22

1.8K 87 1
                                    

Asnia Sien's POV

Kung kanina, sobrang tahimik ng byahe, ngayon ay sobrang ingay namin. Nakakatuwa dahil kinakausap na nila ako kahit papaano. Puro kami kwentuhan at kulitan. Napag-alaman ko rin na magkasintahan pala sila Dex at Zelnai. Hindi halata dahil palaging nag-aaway ang dalawa. Si Govin naman ay nanliligaw kay Haira.

"Nagsisisi na tuloy ako ngayon kung bakit ngayon lang kita kinausap. Sabi kasi ni Vida, huwag daw kitang kau---aww! Vida!" si Skile. Kanina pa siya nagkukweto. Kinurot siya ni Vida sa tagiliran. Pinanlakihan siya ng mata ni Vida bago irapan.

Napanguso si Skile kaya natawa ako. Natigilan sila at gulat na napatingin sa'kin. Napanguso ako at napaiwas ng tingin. Ganito ang palaging reaksyon nila Rell tuwing tumatawa ako o kaya ay nagugulat.

Eksaheradang tinuro ako ni Skile. "Tingnan mo! Nagsisisi na talaga ako. Dapat kinausap na kita noon pa." namula ang tainga ni Skile. "ang... ganda mo, Asnia." napaiwas siya ng tingin at napamura.

Nakagat ko ang ibabang labi. "Salamat." nakakahiya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na pinupuri.

"Sobra." rinig kong bulong ng kung sino. Nilibot ko ang tingin. Baka gunin guni ko lang.

"Basta, humingi na ako ng tawad, Asnia, ha. Pasensiya ulit dahil pinaramdam namin sa'yo na ayaw namin ikaw sa grupo. Kasi naman." napanguso si Zelnai at napaiwas ng tingin. "masyado kang maganda para sa aming grupo. Magkasing ganda tayo pero hindi ka talaga bagay sa grupo namin e."

Sabay sabay na napalingon sa kaniya ang lahat. "Zelnai!"

"Ano ka ba, Zel!"

"Zelnai, bawiin mo iyan!"

Napailing si Zelnai saka mahinang natawa. Ako naman ay natahimik. Bakit ba ayaw nila sa'kin?

"Ano ba kayo! Hindi siya bagay sa grupo natin dahil isa siyang dyosa! Duh?! Hindi ba halata?" maarteng sabi nito na may kasama pang irap. Natawa naman sila Skile sa narinig.

"Ayusin mo kasi ang pagsabi." si Vida.

Muling umirap si Zelnai. "Dahil magkaparehas kaming maganda ni Asnia, bagay kaming magkasama."

"Maganda? Sa'n banda?" natatawang tanong ni Dex.

Bayolenteng napasinghap si Zelnai. Mariin niyang tiruno ang sariling mukha. "Dito, oh. Bulag ka kasi kaya hindi mo makita. Duh?!"

Malokong pumikit si Dex at inilapit ang mukha kay Zelnai. "Zel, hindi kita makita. Nasaan na ang ganda mo? Mukhang nawawala."

Malakas na natawa sila Govin. Nanggagalaiting sinabunutan ni Zelnai si Dex sa sobrang asar.

"Gago ka!"

Kunwaring napaaray si Dex, hinawakan ang kamay ni Zelnai sa kaniyang buhok. Kita ko ang lambot sa paghawak niya sa kamay si Zelnai. "Hey, Zel." malambing na sabi niya. Pinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa ni Zelnai bago ito binaba sa harap nilang dalawa.

Kaniya kaniyang iwasan ng tingin ang iba at nakangiwi pa.

"Ayan na naman tayo. Oras ng lambingan na." nandidiring turan ni Vida.

"Gusto mo tayo rin?" pabirong tanong ni Skile.

Nalukot ang mukha ni Vida. Mabilis na may nabuong malaking bato sa pagitan nila ni Skile. "Itong bato, gusto mo lunukin?"

Namutla si Skile at sunod sunod na napailing. Nangingiti ako habang pinapanood sila. Si Haira ay na sa isang gilid, may binabasang libro. Katabi niya si Govin na tahimik na nagmamasid sa paligid, minsan ay nakikisama sa usapan. Si Iñaki naman ay nakikinig lang pero mas tutok siya sa harap.

Newszealz Academy: Mirror of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon