hello kitty. -Ako

H-hindi noh. -Liza

Pero yung kanina....nevermind kalimutan na natin yun. -Ako

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at sumakay na kami sa kotse ko.

Pagdating namin sa school ay sabay na naman kaming maglakad papuntang
classroom namin.

The Powerful PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon