Chapter 24

38 3 0
                                    

Kanina pa naiinis na naman si Silver sa kanilang lahat. Kay Mr. Stark, dahil iniwan siya sa office niya at ayaw niya namang may kasamang iba. Kay Ali dahil hinayaan daw akong magbyahe mag-isa dahil doon kay Zen. At kay Prim, dahil kay Zen.

"We can't always be like this, little one. The world doesn't revolve around us. It's okay to meet other people." and, I was gone for two years. I don't think I have the rights to act like shit. Wala ako noong mga panahong nandoon 'yung mga kaibigan nila ngayon.

"I know. But, I don't know, Mom. I mean, I'm not usually illogical but when it comes to you, ugh, I don't like you upset and alone. You've had enough." I smiled hearing him. Palagi kaming ganito, nagtatalo kami tungkol sa mga uncle at dad niya. Palagi naman akong talo. Not because he was always right or wrong, but because I knew where he was coming from. Hindi na ako kumokontra sa mga sinasabi niya dahil kapag tungkol sa akin, pinaglalaban niya talaga. Nakakalungkot lang na naiinis siya sa kanila dahil sa akin, pero ang saya lang din sa pakiramdam na alam kong mahal na mahal niya ako.

Tinanong niya pa ako kung magulo raw ba siya kasi tuwing nagagalit daw ako dahil sa ka-OA-han ng mga uncle at dad niya, to the rescue raw agad siya and would recommend me things to do or consider. In short, this kid was a rebel. Tapos, tuwing wala naman sa akin ang atensyon, nagagalit daw siya para sa akin.

"That's not hypocrisy, little one. It's you, always giving me what I want. And it's me, making you mad because for you, I don't get what you want for me. It's a paradox." and for the first time ever, he agreed and didn't make any rebuttals.

"Mommy, do you want to drive? I'm friends with a cool guy. I can ask him to go with us!" bago pa man ako makaangal ay natawagan na niya iyong friend niya raw. God, seems like I have to babysit two kids.

Minutes have passed. Nakatulala lang ako sa office ni Mr. Stark habang busy sa cellphone si Silver. Anim na taon lang pero ang dami ng alam. Baka hindi na ako magulat kapag may girlfriend na 'to kapag 10 na siya—God, what am I thinking? Ugh, ang dami kong natututunang hindi maganda sa kakanood.

Nakita ko na lang na nagbibihis na si Silver mag-isa, patapos na nga e. Tapos sinuotan ako ng cap ni Mr. Stark para raw pareho kami. If I know, magtatago lang 'to kasi bawal siyang lumabas. This kid.

"Mommy, he's handsome and very cool, too! You can make friends with him. He's nice." um-oo na lang ako dahil proud na proud siya sa friend niya. I sighed. Babysitting Silver is fine but how about another kid I don't even know? Baka makulit 'yon at magtatakbo sa kung saan, pare-pareho pa kaming maligaw. I'm never good at dealing with kids.

"Oh, there he is!" turo niya sa direksyon ng entrance pero wala naman akong nakita kundi isang lamborghini na sinasandalan ng isang lalaki. Sosyal.

I was surprised when we stopped in front of the lamborghini guy. He was Silver's friend? Really?

"Hey, pal. It's been a while." yumuko siya at umapir sa makulit na bata. Ako? Wala. Nakatayo lang. Ngayon lang ako makakasalamuha ng ibang tao—lalaki—bukod doon kay Zen at kay Manong na mabait.

"Kuya Quen, meet my Mom. She's Mommy Alena! Mommy, this is Kuya Quen, my pal."

"Nice to meet you, Alena."

"Ah, hi." naiilang na sabi ko at nagkamay kami. The way he gazed at me made me feel so awkward. Hindi ako sanay nakikisalamuha sa mga lalaki. Naiisip ko lang si Prim. Konsensya ko pa. Hindi naman kami pareho na kaya makipagkaibigan sa opposite sex tapos magyayakapan— okay, hindi ako bitter.

I sighed. Nandito na ako ngayon sa passenger seat habang si Silver ay nasa likod. Ang saya nilang dalawa. Para siyang Prim na Ali ang aura. I mean, nasasakyan niya ang trip ni Silver. Nasasabayan pa nga. Pareho silang makulit. Kung si Ali lang kasi ang pag-uusapan e puro pang-aaway kay Silver ang alam no'n. Si Mr. Stark lang ang mabait sa bata. Si Prim, madalas din pagalitan anak niya.

Live, Alena (Luctus Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon