Nagising nalang ako nung tumama sa aking mga mata ang sinag ng araw. Pagkamulat ko ng aking mata, isang tunog ang narinig ko mula sa aking ulohan.
09275365978,
At exactly 7 am, andito kana dapat sa opisina ko. Pupuntahan na natin yung place na pagtatayuan ng restaurant natin. Isama mo na rin yung kaibigan mong interior designer para mapag-usapan na natin at mapagplanuhan ang magiging itsura ng restaurant. Hindi ka dapat malilate, may hinahabol akong oras. See you!Bigla namang napatalon si Carla sa kanyang kinahihigaan.
"Shuxx, 6:30 na magliligo, magbibihis at mag aayos pa ako. Nakuu talaga Carla, di ka talaga maaasahan sa anumang bagay." bulong nito sa kanyang sarili.
Nagmamadali namang tumayo si Carla sa kanyang hinihigaan at tumungo sa banyo ng kanyang kwarto.
7:30 na at wala pa rin si Carla sa opsina ni Ced.
Nagmamadaling bumaba si Carla sa kotse nya at nagmamadaling tumungo sa opisina ni Ced.
"woh, mag aalas otso na jusmeyo galit na galit na ata si Ced. Sa Text nya palang sakin parang wala na syang gana makipag collab sakin sa business. Kase naman eh, nakasanayan ko na kaseng kumilos ng last minute. Hays." ani nito sa kanyang sarili habang naglalakad ng mabilis.
Bubuksan na sana ni Carla ang pintuan ng opisna ni Ced subalit bumakas agad ito. Bumangad naman sa dalaga ang galit na mukha ni Ced.
"Oh ang aga mo naman para bukas." saad ng binatang walang emosyon.
"A,e ano Ah ano--" di na pinatapos ni Ced and sasabihin ni Carla.
Aeiou? Ano? Naglolokohan ba tayo dito Carla?! Sabihin mo lang kung ayaw mo na. Tutal pag momodel lang naman ang gusto mo. Wala naman akong nakikita sayo na gusto mong gawin to. Pwede ka panaman mag back out, tutal di panaman na sisimulan yung gagawin!" Galit na sambit ni Ced.
"Ced, sorry na. Napahaba ang tulog ko. Marami kase akong ginawa kagabi. Sa sobrang pagod ko di na ako na alarm sa phone ko. Sorry talaga." paghihingi ng dalaga ng tawad.
"Lagi ka nalang ganyan Carla, lagi kang late. Hindi mo na ba mababago yang ganyang gawain mo? Alam mo ikaw palang yung nakilala kong binigyan ng malaking gawain na irresponsable." pag papaliwanag ni Ced sa dalaga.
"Ced sorry talaga." paghingi ng tawad ni Carla.
Inalisan ni Ced si Carla ng walang paalam.
"Bahala ka dyan, kasalanan mo yan. Maiwan kang mag-isa dyan. Oo na napaka unprofessional ko sa lagay na yun pero hindi dapat kinokonsente ang ugali ng babaeng yun. Napaka irresponsable. Pero bakit nawala agad yung galit ko sa babaeng yun, hindi ako ganto ah. Hays oo nga pala inlove ako sa babaeng yun." bulong nito sakanyang sarili na may kasamang pag ngisi.
Andito ako ngayon sa coffee shop ng kaibigan kong si Yuri. Oo mga dai tama kayo ng pagkabasa may Coffee shop ang baklang si Yuri. Madatong ang pamilya nito kaya wag na kayong mag alinlanga. Hehehe.
Dumiretso si Carla sa Coffee shop ng kaibigan upang mag relax. Grabe naman kase si Ced napaka pasamado ng dila. Hindi man lang marunong prumeno. Ang sakit kaya ng sinabi nito kay Carla pero totoo naman kase. Truth Hurts kumbaga. Pero sya balik na tayo sa coffee shop.
Pagkabukas na pagkabukas ni Carla sa pinto ng coffee shop ng kaibigan tumambad naman ang kompletong kaibigan ni Carla na nagtatawanan. Napatigil ang tatlo nung nakita nila si Carlang nakabusangot ang mukha. Agad namang nilapitan ito ng tatlo.
"Huy bakla napadaan ka, atsaka bat ang asim ng awra mo ngayon, nakabusangot ka? Para kang binagsakan ng langit at lupa ah." tanong ni Yuri.
Hindi naman sumagot si Carla at nag tungo nalamang sa pwesto ng tatlo.
"Huy ano nanaman yang arte mo baklang bruha?" tanong ni RhianaMae.
Hindi parin sumasagot si Carla at nakatulala lamang ito.
"Huy ano na teh? Nagkajowa ka na ba ngayon at nagkipag break din sayo agad ngayon?" tanong ni Janice habang niyuyogyog ang nakatulalang si Carla.
Nagsitawanan naman ang dalawa sa sinabi ni Janice.
Agad namang sinamaan ng tingin ni Carla sa sinabi ni Janice.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ng buhay ni Carla bigla namang humagolgol ang dalaga sa tatlo.
Natulala naman ang tatlo kay Carla. First time lang kase nilang makita ang dalaga na umiiyak sa harapan nila. Alam kase nilang walang pakiramdam to. Hindi rin nila nakikitang nagpapaapi sa iba tong si Carla. Pero ngayon? Umiiyak ang nag iisang Carla sa harapan nila?
------------------------
End of Kabanata 10.
Ps: Hi guys!! Sorry kong napaka late ko mag update. Uhm guys Every Monday of the week po ako mag uupdate ng story ko kase pasukan nanaman at simula narin ng research namin. Sana supportahan nyo ang story ko hanggang huli. Pero pag may time ako mag uupdate itutuloy ko ang update ko. May 2-3 pa akong kabanatang ipopost ngayon. Stay tuned!! Saranghae. ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Hinahangaan ko noon, Asawa ko na ngayon?
FanfictionIto ay ang kwentong pag-iibigan ng isang modelong nag ngangalang Carla at Matipunong kusinerong si Ced. Tunghayan ang Komedya/Romantiko na kwentong ihahatid sa atin ng dalawang bida sa Istoryang "Hinahangaan ko Noon, Asawa ko na ngayon?"