Pa'no niyang nalaman ang pangalang iyon?
Patuloy lang ako sa pagtakbo habang binabaybay ang isikinita.
Imposible siya si Kenn, imposible siya ang kuya ko.
Nang makarating ako sa MRT station nagmamadali akong nagtungo sa coinlocker kung saan ko mismo itinago ang cellphone, pero naabutan ko ang grupo ng lalaking nakatayo sa harap nito, sa di kalayuan ay kita kong nakabukas na ang locker.
Napaatras ako at pinanghinaan ng tuhod.
Saglit lang ay napansin ako ng mga ito, nabaling sa'kin ang kanilang atensyon at dali-daling silang naglakad patungo sa akin, mabilis akong tumakbo papalayo at nakipagpatintero sa kanila.
Nakatago ako sa gilid ng isang coinlocker at naririnig kong papalapit na ang yapak nito sa akin.
Isang baseball bat na nakapatong sa itaas ng coinlocker ang kinuha ko at ihinampas sa isang lalaki. Tinamaan ko ang kaniyang balikat ngunit nagawa naman akong hawakan ng isa niyang kasama. Ipinulupot nito ang kaniyang malalaking braso sa'kin na kahit anong pagpiglas ay hindi ko magawang makawala.
Galit na humarap sa akin ang lalaking tinamaan ng bat at ginantihan ako ng malakas sampal sa mukha. Hinawakan nito ang aking buhok at iniharap ang aking mukha sa kaniya.
"Where's the file and the phone?" tanong nito.
Ang halos nakapikit kong mata ay naimulat ko dahil sa tanong nito.
"Bakit? Wala na ba don?"
Nakuha ba niya?
"What?"
Hindi ako sumagot dahilan para suntukin niya ako sa sikmura.
"Bring her back to Ms.-
"Who says?" ani na mula sa boses ng lalaki.
Mr. Chan?
Naglakad patungo sa aking likuran ang lalaking tauhan ni Talula.
"Who are you?"
"I already buy her." anito.
Huwag mong sabihing-
Lumakad ito papalapit sa aking harapan at-
"Watergun?"
"Give her to me." anito
Hindi nasindak ang lalaking may hawak sa akin at nanatili itong hindi sumasagot.
"Do I need to show you the receipt?"
Lumingon ang lalaking may hawak sa'kin sa kasama nito at tila nanghihingi ng sagot kung anong gagawin niya.
"Give her to him." ani na mula sa boses ng babae habang naririnig kong papalapit ang mabibigat nitong hakbang.
Binitiwan na ako at itinulak papalapit sa lalaking nasa aking harapan. Hindi ako lumilingon, alam kong nandyan na si M, si Talula.
"But-
"What?"
"Tell to your toy to return what she stole from me." ani Talula.
Tiningnan ako sa mata nitong lalaki.
"Go, give back to her whatever those things."
"I don't have it." aniko.
"She said she don't have it."
"And you just believe on her?"
"Nope, I trust nobody. Besides whatever those are, it's not in my concern infact either you. I already buy her before you consult her so basically all what she has now is already mine, right? So let us go."
BINABASA MO ANG
4 Nights n' 3 Days
AcţiuneThat supposedly 4 nights and 3 days' vacation of Joy turned into something surreal. ...................................................................... Writer's 📝 "The reader is the water And the bean is the writer If you read my work, you he...