*playing a low volume piano sonataMalamig ang paligid, tahimik at tanging ang piano sonata lang ang naririnig ko. Naupo ako at tinanggal ang eyemask na nakasuot sa akin. Bumungad sa akin ang reflection ko sa salamin na nakapuwesto sa tapat ng paanan ng kama. Sa gilid nito ang platinum phonograph na pinagmumulan ng tugtog. Tumayo ako at lumapit sa salamin, naka red long dress ako at mukhang inayusan na ako ng kung sino man. Sa kanan ko isang malaking painting ang nakasabit, sa kaliwa naman, glass window.
Malinis tinggnan ang kwarto dahil sa kulay puti at maayos na pagkaka-arrange ng mga furniture, sa ceiling naman nakasabit ang maliit na ornate lighting. Naglakad ako papunta sa pinto na malapit sa uluhan ng kama, nang buksan ko ito isang classic toilet room ang tumambad sa akin. May isang notes ang nakadikit sa salamin kaya't pumasok ako sa cr at kinuha ito.
"Walk outside."
Naglakad na ako palabas dito, dumiretso sa isa pang pinto malapit sa phonograph, isang paired sandals ang nasa tapat ng pinto. Binuksan ko ito, bago lumabas inangat ko muna ang stylus at saka malakas na isinara ang pinto.
Lumingon ako sa paligid, tahimik at madaming silid. Binaybay ko ang hallway hanggang sa makita ko ang hagdanan. Classic style ang buildings at corinthian order ang halos lahat ng makikita. Old paintings sa double height ceiling pero ang mga furniture may halo ng modern style.
May mga nadadaanan din akong tila drawing room- ballroom, hindi ako sigurado.
Dire-diretso lang ako hanggang sa matunton ko na ang malaking pinto, lumabas ako at bumungad sa akin ang napakalawak na green landscape. Naglakad ako ng bahagya at nilingon ang bahay na pinanggalingan ko.
Mansion?
"Na'san ba talaga ako?" aniko.
Habang naglalakad malalakas at malalamig na hangin ang sumasalubong sa akin na halos tangayin ang nakalugay kong buhok. Dire-diretso lang ako, berdeng berde ang kulay ng mga carabao grass habang asul na asul naman ang kalangitan. Nang medyo may kalayuan na ako sa Mansion isang maliit na tulay ang aking nadaanan na nagdugtong sa magkalayong lupa. Nang matunton ko na ang gate, isang itim na sasakyan ang huminto sa aking tapat.
"Black Ferrari?"
Lumabas ang driver nito at binuksan ang pinto sa passenger seat.
Sumakay ako at isinara niya ang pinto. Sumakay na rin ito, p-in-lay ang parehong piano sonata na tumugtog kanina sa kwarto at saka pinaandar ang sasakyan.
Leafy lane ang tinatahak ng sasakyan, dire diretso. Mahaba ang biyahe, naiinip na ako at unti unti ng naiirita sa tugtog.
"Pwede, pakipatay na nga." aniko.
Tiningnan niya ako mula sa salamin at nagpatuloy sa pagda-drive.
"K fine." aniko sabay rolled eyes.
Ilang oras ang tinagal ng pagda drive niya, halos nagpa ikot-ikot na ako sa kinauupuan ko. Nakailang bukas-sara na rin ako sa window pane ng kotse. From leafy lane ngayon urban roads na ang tinatahak nito.
Ilang saglit pa huminto na kami. Tininggnan ko lang siya habang nakasandal, lumabas siya sa kotse at dumiretso sa tapat ko, pinagbuksan niya ako ng pinto. Tiningnan ko muna siya bago lumabas.
Maraming tao ang naglalakad, nakatambay.
"Mister? Mister? Where—"
Nang lingunin ko ang driver sa aking likod nakasakay na siya sa kotse. Dinungaw ko siya pero pinaandar na niya ito.
"Okay? So anong trip 'to?"
Lumingon lingon ako sa paligid, mula sa 'di kalayuan may natanaw akong malaking Ferris wheel.
![](https://img.wattpad.com/cover/210163728-288-k693171.jpg)
BINABASA MO ANG
4 Nights n' 3 Days
حركة (أكشن)That supposedly 4 nights and 3 days' vacation of Joy turned into something surreal. ...................................................................... Writer's 📝 "The reader is the water And the bean is the writer If you read my work, you he...