I couldn't be irresponsible and just mourn all day. Nang sumapit ang hapon ay nagpasya akong lumabas ng palasyo kasama ang mga kawal upang maglibot sa bawat baryo. Inuna naming puntahan ang Downtown. Punong puno ng mga tao, mga dekorasyon, lahat ay masaya.
"Magandang araw po, Reyna Alena." everyone greeted and bowed as they saw my limousine approaching. They knew it was me. Ang iba ay nagbibigay ng mga regalo at nagpapasalamat sa buong royal family. I didn't deserve it all. Wala pa akong napatutunayan sa kanilang lahat.
"Kumusta ang kakahuyan?" tanong ko sa kawal sa loob ng sasakyan. Dumadaan kami sa bawat baryo, hanggang District XV. Kalat ang mga tao, maging ang mga bata. Hindi pwedeng may panibagong magtangka na naman ngayong araw. Hindi ko pa rin nababawi ang lakas ko. Parang kailan lang noong nakamit ko ang mga kapangyarihang taglay ko ngayon, ni hindi ko pa ito gamay nang lubos. Samantalang buong buhay ko namang pinagtuunan ng pansin ang totoong abilities ko. Iyon na rin siguro ang dahilan kaya madali na para sa akin ang magkontrol.
"Halos buong kakahuyan po ang nasira, Kamahalan. Triple na po ang bilang ng mga nagbabantay sa border."
Napatingin ako sa labas. That was because of me. Matapos ng araw na ito ay babalik ako roon at bubuhayin ko ulit ang mga nasira ko. I just needed enough rest. The border's security needed to improve. Hindi lang basta sa bilang ng mga kawal, kundi sa mismong border.
"Halt!" gulat na sigaw ko nang makita kong tumatakbo ang isang bata sa kalsada at halos masagasaan na ng sasakyan. She crossed the street and didn't notice my car approaching.
Mabilis akong bumaba maging ang mga kawal na nasa isang sasakyang nasa likuran lang namin. Goodness, she was bleeding! She was hit.
Umiiyak siya nang parang wala nang bukas. I was never good at handling kids. This gave me panic attacks. "I'm so sorry, kid. Sabihin mo sa 'kin kung saan masakit." I said as I tried to calm her down.
Tinuro nya naman ang balakang at tuhod niyang dumudugo. Halos mapamura ako nang mapagtanto kong halos mabalian ng buto ang bata. She couldn't even straighten her legs up. Hindi pwedeng mapilay ang batang ito, araw ng kasiyahan ngayon.
I breathed deeply. I haven't fully recovered yet but this kid needs me. I placed my palm to where she said it hurt. I suddenly felt weak.
"Ano pong nangyari? Bakit nawala ang sakit? Pinagaling niyo rin po ba ako kagaya ng iba?" she was confused yet happy.
"Mag-iingat ka na sa susunod, okay? Mauuna na kami. Bumalik ka na sa bahay niyo."
Naikot namin ang lahat ng baryo nang hindi na ako lumabas pa ng sasakyan. I wasn't feeling well. I had used too much power for the past days and weeks, plus the fact that I wasn't emotionally stable right now. I badly needed to rest but I couldn't. Kailangan kong maging active lalo na mamayang gabi.
Nakabalik ako sa palasyo nang inaalalayan ng mga kawal dahil halatang nanghihina ako. "Wala pa po kayong pahinga, Kamahalan. Paumanhin po sa nangyari sa kakahuyan. Mas mabuti po sigurong magpahinga muna kayo."
Maya maya lang ay nasa harapan ko na si Mozart na sinundan nina Ali at Mr. Stark. Mabilis siyang lumapit at pumalit sa pwesto ng dalawang kawal na nakaalalay sa akin. Sinenyasan ko naman ang mga kawal na bumalik na sa kanilang mga trabaho.
Nang kaming apat na lang ang tao ay mabilis akong kumawala sa mga kamay ni Mozart. I fought myself not to look at him. Ayokong makita siya. Ayokong makita ang nararamdaman niya.
"I'm fine." I said as I closed my eyes. Pagmulat ko ay nandito pa rin ako sa entrance hall kasama sila. I couldn't teleport...
"You can't even use your power right now, tapos sasabihin mong ayos ka lang." Ali said in annoyance, and at the same time, he was worried. How did I ever forget Ali's presence? Of course, he could read me.
BINABASA MO ANG
Live, Alena (Luctus Academy)
FantasyAlena Clementine, the youngest queen of Mesqueta, witnessed how her parents died. Justice. That was what she craved. But how would she find one when she's too pure and innocent? Too kind and weak? And so, she changed. From being weak to being wicked...