Chapter 11

418 33 0
                                    

C H A P T E R 11

•~•~•


"What are you doing here?" Gulat na tanong ko sakaniya.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo? Ano ginagawa mo dito?"

"It's none of your business Seokjin, tumabi ka diyan." Iritado kong sabi sakaniya. Wala ako sa mood makipag usap sakaniya at gusto ko na lang magpahinga.

"Look, you ditched me earlier tapos makikita lang kita dito sa restaurant namin?"

Hindi kasi ako sumabay sa pag-uwi sakaniya kanina kaya ayon.

And wow, sila pala may ari nito. I want to compliment him about their restaurant pero sadyang wala ako sa mood.

"Kung ayaw mo kong padaanin. Fine, I am going home looking like a mess." Tumalikod na ako at magsisimula na sana akong maglakad nang biglang pinatong ni Seokjin ang jacket niya sa balikat ko.

"We can't be seen by the public. Dun ka na sa backdoor namin dumaan." Sabi niya at naunang maglakad. Hindi na ako tumanggi pa because honestly speaking, it's a favor for me. Bukod kasi sa madadaanan ko uli table nina Jimin, iwas nga sa tsismis about sa aming dalawa. Non-celebrity pa naman ako at mahirap matandaan mukha ko. I guess perks of being an average human being.

Nang makalabas kami sa backdoor ay nagpasalamat ako sakaniya.

"Wish I could drive you home but I can't. Ako kasi magmamanage nitong restaurant since wala yung manager." Tumango na lang ako sa sinabi niya at naglakad ng walang pasabi. Hindi ko alam kung bakit sobrang init rin ng ulo ko when most of the time I am chill.

Habang naglalakad papunta sa waiting shed na nakita ko sa kabilang kanto para mag-intay ng taxi napatigil ako nang may marinig akong ingay mula sa sulok ng dalawang building. Hindi ko na sana papansinin pa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Yoongi?" Tanong ko sa sarili ko at lumapit doon. Nanlaki ang mata ko nang makita kong puro sugat at pasa siya at nakaupo sa isang sulok habang pinapalibutan siya ng tatlong lalaki.

"Puro ka yabang boy, hindi mo kami kaya." Mayabang na sabi nung isa at nagulat ako nang maglabas ang isa pa sakanila ng patalim. Tila parang may sariling utak ang katawan ko at hindi ko alam kung bakit sumigaw na lang ako bigla.

"Tumigil kayo!" Sigaw ko dahilan para mapunta lahat ang atensyon nila sa akin. Nakita kong napairap si Yoongi sa pwesto niya at halatang nainis nang makita niya akong nandito. Duh?! Dapat nga magpasalamat siya kasi may balak yata siyang patayin ng mga 'to!

"Sino ka naman, miss? Girlfriend mo ba 'to Yoongi?"

Hindi sumagot si Yoongi bagkus ay sinusubukan tumayo pero tinadyakan siya ng isa dahilan para mapatumba ito.

"Hindi niyo ba talaga titigilan yan? Tatawag ako ng pulis!"

I actually have no idea what I am talking about right now. Sa totoo lang ay natatakot na rin ako pero I can't just leave Yoongi here! Kakainin ako ng konsensya ko!

"Wag kang patawa miss at bakit ba bigla kang umeepal ha? Halika dito at tuturuan ka namin ng leksyon."

Sabay hawak ng isa sa braso ko.

1: Kissing the Seven HeartbreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon