4 nights n' 3 days

40 0 0
                                    

"Hoy ano ba! Hindi ikaw ang may-ari ng kalsada!"

"Tigilan niyo na nga 'yan! Lalo lang lumalala 'yung traffic!"

*mixed noise/sounds from vehicles*

Eto na naman sila, halos araw-araw na ganyan ang scenario ng mga tao dito sa kalsada. Kanya kanyang sigaw, labasan ng init ng ulo. Sa kabilang banda, marami rami parin naman ang mga natitirang matinong rider gaya ko. Este gaya nitong driver ng sinasakyan kong taxi. Halatang halata niyang inip na inip na ako kaya naman panay ang daldal miya sa akin. Ang kaso tinatamad akong magsalita kaya nakatulala na lang ako sa bintana.

Halos tatlong oras ang tinagal ng byahe ko papunta sa pantalan ng maynila mula sa loan house ko na dito lang naman din naka base sa Manila, na kung susumahin halos isang oras at kalahati lang naman dapat ang kukunsumahing oras.

"Dumating din siya!' ani Elyn.

"Bat ganun, dati nung nag aaral pa tayo, sating lahat si Joy yung early bird." banat naman ni Abby.

"Ayst! Kasalanan ko bang magkaroon ng super ultra mega heavy traffic." giit ko.

"Kasalanan mo ang hindi mag adjust."
Napalingon kaming lahat kay Alvin matapos niyang sabihin iyon.

"Kasalanan kung maiiwan tayo ng ship!" sabat naman ni Mai.

*Sighed

Pasalamat ka dahil gwapo ka, kaya kahit masungit ka hindi parin kita pinapatulan.

"Oy ano na Joy? Tulaley?" sambit ni Abby.

"Let's go!"

Ang ruta dapat ay Manila to Laoag(Ilocos) to Taiwan to Hongkong that lasts within 6 nights and 5 days, unfortunately hindi na ito mag s-stop in Taiwan so from Manila to Ilocos to Hongkong na ang new route with 4 nights and 3 days.

In one room mayroon ng 3 beds kaya bali 2 rooms ang inoccupied ng grupo namin. Ako, si Mai at Abby in one room at si Alvin, Elyn at ang boyfriend niyang si Tom in one room next to us.

[1st Night]

"Labas tayo! Punta tayong upper deck!" 'yaya ni Abby.

"Sure!" ani Mai.

"Kayo na lang matutulog na lang ako." sagot ko.

"Hay naku! Pano ka makakahanap ng jowa niyan kung panay ang tulog mo lang!" sabat ni Abby na ngayon ay hinila na ang paa ko.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako. Isa pa hindi hinahanap 'yon, kusang dumarating. !" aniko.

"Oo nga naman, darating 'yun baka natraffic lang!" Sarkastikong sabat ni Mai.

"K fine sasama na! Kala naman ng dalawang 'to, kayo rin naman tamang sana ol lang!" aniko.

Paglabas namin ng room dirediretso kaming naglakad sa upper deck. Trip nila kasing tingnan ang dagat on that position, and also the sunset. Ang kaso medyo marami rin pala ang nag s-sight seeing ngayon.

"Tara baba na tayo." 'yaya ko.

"Maya na, doon tayo banda!" giit ni Abby at naglakad sa kanang bahagi. Kami naman ni Mai na walang magawa, tamang sunod na lang.

"Oy Abeng wait!" aniko.

"Ay sorry po!" nagmamadaling sabi ng isang lalaki na nakabangga sa akin. Hindi ko na lang pinansin kasi maski ako nakakabangga rin sa dami ng tao ngayon dito sa taas.

"Oh masaya ka na? Mauna na ko sa kwarto ah!" aniko.

"Oo na, tingnan mo yung dadaanan mo traffic pa naman." banat ni Abby.

4 Nights n' 3 Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon