"Mmmmmmmmm—
Dinig ko ang boses ng isang lalaki na patuloy lang sa pag humming kasabay ng maingay na tunog ng isang bagay na tila ipinupukpok kung saan. Habang patagal ng patagal, palapit ng palapit ang tunog ng kaniyang boses, palakas ng palakas ang tunog ng maingay na bagay.
Ramdam kong hinawakan nito ang aking buhok. Hindi ko maimulat ang aking mata na tila may humaharang dito, hindi ako makagalaw at may kirot ang aking talampakan.
"Its show time." anito dahilan para mas makaramdam ako ng takot.
Naramdaman kong unti unti nitong pinapadaan sa aking braso ang matulis na bagay. Mula sa aking kamay, paangat sa braso hanggang sa leeg. Isa isa niyang tinanggal ang butones ng aking damit kung kaya't hindi ko mapigilang magpumiglas. Hindi ko rin magawang sumigaw dahil sa mayroong nakatali sa aking bibig. Nanginginig ang buo kong katawan habang dahan dahan nitong tinatanggal ang aking kasuotan. Mula sa pang-itaas hanggang sa pang ibaba.
Ramdam kong nakaupo parin siya sa aking harapan kahit ni isang ingay mula rito ay walang akong marinig. Tinanggalan niya ng busal ang aking bibig. Tinanggal rin nito ang piring sa aking mga mata. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mga mata bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki habang nakangisi.
Magkahalong gulat at takot ang aking naramdaman, hindi ko mapigilang sumigaw. Pinilit kong iniwas ang paningin ko sa kaniyang mukha na isang dangkal lang ang layo mula sa akin.
Napansin kong purong puti lamang ang nasa paligid, kita ko ring wala na akong damit, sa likod niya ay may isang bathtub na walang laman ni kahit ano. Ipinikit kong muli ang aking mga mata kaysa makita ang mukha ng lalaking ito sa aking harapan. Ramdam kong tumayo ito, nang imulat ko ang aking mga mata kita kong ipinuwesto niya ang upuan sa kabilang parte ng bathtub. Ngayon, nasa pagitan naming dalawa ang isang bathtub.
Muli siyang lumapit sa akin habang hawak hawak ang isang kutsilyo. Marahil 'yun, ang maingay na bagay na kanina ay naririnig ko. Pinadaan niya sa aking leeg ang kutsilyo, pababa hanggang sa tapat ng aking sikmura. Napatigil ito saglit, umupo at bigla nitong idiniin ang kutsilyo.
"Fucccc—" sigaw ko habang dahan dahan niyang hinihiwa ang laman ko. Tumalsik sa mukha niya ang dugo dahilan para mapapikit ito.
"No, no no—" sigaw kung muli sa kaniya nang makita kong hihiwaan na naman niya ako. Tumigil naman ito, binitiwan ang kutsilyo at saka inilapit ang mukha sa aking tiyan.
Para siyang demonyo na nakatitig sa dugo habang tumutulo ito. Sobrang sakit, gusto ko ng maglaho ngayon mismo. Nang humina na ang dugong lumalabas sa akin, kumunot ang noo nito at saka piniga ang aking sikmura, hindi pa siya nakuntento dahil dinilaan pa niya ang dugong lumabas sa aking tiyan pataas sa mismong sugat, at nang matunton na ng kaniyang bibig ang sugat ay bigla niya itong kinagat kaya mas lalo akong napasigaw sa sakit.
"Just make sure that you will never untie me, if I could get out of this I promise to cut your two heads!" nangigigil kong sabi rito.
Tumayo ito, tinanggal niya ang tali sa aking kamay at paa, pinilit niya akong itayo. Nang lumapat na ang dalawa kong paa ramdam ko ang kirot nito na tila hiniwaan sa talampakan dahilan upang hindi ko magawang ilakad ang mga ito. Wala akong lakas na lumaban sa kaniya na tila may ginawa na sila sa akin bago pa ito.
Pilit niya akong pinapatayo, lumayo siya sa akin at sinenyasan na lumakad papunta sa kaniya, nang hindi ko magawa ang pinapagawa nito, ang nakangisi niyang mukha ay napalitan ng blankong reaksyon.
BINABASA MO ANG
4 Nights n' 3 Days
ActionThat supposedly 4 nights and 3 days' vacation of Joy turned into something surreal. ...................................................................... Writer's 📝 "The reader is the water And the bean is the writer If you read my work, you he...