Part 7. When Drew Met Aya

53 1 0
                                    

Dinala nga ni Leonard si Nikki kung saan nakalibing si Aya. Naglagay siya ng bulaklak sa kaniyang puntod, at umiyak ng matagal-tagal. Ipinakilala niya rin ang kaniyang kasintahang si Shane sa kaniyang ina. Ngunit nangako din siya dito.

Ma, ipinapangako ko sa iyo. Magbabayad sinoman ang naging dahilan, kung bakit ka namatay. –sabi ni Nikki.

Pag-alis nga nila Nikki ay dumating naman ang isang taong nakakotse. Mamahalin nga ang kaniyang kotse. Siya nga si Chairman Drew. At nandoon din siya para dumalaw kay Aya. Nag-alay din siya ng bulaklak. At gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing dumadalaw siya kay Aya, ay binabanggit siya ang salitang, sorry.

Matapos noon ay agad siyang umalis, dumiretso sa airport at agad sumakay sa kaniyang private jet. At lumipad nga ang eroplano. Nag-umpisa ngang magsalita si Chairman Drew sa kaniyang personal assistant at butler na rin.

Michael, alam mo ba kung bakit ako dumalaw sa babaeng pumatay sa aking mga kapatid. Gusto mo bang marinig ang kwento ni Aya. –sabi ni Drew

Kahit narinig ko na po ng maraming beses, handa po akong makinig sa inyo. –sabi ni Michael

Noong bata pa ako, wala pa akong pakialam noon sa mundo. Ang alam ko mayaman kami at ineenjoy ko lang ang buhay. Yun nga ay hanggang sa makita ko ang bagong secretary ni Papa, ang pangalan niya ay Aya. Lagi na lang akong pumupunta sa opisina para masilayan siya.

Isang araw nga ay tinangka kong kausapin siya sinabi ko sa kaniya. Miss pwede ba kitang yayain lumabas. Tinarayan niya kaagad ako, at sinabi niya: Hindi ako sumama sa mga lalakeng walang kinabukasan.

Nainis kaagad ako at sinabi ko sa kaniya: Hindi mo ba ako kilala, anak ako ng boss mo. Kami ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan mo. Sumagot siya: You don’t look like it. Pagkatapos noon agad kong kinausap ang kambal ko, ang unang namatay. Siya nga noon ay humahawak na sa human resource. Nakiusap ako sa kaniya na ipasok ako sa trabaho. At ipinasok ako ni kambal. Ngunit inilagay niya ko sa pinakamababang posisyon. Gaya rin ng ginawa ni Papa sa kaniya, bago siya unti-unting umahon. Dumaan ako sa kaniya at nagyabang dahil nakapasok na ko sa kompanya. Sinabi ko: O ano, miss secretary, mukha na ba akong anak ng may-ari ng kompanya. Sumagot siya: Mukha kang ordinaryong empleyado. Alam mo ayusin mo na lang ang trabaho, baka ma-impress mo pa ako, kesa nagpapanggap kang anak ng CEO. Bigla ngang lumabas si Papa sa kaniyang opisina. Nagalit siya sa akin, dahil iniistorbo ko ang kaniyang secretary. Pinaghahampas niya ako ng dyaryo at pinalabas sa opisina nila. Humingi nga ng dispensa ang Papa sa kaniyang secretarya, at sinabing: Pagpasensyahan mo na yung anak ko, iniistorbo ka ba niya? Sinilip ko nga siya at napansin ko na tila napahiya siya.

Nang mag-uwian nga ay inabangan ko siya. Sinabi ko: Ngayon naniniwala ka na? At tumango siya na tila nahihiya sa akin. Tinanong ko uli siya kung pwede na kaming lumabas na dalawa. Tumanggi pa rin siya, at sinabi niya: Kahit alam ko na anak ka ng aking boss, ayaw ko pa rin, mali sa ethics namin na makipagdate sa mga kapwa empleyado, lalo na at anak ng may-ari. Baka kung ano pa ang isipin nila. At saka kahit na anak ka ng CEO, mukha ka pa ring walang kinabukasan.

Na challenge ako sa mga salitang iyon ni Aya. Pinag-igihan ko ang trabaho ko, hanggang sa unti-unti akong umahon sa kompanya. Nang mataas taas na ng konti ang kalagayan ko muli ay bumalik ako kay Aya. Niyaya ko siyang lumabas at sumama siya. Pero hindi para pagbigyan ako, kung hindi para linawin sa akin ang lahat. Sinabi niya:

Drew alam ko na matagal mo na akong niyayang lumabas. Matagal kitang tinanggihan. Hindi ako sumama sa iyo ngayon, upang pagbigyan ka. Kundi para linawin sa iyo ang isang bagay. Alam kong gusto mo ako. Pero hindi kita mapagbibigyan diyan. May kasintahan na ako Drew. Christopher ang pangalan niya. Ito na sana ang huli nating pagkikita.

Napoot ako sa kaniya, mula noon. Nais ko siyang gawan ng masama. Sumama ako sa isa ko pang kambal. Nabalitaan ko noon, na napatay niya ang kaniyang kasintahan na si Michelle, at ang kalaguyo nito si Christopher. Walang hiya siya trinaydor niya si Aya. Magkagayon hindi nawawala ang galit ko kay Aya. Nais nga nilang gumamit ng babae noon. Nakita ko nga si Aya, at dahil sa galit ko, ay kinuha namin siya. Ako nga ang unang gumamit sa kaniya. Sumunod ang kambal ko, matapos ay si Luke at Revan. Agad na akong umalis at umuwi.

Buhat nga noon ay gumulo na ang mga sitwasyon, unti-unting namatay ang mga may kinalaman, at nadamay pa ang aking kambal na walang kinalaman sa pangyayaring iyon. Pinatay si Luke, ang aking mabait na kambal, si Revan, at aking isang kambal.

Hanggang sa nadamay na nga ang aking mag-ina dahil dito. Kinakailangan ko na bang mamatay para maayos ang lahat, Michael. –sabi ni Drew

Kung iyon ba ang magpapatigil ng mga kamatayan, sa pagitan ng mga panig niyo nila Leonard. Siguro. Pero sa tingin ko may nasa likod pa ng mga pagkilos ni Leonard na hindi natin nalalaman. Kaya hindi ang kamatayan niyo ang sagot sa pagtigil ng pagdanak ng dugo. –sabi ni Michael.

At nakabalik nga sila sa Maynila(yun ay dahil galing sila sa Davao, kung saan nakalibing si Aya. Sapagkat doon din siya pinanganak.) Si Chairman Drew ay bumalik sa kaniyang kompanya. At si Nikki at Shane ay nagsasanay para sa kanilang gagawing paghihiganti para kay Dr. Chao, at para na rin sa kaniyang ina.

STORY NO. 4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon