Chapter 81

420 27 13
                                    

C H A P T E R 81

•~•~•

"I'm s-sorry.. I'm sorry if I p-pushed you away.. I just want y-you to focus o-on getting their k-kisses." Paulit ulit na sabi sa akin ni Tracy habang yakap-yakap ako at nag-iiyak lang sa mga braso ko. I can't move and I can't cry either kahit gusto kong gawin. I'm so numb right now at galit ang namumuo sa buong pagkatao ko.

"Shush, Tracy. Everything's going to be fine." Bulong ko sakaniya at mas lalong hinigpitan rin ang pagkakayakap ko.

"Pero sino? Sino gumawa nito?" Napatigil siya sa paghagulgol at inangat ang ulo niya para tumingin sa akin. I met her scared and tired eyes na mas lalo lang nakapag-dagdag ng init ng ulo ko. She probably suffered so much. Ah! Naiinis ako sa sarili ko!

"I-i don't k-know him.. hindi ko siya k-kilala! H-he.. he just.. dragged me inside and.. and.." sabay humagulgol uli siya ng malakas at parang gusto niyang sabunutan ang sarili niya pero agad ko siyang pinigilan.

"Can you stand up? Dalhin muna kita sa infirmary and I'm going to fix everything. I'm sorry if ganito ang nangyayari. Kasalanan ko talaga ang lahat ng 'to."

Hindi siya sumagot sa akin kaya marahan ko siyang binitawan at tumayo naman ako. Napabuntong hinga ako at hinubad ang sarili kong blouse at isinuot yun sakaniya. Gamit ang panyo ko ay pinunasan ko ang hita niya at pagkatapos ay napakuyom ako ng kamao. Tangina, nanggagalaiti talaga ako. Kailangan ko kumalma.

"Y-yanna.. paano ka?" Tanong niya sa akin habang tinuturo ang katawan ko. Since binigay ko sakaniya ang blouse ko, naka-sando lang ako ng manipis and actually, at this moment, wala na akong pakielam pa. Nawala lahat ng takot ko at pati ang ala-alang muntikan na rin ako mahantong sa ganitong sitwasyon at sa loob rin ng isang stock room ay napalitan na lang ng galit at poot.

"I'm fine. Sanay na ako mapag-usapan ng lahat at wala na akong pakielam sakanila." Inalalayan ko siya patayo at bago pa kami maglakad palabas ay ipinulupot ko ang panyo ko sa mata niya at sinuotan rin siya ng earphones sa tainga niya bago ito pinlug in sa cellphone ko.

"Huwag mong tatanggalin ang panyo at earphones. Trust me. Just don't." Sabi ko sakaniya at tahimik lang siyang tumango sa akin kaya nag-play na ako ng kanta at ini-adjust ko sa full volume. Lumabas na kami ng stock room at expected ko na pagtitinginan kami at pagbubulungan pero hindi ko na sila pinansin pa.

Habang hawak hawak ang bewang ni Tracy at inaalalayan siya papunta sa infirmary ay nasaktuhan ko si Yoongi na nakatingin sa amin. Lumapit siya sa amin dahilan para mapatigil kami sa paglalakad.

"What happened?"

"Dalhin mo siya sa infirmary." Sabi ko sakaniya pero hindi siya umibo. Bagkus ay tumingin pa uli sa amin at inobserbahan pa kami. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya nang makita ang mantsa ng dugo sa hita ni Tracy bago ibinalik ang tingin sa akin, "Tell me, what happened?" Medyo madiin na, na tanong sa akin pero pumikit lang ako ng mabilis.

"Please, bring her to the infirmary. She needs to go there immediately."

Hindi na siya nag-salita pa at kinuha na nga lang sa akin si Tracy bago niya inalalayan 'to palayo. Nang tuluyan silang makalayo ay tinadyakan ko ang basurahan na nananahimik sa gilid dahilan para magulat sa akin ang mga tao. I'm starting to feel myself that I'm going to explode anytime soon.

Padabog akong pumunta sa office ni Namjoon at marahas na binuksan ang pinto bago tuluyang pumasok dito.

He's the damn SSG President here! Bakit hindi siya aware sa nangyayari sa paligid namin?! Sa school?! Sa bullying?!

1: Kissing the Seven HeartbreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon