Ced's POV
Andito ako ngayon sa kompaya ng mga Montemayor, nag iintay habang nakaupo at nakaharap sa isang mahabang lamesa at kami lang ni tito dito sa loob. Balak kase nilang gumawa ng panibagong business, which is Restaurant. Ang sabi kase ni tito na dapat 6:30am andito na para maaga daw kaming matapos at makauwi. Pero 6:45 na at hindi parin kami nag uumpisa.
May iniintay pa daw kami yung magiging partner ko sa gagawing business nila ni tatay at ito daw ay si Carla panganay na anak ni tito. Nakatulala lang ako dito buryong buryo na ako kakahintay.
Nagtataka kayo kung bakit ako yung napili nila noh? Well, Ako nga pala si Cederick Liam Gutierrez, You Can call me Ced for short. Anak nina, Ana Gutierrez at Robert Gutierrez na nagmamay-ari ng GutzCulinary School at Gutz Philippine Airlines. Kaya nakilala ng mga Montemayor ang akan namin dahil ang tatay ko at si Tito Jose ay magkababata.
Kwento ng aking tatay na sobra silang close nung bata sila tinuring daw nila ang isa't isa bilang magkapatid. Nangangarap daw silang magkaroon ng kompanya na sila ang magpapatakbo, gusto daw nilang sabay silang aangat sa kahirapan. Sobrang hirap daw kase ng buhay noon. Halos wala daw silang makain. Pahirapan daw makakuha ng trabaho noon dahil sobrang kakaunti lang ng mga kapitalistang nagpapatayo ng mga establishimento para sa mga taong nangangailangan ng trabaho.
Kaya nag pursigi daw silang dalawa upang magkaroon ng sariling mapagkakakitaan at sa awa naman ng Diyos natugon ang kanilang hiling.Sobra akong namangha sa kwento ng aking tatay. Isa rin siyang chef subalit napag isipan nyang ihinto ito at tumuon nalamang sa dalawa nya pang pinagkakaabalahan at ito ang skwelahan at airline.
Nang dahil sa aking tatay napagdisisyunan ko nalamang na kumuha ng kursong Culinary dahil gusto ko talagang magluto ng magluto ng magluto. Mag imbento ng mga recipe na di karaniwang naririnig at natitikman ng bawat tao at ng sagano'y maipagpatuloy ko ang pasyon ng aking tatay sa pagluluto.
Carla's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mapusyaw na mata dahil sa puyat. Agad kong kinapa ang cellphone ko banda sa aking ulohan. Shems. Ala sais na pala ng umaga. Kailangan ko palang pumunta sa opisina ni dad! JuiceColored sana hindi niya ako pagalitan.
Agad naman akong kumaripas ng takbo pababa sa aking kwarto upang pumunta sa kwarto ni Rose. Buti nalang at stay in sya dito pati si kuya Rey naku, kung hindi ewan ko nalang. Hay buhay naman talagaaa!!
Kinatok ko ng sunod sunod at napakalakas ang pintuan nina Kuya Rey at Rose. Agad naman nila itong binuksan at nagulat sila nung ako yung tumambad sa harap ng pinto nila.
"Ate, ang aga aga bat ka kumakatok? Diba wala ka ngayong shoot? Anong problema ate?" sabi ni rose na inaantok pa.
Bigla ring lumabas si kuya Rey na kinukusot kusot pa ang mata.
"Oh maan Carla ang aga aga? Bakit po anong problema?" sabi naman ni kuya Rey.
"Uhmm Rose, Rey ganto kase, Sinabihan ako ni dad na pumunta sa opisina nila ng 6:30am ngayon. ala sais ako lumabas ng kwarto at kinatok ko kayo. 6:15am na at kailangan ko pang maligo at mag bihis. Naparito ako upang sabihin na kailangan nyo naring mag asikaso kase aalis tayo at pupunta tayo sa opisina ni dad. Okay bayun?" ani ni Carla na nagpapaliwanag na may halong kaba.
Agad namang tumango si Rose at Rey upang mag ayos. Alam din kase nila na napaka strikto ng ama ni Carla pagdating sa mga ganyan lalo na sa oras.
-----------------------------------
Hays nakarating din ng kabanata 3 HAHAHAHAHAHHAHA. Okay lang po ba kayo? Enjoy sa pagbabasa. Hehehe. Saranghae ❤❤
Ps: Sana po'y supportahan nyo ako hanggang sa matapos ang aking storya. 😊😊
Kabanata 4 ----------------->
BINABASA MO ANG
Hinahangaan ko noon, Asawa ko na ngayon?
FanfictionIto ay ang kwentong pag-iibigan ng isang modelong nag ngangalang Carla at Matipunong kusinerong si Ced. Tunghayan ang Komedya/Romantiko na kwentong ihahatid sa atin ng dalawang bida sa Istoryang "Hinahangaan ko Noon, Asawa ko na ngayon?"