Part 1. The Sinking Ship

193 3 1
                                    

A/N to fully understand this story, because this a sequel. You might also take your time to read STORY NO. 1 

Ini-unveil nga sa publiko ng Triple D Corporation, ang kanilang bagong cruise liner. Ang pangalan nga ng kanilang bagong barko ay Tina, kapangalan nga ng nag-iisang anak na babae ng may-ari ng kompanya na si Chairman Drew(kapatid nga siya ng Drew na gumahasa kay Aya, at yung isa na napaibig at pinatay ni Aya.)

Ang Tina nga ay isang luxury ship kung saan may mga casino, at iba ibang mga pagkaka-aaliwan. At ang magiging ruta nga nito ay ang Manila, Taipei, Hongkong, Hanoi, Kuala Lumpur, at ang huli ay ang Singapore. May sarili nga rin itong mga tourist bus para sa mga nais maglakbay sa mga dadaungan nilang mga bansa.

Regalo din nga ito ng kaniyang ama, sa bata kung saan ipinangalan ang cruise line, kay Tina. Nang ipakita nga ito ni Chairman Drew kay Tina, ay tuwang tuwa ang bata. Nais niyang sumakay sa kaniyang barko.

Papa, papa. Pwede ba akong sumakay diyan? –tanong ni Tina

Hmmm...Pwede, sa iyo naman iyan, pero hanggang Taipei lang ha, pagkatapos noon uwi na. –sabi ni Chairman Drew.

Ay, gusto ko hanggang Hongkong, sige na Papa, gusto kong pumunta ng Disneyland, sige na please, please. –sabi ni Tina

I don’t know why I can’t resist my cute daughter. Sige pero hanggang Hongkong lang ha, may school ka pa. Shiela samahan mo siya ha. –sabi ni Chairman Drew

Oo Drew, ikaw hindi ka ba sasama. –sabi ni Shiela(asawa ni Chairman Drew)

Hindi pwede, marami pa akong aasikasihun dito sa kompanya. Sige na umakyat na kayo. Sabi ni Chairman Drew.

Hinalikan nga ni Chairman Drew sa labi ng saglit ang kaniyang asawa, at sila’y pinayaon upang sumakay na sa barko. Nang nasa taas na sila ay kumaway ng pamamaalam si Chairman Drew sa kaniyang mag-ina. At ang barko ay tuluyan nang naglayag palayo.

Habang nasa barko nga ay nilibot itong buo ni Tina. Siyempre kasama ang mga bodyguards. Ang kaniyang mama naman ay nasa opisina ng cruise liner. Siya nga ang over-all in charge ng operations ng barko. Sa paglilibot nga ni Tina ay nakakakita siya ng isang batang babae na binubully ng iba pang bata. Inutusan nga niya ang mga bodyguards niya na tulungan ang batang babae na binubully. Nilapitan niya ang babae at kinamusta ito. Nalaman niya na ang pangalan nito ay Shane.

Agad silang naging close, ipinakilala pa nga niya ito sa kaniyang mama. Ikinuwento nga ni Tina, na ang pamilya niya ang may-ari ng barko. Sa sobrang pagkagusto ni Tina sa kaniyang bagong tagpong kaibigan ay ibinigay niya ang bracelet na binigay sa kaniya ng kaniyang ama noong birthday niya ng nakaraang taon.

Samantala si Shiela ay nasa kaniyang opisina pa rin, na nagmomonitor sa operations ng barko. Bigla ngang pumasok ang isang serbidor na lubhang ikinagulat ni Madam Shiela.

Sandali, hindi naman ako nagpapatawag ng room service. Mali ata ang room na napasok mo. –sabi ni Madam Shiela.

Hindi ho ako mali Madam, tama ang kwartong pinasok ko. –sabi ng serbidor

Agad nga nitong inilabas ang baril na may silencer, at agad ring ipinutok kay Madam Shiela sa ulo. Mabilis nga itong ikinamatay ni Shiela. Habang inaayos niya ang bangkay ni Madam Shiela, ay dumating naman ang kaibigan ni Tina na si Shane sa opisina ni Madam. Nakita nga nito ang serbidor, at nagsisigaw. Binaril ng serbidor si Shane, na kaagad din niyang ikinamatay. Nakita naman ni Tina na mula sa labas ay humandusay ang kaniyang bagong bestfriend. Nanigas nga sa takot si Tina. Nakita siya ng serbidor at nalamang siya si Tina. Hinablot niya nga si Tina at kinuha. Itinakbo niya siya palayo at nakita niya mula sa bukas na pinto na patay na rin ang kaniyang ina.

Pinindot nga ng serbidor ang kaniyang detonator, at ang barko ay sumabog. Ngunit bago pa iyon ay nakatakas na sila sa isang lifeboat kung saan sila lang ang nakasakay ni Tina. Iyak nga ng iyak si Tina, dahil nakita niyang namatay ang kaniyang ina, at bestfriend. At sumabog ang kaniyang barko. Nasa Gitna nga ng karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan ang cruise line na Tina nang pasabugin ito ng serbidor.

Kinaumagahan nga ang mga katulong nga sa mansion ni Drew, ay lubhang nangingilabot nang maalaman nila ang balita. Nagcelebrate nga si Chairman Drew, kasama ng ilang mga miyembro ng board kagabi, dahil sa success ng kanilang luxury cruise liner. Nalasing nga si Drew dahil sa sobrang pagsasaya. Tumutok nga ang mga kasambahay sa latest na balita sa TV sa paglubog ng barko.

Nang paalis nga ang isang katulong sa pagtutok niya sa television, ay nagulat siya sa nakita niya sa kanilang likuran. Si Chairman Drew, tulala sa naririnig niyang balita. Ngunit hindi siya lumuluha. Inutusan niya kaagad ang kaniyang personal assistant, na ihanda ang sasakyan at eroplano. Magtutungo nga siya sa Taiwan.

Pagdating nga sa airport ay sinalubong siya ng mga media makakuha lang ng pahayag ukol sa pagsabog ng barko. Ngunit dumirediretso lang siya hanggang sa makasakay sa eroplano, sa kaniyang sariling private jet. Hindi nga nagpapakita ng damdamin si Chairman Drew. Ngunit dama ng kaniyang personal assistant ang pangungulilang nadarama ng kaniyang boss.

Pagdating nga sa Taiwan ay sinalubong din siya ng mga media organizations doon. Malaki din nga ang pangalan ni Drew sa Taiwan, at ng Triple D Corporation. Nang makarating nga sa dako ng mga bangkay, ay binigyan siya ng eksklusibong pagkakataon na masiyasat ang bangkay na walang kahalong ibang tao. Yun nga ay dahil sa laki ng kaniyang pangalan, impluwensya at kapangyarihan.

Isa-isa niyang siniyasat ang mga bangkay, hanggang sa matagpuan ang singsing sa isang bangkay na hindi na makilala. Iyon nga si Shiela. At natagpuan niya rin ang bracelet ni Tina sa isang batang babae. Iyon nga si Shane na inakala niyang si Tina. Nang makumpirma niya ito, ay nakiusap ang kaniyang personal assistant na bigyan ng oras na mag-isa ang Chairman. At ang Taiwanese coastguard ay pinagbigyan naman sila.

Nang mag-isa na lang ang Chairman ay tahimik siyang lumuha. Yun ay dahil sa pag-aakalang nawala sa kaniyang sabay ang kaniyang mahal na mag-ina. Ang hindi niya alam, ay ligtas si Tina. Ngunit bakit ligtas si Tina?

STORY NO. 4 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon