Kuya Rey, Pwede po bang paki bilisan ng unti yung pag papatakbo? Mag aalasyete na baka uminit na ang pwet ni dad kakahintay.
Biglang binilisan ni Mang Rey ang sasakyan, buti nalamang at walang masyadong sasakyan ngayon sa kalsada. holiday kase ngayon, nagsiuwian ang mga tao sa kani-kanila nilang probinsya.
Pagkatapos ng trenta minutos na pagbabaybay sa kalye, sa wakas nakarating narin si Carla sa kanyang paroroonan.
"Good Morning po Maam Carla" masayang bati sa kanya ng guwardya.
Tumango nalamang si Carla dahil nagmamadali na sya. Siguradong galit na galit na ang kanyang Ama kakahintay sa kanya.
Hindi na nakasunod si Rose at nag abang nalamang siya sa labas ng opisina ng Ama ni Carla.
Carla's POV
Kaya mo'to Carla, Daddy mo lang naman ang nasa loob eh. May sasabihin lang naman na importante. Tamang angat lang ng noo habang naglalakad papasok.
Pagkabukas na Pagkabukas ni Carla ng pintuan ng opisina ng kanyang Ama, nanlaki ang mga mata nito at napahinto sa paglalakad.
Maliban sa galit na mukha ng kanyang ama na tumambad sakanya. May isa pang lalaking nakaupo katapat ng kanyang Ama na nakatitig sa kanya.
Ang pagkakaalam ni Carla silang dalawa lang ng kanyang Ama ang mag-uusap. May kasama pa pala itong Chaperon. Hehehe
Dahan Dahan nalamang umupo si Carla sa tabi ng kanyang Ama nang naka yuko.
"Let's Start the discussion" aya ng kanyang amang wala sa mood.
"Carla, pinapunta kita dito upang ipakilala sayo si Ced na magiging partner mo sa pagpapalago ng isang Restaurant na gagawin sa susunod na taon. Sa ngayon pag-uusapan muna natin kung okay lang ba sainyo na mag kasamang magpatakbo ng negosyo.
Napag-usapan na namin to ng tatay mo Ced, kaya ka nya pinapunta dito para mag suggest kung saan ang magandang lugar na pagtayuan nyo ng Restaurant ni Carla."- ani ng Ama ni Carla.
Napagplanuhan na din namin to dati pa. Hindi nalang kami ang gumawa at sainyo nalang namin ito papasimulan.
"Bakit kase may paganyan ganyan pa si dad. Gusto ko nga sa pag momodel bat ako pagtatrabahuhin sa Restaurant. Wala nga akong alam sa mga yan eh. Bala sya model is Layp si aku." wika ni Carla sakanyang isipan.
Biglang gumawa ng ingay ang kanyang tatay dahil pakiramdam nito walang nakikinig sakanya.
Nakatitig lang kase si Ced kay Carla habang pinaglalaruan neto ang kanyang mga daliri.
Bigla namang umupo ng maayos ang dalawa dahil sa ingay na ginawa ng kanyang Ama.
"Naiintindihan nyo ba ang sinabi ko?" tanong ng kanyang Ama.
"Uhm Yes tito, maghahanap po ako ng place na pwedeng pagtayuan ng restaurant namin ni Carla, then i'll update you nalang po if may nakita na ako." sabi ni Ced.
"Ikaw Carla anong plano mo? Late ka na ngang pumunta dito nakatunganga ka lang dyan?" galit na sabi ng kanyang Ama.
"Dad sorry, nalate po ako ng gising eh. Ang dami po kase namin ginawa sa shoot kagabi kaya late narin ako nakauwi." sabi ni Carla ng nakayuko.
"O sha bago matapos tong pag-uusap natin, Ced meet my first born, Carla Reign Montemayor." pagpapakilala ng kanyang Ama kay Ced.
Kinamayan naman ni Carla ang binata. Sabay pagpapakilala nito sa kanyang sarili. "Hi Carla, Im Cederick Liam Gutirrez, Son of Ana and Robert Gutierrez." nakangiting pagpapakilala nito sa dalaga.
"Nice to meet you, Cederick" bati ng dalagita.
"Ced nalang for short." ani ng binata.
"Mukhang magkakamabutihan tong dalawa ah. Sana sila nalang ang magkatuluyan." bulong ng Ama sakanyang sarili.
----------------------------
Hi guys, comment nalang kayo if nagustuhan nyo. Salamattt.😊
BINABASA MO ANG
Hinahangaan ko noon, Asawa ko na ngayon?
FanfictionIto ay ang kwentong pag-iibigan ng isang modelong nag ngangalang Carla at Matipunong kusinerong si Ced. Tunghayan ang Komedya/Romantiko na kwentong ihahatid sa atin ng dalawang bida sa Istoryang "Hinahangaan ko Noon, Asawa ko na ngayon?"