Kabanata 8

285 27 2
                                    

"Ano ba kase talaga ang pinunta nyo dito?" asar na tanong ni Carla sa tatlo

"Bawal bang Bumisita bakla?" mataray na sagot ni Yuri

BAWAL

"Ay Atittude nanaman ate mo Carla." sabi ni rhianamae

"Joke lang, HAHAHAHAHA miss ko na rin kayo. Ano bang balak nyong gawin?"

"Mag isleep over kami dito." mahinang sagot ni Janice.

Biglang lagay ng mga bag nilang puno ng damit sa ibabaw ng kama ni Carla.

"ANO? MAG SSLEEP OVER KAYO DITO?" gulat na sabi ni Carla

"Ulit ulit tayo dito teh? Boomerang gurl? Boomerang?" pang aasar na sambit ni RhianaMae.

"Hayss, sige na nga wala rin naman akong magagawa."

Hindi na naituloy ni Carla ang panonood nya ng kdrama kase mas pinili ng mga kaibigan nyang manuod ng horror.

-

Umaga na at nakaramdam si Carla na parang ang bigat ng likod nya. Tatayo na sana sya kaso isang Janice ang naka dantay sa kanyang likuran.

Dahan dahang inalis ni Carla ang mabigat na paa ni Janice para makapunta sya sa Cr dahil ihing ihi na sya.

"Ang bigat bigat naman kase nitong babaitang to eh." mataray na bulong nya sa kanyang sarili.

Pagkalabas nya ng banyo nakahilata parin ang tatlo.

May naisip namang katarantaduhan si Carla para magising ang mga bakla.

Bumaba sya sa kusina nila at naghanap ng kaldero. Balak nya kase itong ihulog sa lapag para naman magising ang tatlo sa gulat.

Dahan dahan syang umakyat at binuksan ang pinto ng kwarto nya.

"Ha Ha Ha, it's time! Makakaganti rin ako sa tatlong panget na to! Ang lalakas nyong mang asar ah.

*BANG*

Sabay sabay nag sitayoan at nag titili ang tatlong baklang nakahiga sa kami ni Carla. May nahulog pa sa kama HAHAHAHAHA tanga tanga talaga.

Tawa ng tawa si Carla dahil sa reaksyon ng tatlo. Mga naalimpungatang ginulat ng wala sa oras. HAHABABAHAHAHA

Napatigil sa kakatawa si Carla ng sabay sabay syang buhatin ni Yuri, RhianaMae at Janice para ibalibag sa kama nya.

"Ang sama sama mo talagang bruhilda ka!" pasigaw na sabi ni RhianaMae sabay talon kay Carla.

At nag simula na nga silang mag rambulan sa loob ng kwarto nya.

Third Person

Iba talaga pagkasama mong matulog at magising ang mga kaibigan mo. Ang sarap lang sa feeling na maaga palang GoodVibes na ang life mo dahil sakanila. Sana magkakasama nalang silang manirahan sa isang bahay ng saganon lagi silang masaya. Magkakatampuhan man minsan pero magbabati agad. Kapatid na rin ang turing nila sa isa't isa. Magkakaiba man sila ng pinanggalingan, pero iisa lang ang gusto nila, na makasama ang bawat isa habang buhay.

"Hoy anong oras na at mag sstart na yung palabas." ani ni Janice

Andito sila ngayon sa SmMagnolia para manood ng sine. Balak kase nilang panuodin yung Miracle in Cell no.7 Philippine Adaptation. Marami kase silang nababasa sa social media na mga Reviews ng mga movies na ipapalabas ngayong taon. At ayun nga napili nilang panuorin ang Miracle kase mataas ang binibigay na puntos ng mga nakapanood.

"5 minuto nalang magsstart na!" nagmamadaling sabi ni Janice.

"Oo na teh magbabayad na kami. Chill." pataray na sabi ni RhianaMae..

"Oh ito na tapos na halika na." sabi ni Carla.

Sabay sabay naman silang nagsitakbuhan papuntang Cinema 8 kase tatlong minuto nalang at mag start na ang palabas.

"Hay salamat, nasimulan natin ang palabas." sabi ni Janice.

Iyak, Tawa ang nagyari sa loob. Nakakaantig ang storyang pinanood nila. Maraming lumabas ng sinehan na lumuluha. Ang daming lesson na makukuha sa pelikulang to. BRAVO!.

"Grabe nakakaiyak. Huhuhuhu" sabi ni RhianaMae habang pinupunasan ang kanyang luha.

Hindi naman naimik ang tatlo. Dinaan na lamang nila sa katahimikan kesa sa umiyak.

Para silang tangang naglalakad sa hallway ng mall. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Kase banaman hanggang ngayon iyak parin ng iyak si rhianamae habang yung tatlo nakatitig lang kay rhianamae habang naglalakad.

"Saan tayo kakain?" basag sa katahimikan ng nagtanong na si Yuri.

"Mag Samgyup nalang tayo para busog." yaya ni Janice.

Nasa Kainan na sila pero ang tahimik parin nila.

"hoy mga bakla kakain ba tayo dito o magtititigan nalang? Sunog na yung baboy!" sigaw ni Carla sa tatlo.

Bigla namang tumawa si RhianaMae

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA para tayong mga tanga. Ang ganda kase ng palabas eh." sabi ni rhianamae habang tumatawa.

Nagsitawanan naman silang lahat kase ngayon lang nila narealize na ang dami paring nakatingin sa kanila.

Pagkatapos nilang manood at mag mall. Hinatid na ni RhianaMae ang bawat isa sa kanikanila nilang bahay.

------------

Sorry guys kung ang gulo at ang corny ng ibang linya.

Vote, Comment and Share.
Sana magustuhan ninyo.

Hinahangaan ko noon, Asawa ko na ngayon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon