Part 6. Return to the Philippines

59 1 0
                                    

Dumating nga sa Pilipinas sila Shane at Nikki. Nanuluyan nga sila sa isang hotel. Hotel na pagmamay-ari ng Triple D Corporation. At napansin kaagad ni Shane ang malaking portrait ni Madam Shiela. Napatitig siya ng matagal sa portrait hanggang sa tinawag siya ni Nikki. At pumasok sila sa kwarto. Kaagad siyang niyakap ni Shane at tila nilalambing.

Nikki, can we do the thing? –sabi ni Shane

Thing, what thing? –sabi ni Nikki

The thing we used to do back in Taipei. –sabi ni Shane

At hinalikan ni Nikki si Shane, and descended in doing the thing. Pagkatapos noon ay natulog silang sandali. Matapos makapagpahinga ay nagbihis kaagad si Nikki at si Shane. Kaagad nilang hinanap ang address ni Dr. Rosa. Ang itinuturo nga ng address ay sa may Kamias sa Taguig. Nang makarating sila doon ay kaagad siyang nagtanong-tanong kung may kilala ba silang Dr. Rosa. At itinuro nga sila ng isang lalake sa bahay ni Dr. Rosa.

Tumuktok nga si Nikki sa pinto, at pinagbuksan sila ng isang matandang babae. Si Dr. Rosa.

Pwede po ba naming makausap si Dr. Rosa. –sabi ni Nikki.

Nikki, ikaw na ba yan. –sabi ng Dr. Rosa

Niyakap siya ni Dr. Rosa nang mahigpit. Pinatuloy niya ito sa bahay at ipinaghanda ng makakain. At nag-usap sila.

Bakit kayo biglang napasyal dito, kamusta na nga pala si Dr. Chao? –tanong ni Dr. Rosa

Si Dr. Chao, ay pumanaw na po. May mga lalakeng lumusob sa bahay namin at niratrat ito. Malaki ang paniniwala ng aking mama. Na may kinalaman daw dito ang mga gumawa ng masama sa aking tunay na ina. –sabi ni Nikki

Sinasabi ko na nga ba, may masamang idudulot yung ginawa ni Leonard. Dapat ay nakinig ako kay Dr. Chao noon. Na huwag ituloy ang paghihiganti. Pati siya tuloy nadamay pa. –sabi ni Dr. Rosa

Kilala niyo rin po si Leonard, siya daw po ang aking ama-amahan. Kasama niya ba ang aking ina? –tanong ni Nikki.

May mga bagay akong nalalaman. Ngunit wala akong karapatan na sabihin. Di bale ituturo ko na lang sa iyo kung nasaan ang iyong ama-amahan. Heto ang kaniyang address.

Bumalik nga sa hotel sila Nikki at Shane. Muli ay napatingin na naman siya sa malaking portrait ni Madam Shiela. At bigla ngang dumaan ang isang tao na sinusundan ng ilang bodyguards. Iyon nga si Chairman Drew. At lahat ng staff ay nagpakita ng paggalang sa kaniya. Maging sila Nikki at Shane, ay napatungo bilang paggalang, kahit mga customer naman sila ng hotel.

Pagbalik nga nila sa kanilang room, ay kinausap ni Shane si Nikki patungkol sa malaking portrait ni Madam Shiela.

Alam mo Nikki, yung babae na nasa malaking portrait, parang kilala ko. –sabi ni Shane

Papaano mangyayari yun, kadarating lang natin dito, baka siya yung nanay mong nawawala. –sabi ni Nikki.

Hindi naman siguro, dahil yung totoo kung nanay hindi ako mahal, iniwan niya lang ako at hindi binalikan. –sabi ni Shane. (Yun nga ang naging gawa-gawang alaala ni Shane. Dahil sa ginawa niyang motivated forgetting, bunga ng trauma dahil sa masamang nangyari sa kaniya.)

Talagang soulmate talaga tayo, pareho tayong iniwan ng mga nanay natin. –sabi ni Nikki

Maya maya nga ay may dumating na room service, kahit hindi sila nag-oorder. Tumanggi nga si Nikki na tanggapin ito. Ngunit sinabi ng staff na isa itong bahagi ng promo ng hotel. Ang pang 100th customer ay makakatanggap ng libreng room service. At tinanggap nga ito ni Nikki at Shane.

Kinabukasan ay umalis muli sila, upang magtungo sa binigay na address ni Dr. Rosa. Ang itinuturo nito ay sa Bataan, sa Urani. Nang makarating sila doon ay nagtanong-tanong sila kung nasaan si Leonard. Si Leonard nga ay nagtatago dahil hinahunting siya ni Drew. Siya nga ang inaakala ni Drew na nagpasabog ng barko na Tina. Bago pa man nila makita si Leonard ay nakita na sila nito. Nang maka tiyempo nga ay hinatak sila ni Leonard at dinala sa isang sulok na tago at tinutukan ng baril.

Bakit niyo ko hinahanap, mga tao ba kayo ni Drew? –tanong ni Leonard

Hindi po, dito po kami itinuro ni Dr. Rosa ang nanay niyo. –sabi ni Shane

Sino kayo? Bakit niyo kilala nanay ko? –tanong ni Leonard

Ako po si Nikki, ang anak na iniwan ni Aya sa Taiwan. –sabi ni Nikki

Nikki, ikaw na ba yan. Ikaw na ba talaga yan? –sabi ni Leonard

Niyakap siya ni Leonard. Isinukbit niya muli ang baril. Dinala niya siya sa kaniyang tinutuluyan. At doon nag-usap ng ilang mga bagay.

Gusto ko pong malaman, kung bakit iniwan ako ng aking ina, at hindi na binalikan. Gusto ko pong malaman kung nasaan siya. At kung kayo ang aking ama-amahan bakit hindi niyo siya kasama. Iniwan niya rin po ba kayo, gaya ko. –sabi ni Nikki

Hmmm. Nangako sa iyong ina, na hindi ko sasabihin sa iyo ito. Pero panahon na para malaman mo siguro ang totoo. Oo , iniwan na ako ng nanay mo. Ngunit hindi gaya ng pag-iwan niya sa iyo. Ang pag-iwan sa iyo ng nanay mo ay dahil hindi ka niya matanggap dahil sa ginahasa siya, at ikaw ang bunga. Ang pag-iwan naman sa akin ng nanay mo, ay hindi dahil gusto niya na iwan ako. Biktima siya ng panahon, pinatay siya. Bumalik nga sa amin ang aming ginawang paghihiganti. Pinatay niya ang dalawang Drew na bahagi ng tagapagmana ng Triple D Corporation. Ang isang Drew ay walang kinalaman, yun ang unang siningil niyang buhay. Ang isang Drew ay ang tunay na gumawa ng masama sa kaniya. Ngunit ang hindi namin alam ay may isa pang Drew. Marahil ay ipinaghiganti niya ang kaniyang mga kambal, at pinapatay si Aya, ang iyong ina. –sabi ni Leonard

Nakatungo nga si Nikki, ngunit kitang kita ni Shane ang pag-agos ng kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata.

Gusto ka na sanang kunin ng iyong ina sa Taiwan, at mamuhay tayo bilang isang pamilya. Ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon, dahil kay Drew. Binaril siya ng nakatalikod. Pa traydor. –sabi ni Leonard

Papaano ako makakaganti, gusto kong iganti ang aking ina. –sabi ni Nikki

Hayaan mong turuan kita, anak. –sabi ni Leonard

At niyakap ni Leonard si Nikki. Si Shane naman ay nagbigay din ng suporta kay Nikki.

Nikki kung saan ka, doon ako. Tutulungan din kitang ipaghiganti ang iyong ina. –sabi ni Shane

STORY NO. 4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon