Walang kibo ang batang babae habang hawak ang isang kutsilyo na puno ng dugo. Sa kaniyang harap isang walang buhay na kuneho na naliligo sa sarili nitong dugo."Anong nangyari dito?" ani ng isang batang lalaki at saka kinuha mula sa kamay ng bata ang kutsilyo. Dali-dali niyang itinapon ang walang buhay na kuneho at isinama ang bata sa banyo upang linisin ang dugong tumalsik sa mukha nito.
"Pagdating nila mama, huwag kang magsasabi ah, ako na ang bahala, okay?" nakangiting anito sa bata.
"Joy ako 'to."
Bumukas ang pinto ng bathroom, lumapit sa akin si Dave at itinayo ako.
Binuksan niya ang shower, unti-unting nababasa ang ulo ko, hinawi niya palikod ang buhok ko, hinawakan niya ang pisngi ko, nilapit niya ang kaniyang mukha at tinitigan ako sa aking mga mata, sapalagay ko nakita niyang takot ako. Pinunasan niya ang dugong tumalsik sa aking mukha dahilan para mapapikit ako.
"Ako na ang bahalang maglinis ng kalat mo, mag-linis ka na uuwi na tayo." mahinahon niyang sabi. Lumabas siya at isinara muli ang pinto.
Pagkalabas ko ng bathroom wala si Dave, wala na rin bakas ng nangyari kanina, maayos na ulit ang buong lugar. Maya-maya dumating si Dave at isinama na ako pabalik ng villa.
Wala si M nang makabalik kami sa villa, dumiretso si Dave sa kwarto niya, ganun din ako. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama, pinilit kong matulog pero sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata nakikita ko ang mukha niya. Nakikita ko siyang pinagtatawanan ako habang walang tigil ko siyang pinagsasaksak.
Naupo ako, hindi ko matagalan ang mga imaheng pumapasok sa isip ko, naririnig ko rin ang tawa niya. Tumayo ako at naupo sa harap ng salamin. Pumapayat na ako, malalim at walang sigla ang mga aking mata, saglit akong napatitig sa aking mukha nang mapansin ko na mahaba na ang buhok ko.
Binuksan ko ang drawer at hinanap ang gunting, nang makita ko na ito ibinalik ko ang aking tingin sa salamin. Pinutulan ko ang mahaba at maitim kong buhok, binawasan ko hanggang sa pumantay na sa aking baba. Pagkatapos ay ibinalik ko na ang gunting sa drawer at bumalik sa kama.
Mabibigat na yapak ang unti-unting lumalapit sa akin dahilan ng paggising ko.
"Good morning dear." nakangiting nitong ani.
Si M.
Naupo siya sa tabi ko kaya umupo na rin ako. Kita sa namimilog niyang mga mata ang gulat nang tumambad sa kaniya ang maiksi kong buhok.
"Why?" tanong ko.
Umiling siya at ngumiti.
"I'm sorry Joy but I can't feed you today, I need to go, I have a business trip for a week." aniya. Nginitian ko lang siya at tumango.
Bago siya umalis, she give a forehead kiss on me, again.
Tumayo narin ako at lumabas, nang maisara ko na ang pinto ng kwarto narinig ko ang malakas na paghikab ni Dave.
"Oh? Dora?" tanong niya mula sa likuran ko.
Diretso lang ako pababa sa hagdan at hindi siya nilingon, dinig kong tumakbo siya at biglang sumulpot sa gilid ko.
"Dora?" tanong nitong muli.
"Ano ba?"
"Ayst, ang aga-aga nakasimangot." aniya. Naglakad na ulit ako pababa, hanggang sa makarating kami sa swimming pool hindi niya ako tinigilan sa pagtatanong ng "Dora?"
"Bakit ba kasi yun?"
"Aalis tayo mamaya, marami tayong gawain." mabilis niyang sagot.
"Oh tapos?"
BINABASA MO ANG
4 Nights n' 3 Days
ActionThat supposedly 4 nights and 3 days' vacation of Joy turned into something surreal. ...................................................................... Writer's 📝 "The reader is the water And the bean is the writer If you read my work, you he...