Part 10. Best Friends Forever?

51 2 0
                                    

Bago ang ang awayan nila Drew at Leonard, ay mayroon munang awayang Rosa at Richelda. Ngunit bago ang mga awayan. Dati rin itong pagkakaibigan. Pagkakaibigang tila hindi mapaghihiwalay.

May isa ngang batang babae noon na pumasok sa isang primera klaseng eskwelahan. Ang pangalan niya ay Rosa. Mabait siya at matalino, ngunit hindi siya kapareho ng antas ng ilang mga nag-aaral doon. Binigyan siya ng scholarship ng isang kompanya, upang maipasok siya doon. Mahirap lang siya, at ang mga nag-aaral doon ay mga anak ng elitista. Lagi siyang binubully ng ibang mga bata, mapa babae, mapa lalake.

Yun ay hanggang magtagpo sila ng isa pang batang babae, si Richelda. Kinatatakutan nga ng ilang mga bata si Richelda. Dahil ang tatay niya ay maimpluwensiyang negosyante, at isang mafia boss. Kaya nga walang kumakanti sa kaniya. Mapa-estudyante. Gaya ng ibang bata ay bully rin siya, ngunit sa magandang paraan. Ipinagtatanggol niya ang mahihina sa school, at binubully ang mga bully. Isang araw ay pinagtanggol niya si Rosa, ng bullihin siya ng ilang bata.

Nagpasalamat nga si Rosa kay Richelda dahil doon. Buhat noon ay nagkapalagayan sila ng loob at naging magkaibigan sila. Nakinabang pa nga sila sa kanilang pagkakaibigan. Si Rosa ay nakinabang sa yaman ni Richelda. Si Richelda naman ay nakinabang sa katalinuhan ni Rosa.

Nagtuloy-tuloy nga ang pagkakaibigan ni Rosa at Richelda. Nangako pa nga sila na magiging bestfriends forever. Nang nasa kolehiyo na nga sila, ay nakilala ni Rosa si David. Gaya niya hindi rin ito mayaman. Mabilis nga silang nagkasundo, at nagkapalagayan ng loob. Dahil nga naging kaibigan siya ni Rosa, ay naging kaibigan rin siya ni Richelda. Ngunit hindi gaya ni Rosa, iba ang naramadaman niya kay David. Nagkagusto siya kaagad dito.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Richelda, ang babaeng gusto ni David ay walang iba kundi si Rosa. Niligawan niya ito, at sinagot naman siya. Naging magkasintahan sila. Nasaktan si Richelda, at unti-unting lumamig ang pakikitungo kay Rosa. Nang magtapos sila ng pag-aaral ay agad sila nagpakasal. Nagka-anak sila kaagad, at pinanganlan nila siyang Christopher.

At nagtrabaho nga si David sa kompanya ni Don Carlo. Si Don Carlo nga ang ama ni Richelda. Nakita nga ni Don Carlo ang galing ni David at iniangat siya sa mataas na posisyon bilang supervisor. Dahil sa pagtatrabaho niya sa kompanya ay lagi niyang nakakasama si Richelda. Si Richelda nga ang naging immediate boss ni David. Isang pagkakataon nga ay nagpa-party si Richelda. Dahilan para malasing si David. Nang malasing nga si David ay dinala siya ni Richelda sa isang hotel. At nakipagtalik sa kaniya.

Nagising na nga lang si David, na katabi niya si Richelda. Agad nagbihis si David at umalis. Umaga na nga at si Rosa ay hinintay siya ng buong magdamag. Ilang araw pa ang lumipas, ay nagbunga ang ginawa ni Richelda. Nagdalang tao siya at natuklasan ito ni Don Carlo. Nagalit siya at tinanong kung sino ang ama. Sinabi ni Richelda na si David.

Agad ipinatawag ni Don Carlo si David. Pinag-usapan nila ang kalagayan ni Richelda.

Binuntis mo ang anak ko, kailangan mo siyang panagutan. Hindi pwedeng maiskandalo ang anak ko! –sabi ni Don Carlo

Don Carlo, may pamilya po ako, yung nangyari po sa amin ng anak niyo... –sabi ni David

Wala akong pakialam! Ang importante sa akin ay si Richelda. Kailangan mo siyang pakasalan sa lalong madaling panahon. Isipin mo na lang na as if, your family never exist. –sabi ni Don Carlo.

Ano po ang gagawin niyo, kung hindi ko panagutan si Richelda? –tanong ni David

I will make sure, that your family, will cease to exist, and so as you. –sabi ni Don Carlo.

Umalis nga si David sa opisina ni Don Carlo. Nakasalubong niya si Richelda. Nahihiya ito sa kaniya, at may tingin na tila humihingi ng tawad. Galit nga si David kay Richelda, at umalis sa harapan niya.

Umuwi nga sa bahay nila si David at agad kinausap si Rosa.

Rosa, may ipagtatapat ako sa iyo. May kasalanan ako sa iyo. Nung umuwi ako ng umaga nung kamakailan. Nang gabi bago iyon nalasing ako at may nangyari sa amin ng isang babae, at ngayon ay nagdadalang tao siya, at gusto niya na panagutan ko yung bata. –sabi ni David

Napaluha si Rosa, ngunit dahil sa matinding pagmamahal niya kay David, ay inunawa niya ito at sinabi:

Sige, payag ako na dalhin niya ang pangalan mo. Pero hindi mo siya pakikisamahan. Dito ka uuwi sa akin. Hindi mo naman sinasadya diba dahil lasing ka. –sabi ni Rosa

Hindi ko sinasadya. Pero hindi ganun kadali ang sitwasyon. Ang babaeng nabuntis ko, ay si Richelda. Ayaw ni Don Carlo na maeskandalo siya, at pinipilit na panagutan ko siya at maging asawa niya. Tumanggi ako pero binantaan niya ako na papatayin kayo, kapag hindi ko siya pinanagutan. I’m sorry pero alang-alang sa inyo, kailangan ko kayong iwan. –sabi ni David

Umalis nga si David at iniwan si Rosa na umiiyak. Nakita nga ni Christopher ang pag-iyak ng kaniyang ina. Niyakap niya ito at sa murang idad niya ay natanim na sa kaniya ang poot sa kaniyang ama, at sa pamilya nila Drew. Noon nga ay nagdadalang tao na rin si Rosa sa pangalawa niyang anak na si Leonard, anak din ni David.

Matapos nga noon ay nilakad naman ni Don Carlo na mapawalang bisa ang kasal nila Rosa at David. Mabilis nga itong napawalang bisa. Binigyan niya rin ng pera si Rosa upang huwag na muling pakialaman ni lumapit pa siya kay David. Hindi nga nawala ang pagmamahal ni Rosa kay David. Ngunit napoot siya ng labis kay Richelda.

Isang araw nga ay nakipagkita siya dito, sa isang park. Humingi nga ng tawad si Richelda kay Rosa, dahil hindi niya rin kagustuhan ang nangyari. Natukso siya kay David, at nang magkaroon ng pagkakataon ay ginawa niya, ang di niya dapat ginawa. Sinampal siya ni Rosa at sinabi.

Tandaan mo Richelda, darating ang panahon. Makakaganti rin ako sa lahat ng ginawa mo sa aking ito. –sabi ni Rosa

At ikinasal nga si David at si Richelda. Ilang buwan ang lumipas ay ipinanganak ang triplets ni Richelda. Pinanganlan nga silang lahat na Drew. Si Drew I, Drew II, at Drew III. Si Drew I nga ay ang mabait at masunuring anak. Ito nga ang pina-ibig ni Aya, at kamuntik ring magpa-ibig sa kaniya. Wala siyang kinalaman sa mga masamang nangyari kay Aya. Ngunit may alam siya sa mga ito. Siya nga sana ang magiging Chairman pagkatapos ni David, ngunit pinatay siya ni Aya dahil sa pag-aakalang siya ang gumahasa sa kaniya. Si Drew II naman ay ang suwail na anak, pasaway at problema. Siya nga ang girlfriend ni Michelle na tinalo ni Christopher habang kasintahan pa niya si Aya. Siya rin nga pumatay kay Christopher at hindi sinasadyang makapatay kay Michelle. Isa rin siya sa mga gumahasa kay Aya. Gaya ni Drew I, napatay din siya ni Aya na ganti sa kaniyang masamang ginawa. Si Drew III, ang natitirang buhay sa tatlo. Isa rin siya sa mga gumahasa kay Aya. Siya nga ang pinagbibintangan ni Leonard na pumatay kay Aya. Siya rin ang asawa ni Shiela, at ama ni Tina, na walang iba kundi si Shane.

Ilang buwan naman ang lumipas ay ipinanganak si Leonard. Ilang taon naman ang nakalipas ay nagkaanak muli sila Richelda at David ito naman ang nag-iisang anak na babae ni David. Si Drew Morisette.

Matapos ngang isilang si Drew Morisette ay pumanaw si Don Carlo. Humalili nga sa kaniya bilang boss ng Mafia at Chairman ng kompanya si David. Binansagan nga siya mula noon na Don David. Pinasyahan nga niya rin na maipangalan sa kaniya ang kompanya. Pinanganlan niya nga itong Triple D Corporation, hango sa pangalan niyang Don David Demetrio.

At gaya rin nga ng mga magulang. Ang awayan ng mga anak ay hindi kaagad awayan. Nag-umpisa rin sila bilang mga magkakaibigan.

STORY NO. 4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon