7

2.5K 121 14
                                    

Happy New Year everyone!!!


Asnia Sien's POV

"Kil..."

Lumingon rin ako. Tatlong lalaki ang nakita ko. Ang pinakamatangkad sa kanila ay madilim na asul ang kulay ng kapa ang suot. Nakababa ang hood kaya kitang kita ko ang magulong itim na buhok. Singkit ang mata at sa ibaba ng kaliwang mata ay may nakaguhit do'n gamit ang itim na tinta.

Isang maliit na balahibo ng ibon.

May pekla din siya sa kanang panga, medyo mahaba iyon papuntang sa kaniyang baba. Isang nakakatakot na ngiti ang pumorma sa kaniyang labi.

"Sino itong kasama mo? Na saan si Arell?" baritono ang kaniyang boses. Napalunok ako. Nakakatakot siya. Bawat bahagi ng katawan niya ay sumisigaw ng kapahamakan.

Ang iba niyang kasama ay masama ang tingin sa'kin na parang hinahamon ako ng away. Muli akong napalunok. Sila ang magiging kagrupo ko?! Ngayon pa lang ay parang umuurong na ako. Baka maaga akong mamatay nito.

"Na sa kwarto. Nagmumukmok. Tagal kang 'di nakita e." kaswal na sagot ni Roche.

Nakita kong may nagdaan na emosyon sa mga mata ni Kil pero agad iyong nawala. Ngumisi siya. "Dapat na ba akong maniwala sa'yo?"

Humakbang paabante ni Roche. Pinagkros ang mga braso at ngumisi. "Kailan pa kayo nakabalik? Ilang buwan din kayong nawala."

"Kanina lang." sinulyapan ako nito kaya napayuko ako. Nakakatakot talaga siya pero mas nakakatakot pa rin si Archelues. Mas doble ang nakakatakot na awra ni Archelues kaysa sa kaniya. Atsaka, sumisigaw ng kapahamakan si Kil at si Archelues naman ay... ay... hindi ko alam. Basta.

"Tsk. Sino ba iyan, Roche?" tanong ng katabi ni Kil.

"Asnia, bago niyong ka----"

"Ano pa ang ginagawa niyo rito?" lahat kami ay napalingon sa nagtanong.

Agad nagtama ang aming tingin. Takte, kumabog agad ang aking dibdib. Ang galit na mata ay huminahon ngayon pero ang matapang niyang anyo ay hindi nagbago. Galit pa rin ba siya? Kanino ba kasi siya nagagalit?

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga kaya ang mga tingin niya. Para kasing hinihigip nito ang aking lakas at parang nakikita niya rin pati ang kailaliman ng aking isip. Napasinghap ako, kailangan kong kumalma!

Parang nabahag ang buntot ng dalawang kasama ni Kil dahil agad itong yumuko at parang nawalan ng tapang. Si Kil naman ay pantay ang labi at nakatiim bagang.

"Paalis na kami." biglang sabi ni Roche kaya nagulat ako.

Mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at hinila. "Ha?"

"Aalis na tayo. Babalik na tayo sa kwarto." nagmamadaling sabi ni Roche.

Wala na akong nagawa dahil nahila na niya ako. Lumingon ako sa aking likod. Wala na doon sila Kil at si Archelues naman ay tahimik na nakatitig sa'kin.

Nanlaki ang aking mata. Dahil sa liwanag ng buwan at ng ilaw sa kisame ay nakita ko ang paggalaw ng kaniyang labi. Kahit nakalayo na kami ay pinilit kong basahin ang paggalaw ng kaniyang labi.

"Magandang gabi, Dhalses Casnia Sien." halos manghina ako dahil sa maliit na ngiti sa kaniyang labi. Iba pa rin talaga kapag ang matapang niyang anyo ay mayroong ngiti sa labi.

Hindi ko rin tuloy napigilang ngumiti at bumati pabalik ngunit hindi ko alam kung nakita niya pa iyon dahil lumiko na kami paakyat.

Malawak ang ngiti ko bago nakatulog nang gabing iyon. Hindi ko alam kung bakit punong puno ng kasiyahan ang puso ko.

Newszealz Academy: Mirror of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon