57

1K 43 8
                                    

Dhalses Casnia Sien's POV

Lahat ay naging tutok sa panonood sa dalawang taong naglalaban sa loob ng arena. Pero hanggang sa natawag lahat, hindi nabanggit ang pangalan ko.

Napatayo ako, ako na lang ang natira sa pwesto ko dahil ang iba ay diniretso na sa klinik. Marami ang nasaktan at nasugatan sa naganap na labanan. Malapit na ring lumubog ang araw.

Taka kong nilibot ang tingin sa buong arena. Ako na lang talaga ang hindi pa natawag. Nilapitan ko si Propesor Wintre para magtanong sana pero inunahan niya ako.

"Sumunod ka sa akin."

Mas lalo akong nagtaka nang tinungo namin ang opisina ng Headmaster. Kumatok siya ng ilang beses bago binuksan ang pinto. Sumunod ako sa kaniya sa loob.

Natigilan ako nang makita ang taong dahilan ng kasiyahan ko. Napahinto ako sa kinatatayuan ko habang titig na titig kay Archelues.

Kausap niya ang ibang Konseho pero nang maramdaman ang presensiya ko ay agad niya akong nilingon. Tinigil niya ang pakikipag-usap kay Elraiden.

Mabilis na namasa ang mga mata ko.

Archelues...

Kumabog ang dibdib ko nang ngumiti siya. "Dhal,"

Napatayo ang ibang Konseho nang makita si Propesor Wintre. Agad silang nagbigay galang.

"Propesor Wintre, magandang hapon po." pormal na sabi ni Aloudia.

"Wala po ang Headmaster ngayon, Propesor." imporma ni Iñaki.

"Saan siya nagpunta?" walang emosyong tanong ng Propesor.

Nilingon ng ibang Konseho si Archelues. Doon lang nawala ang titigan namin. Napalunok ako at napakurap-kurap para mawala ang pamamasa ng mga mata.

Nakita ko rin siya. Maayos siya at para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib dahil do'n. Maayos siya, Asnia.

Panatag na ako.

"Mahigpit na bilin ng Headmaster na huwag sabihin ang kaniyang kinaroroonan. Pasensiya na po, Propesor Wintre." pormal na sabi ni Archelues.

Tipid na tumango ang Propesor. "Maari bang ikaw na lang ang makausap ko?"

Sinulyapan ako ni Archelues bago tumango sa Propesor. "Sige po, roon po tayo." iginiya niya ang Propesor sa isang pinto. Pumasok sila ro'n.

"Oh, Asnia! Andito ka pala, hindi kita napansin!" nilingon ko si Elraiden. Ang impormal niyang awra ang sumisira sa awrang mayroon ang ibang kasama niya.

Napahinga ako ng malalim bago ngumiti nang alanganin. Hindi naman ito ang unang beses na makaharap ko sila sa ganito kaliit na espasyo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa otoridad at intimideyting na awra nila. Lalo pa't isa lang ang kulang sa kanila ngayon.

"Upo ka Asnia." tinuro ni Iñaki ang bakanteng espasyo sa kaniyang tabi, "kasama ka ni Propesor Wintre?"

Tumango ako nang makaupo ngunit mali pala ang desiyon kong sundin si Iñaki. Napalunok ako, hindi ko agad napansin ang presensiya ni Lalisza dahil natuon ako kanina kay Archelues.

Seryosong nakatitig sa akin si Lalisza. Napaiwas ako at nilingon ang ibang Konseho. Si Rell lang ang wala sa kanila. Pormal na nakaupo ang lahat ng Konseho maliban kay Elraiden na parang nasa bahay lang kung umupo, nakadekwatro siya at halos humiga na sa kaniyang inuupuan.

Newszealz Academy: Mirror of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon