Prologue

374 2 0
                                    

Iniisip nga ni Aya ang patungkol sa kaniyang panag-inip patungkol sa madilim na kapaligiran. Kakakasal nga lamang nila ni Leonard, at patay na si Drew. Papunta nga sila ni Leonard sa park nang makatulog siya muli.

At muli ngang nanag-inipan ni Aya ang patungkol sa maitim na kapaligiran. Naglalakad sila ni Leonard sa park nang biglang magdilim ang kapaligiran. Muli ay hinanap niya si Leonard ngunit hindi niya masumpungan. Hanggang sa may sumaksak sa kaniya mula sa likuran. Nakita niyang tumagos ang sibat mula sa kaniyang tiyan. Hinugot ang sibat ng sumaksak at humandusay siya sa lupa. Nakakarinig nga siya ng batang umiiyak na sinasabing: Mama, mama, mama.

Lumitaw nga ang sumaksak sa kaniya. May mukha nga ito ng kalansay. Itinutok nito ang sibat sa kaniya, at sinaksak ang kaniyang mukha. Ngunit hindi siya nawalan ng malay. Nakita niya nga ang may mukha ng kalansay. Tila naghahanap ito. At natagpuan nito ang kaniyang hinahanap. Ang batang umiiyak. Hinabol niya ito, at tumakbo ang bata. Nakikita at naririnig nga ni Aya ang lahat ngunit hindi siya makagalaw. Maya-maya ay tumigil ang pag-iyak ng bata. Muling nagpakita  ang may mukhang kalansay. Nakataas nga ang talim ng sibat, at may nakatusok nga dito isang bata. Hindi nga maaninaw ni Aya sa pasimula kung sino yaon. Ngunit naging malinaw ang lahat. Si Nikki ang batang patay na nasa dulo ng sibat. Naiiyak nga siya nang biglang ibalibag ng may mukhang kalansay ang bata sa sahig.

Nagising nga si Aya, at si Leonard ay biglang napabreak. Agad niyakap ni Aya si Leonard. Umiiyak nga siya dahil sa kaniyang panaginip. At nakarating na nga sila sa park noon. Dahil sa panaginip na iyon ay nais ng kunin ni Aya mula sa Taiwan ang kaniyang anak na si Nikki. Kinakalma nga siya ni Leonard at sinabing panaginip lang iyon. Kinalimutan nga ni Aya nang sandali ang panag-inip, upang mag-enjoy sa piling ni Leonard.

Ilang sandali lang ang lumipas nang paalis na sila sa park. Si Aya ay pinagbabaril ng ama ni Revan, na si Mr. Ramon. Gumanti nga ng putok si Leonard at napatay si Mr. Ramon. Ang huli ngang sinabi ni Aya ay: Don’t tell Nikki. At siya ay pumanaw. Dinala nga ni Leonard ang bangkay ni Aya sa kanilang probinsya, upang doon malibing.

Ano nga kaya ang ibig sabihin ng panaginip ni Aya. Mayroon pa kayang natitirang Drew na maaaring nagpapatay sa kaniya? Kung meron bakit nito papatayin si Nikki, ayon sa panaginip na ito ni Aya. Halika at ating alamin sa sequel ng STORY NO. 1. Ang STORY NO. 4.

STORY NO. 4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon