Panpam (✔️)

1 0 0
                                    

❝ P A N P A M ❞
by: Kizuato




"Hoy Panpammm!!" Napalingon ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Pagkalingon ko saktong yumakap siya sa akin.

"Ayieee!"

"Bawal maglandian dito!!"

"PDA!! PDA!!"

Panunukso at pangaasar ang maririnig galing sa mga kaklase namin nung bigla akong niyakap ni Yna.

"Hoy Ynarie Balmaseda. Tigil-tigilan mo na nga kakayakap sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Sungit naman neto!" Bumitaw siya sa pagkayakap niya sa akin. "May dalaw ka ba ha!? Babae ka? Babaeeee??" Nakangusong tanong nito.

Napailing na lang ako sa kakyutan niya. Pinisil ko ang pisngi niya atsaka niyakap. "Ewan ko sayo." Sabi ko.

"Hoy Pathric Andreious Nivell Pamiento. Nagsabi-sabi kang tigilan kakayakap tapos ikaw naman 'tong yumayakap sa akin. Abnormal ka ba?" Tanong ni Yna sa akin kaya napatawa ako at napabitaw sa pagkayakap sa kanya.

Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang pinagmamasdan kung gaano kaganda ito. Hindi na rin talaga ako magtataka kung bakit maraming nagkakacrush sa babaeng 'to. Sa ganda at talino pa lang mapapanganga ka na. Pati ako, di ko rin napigilan magkagusto-- mali, mahalin si Yna. Oo, itong babaeng nasa harap ko ngayon na nagngangalan na Ynarie Balmaseda ay ang pinakamamahal kong babae.

"Hoy Panpam!" Nabalik ako sa realidad nung tinawag mo ako. "Masyado ka namang nagandahan sa akin!" Pabirong saad niya.

"Hoy mga nilalang!" Pagtatawag sa amin ng tropa namin, Si Tyron. Agad namang napatingin sa akin si Tyron tapos napailing. "Pinangigilan mo nanaman si Andrei. Di mo yan boyfriend oy!" Pailing-iling na saad ni Tyron kay Yna.

Di kami mag-jowa pero kung makapagyakapan ay aakalain niyo kaming mag-jowa. Nakasanayan ko na rin 'to. Sa dalawang taon ba naman na laging ganto.

"Bakit baaaa!?" Inirapan ni Yna si Tyron. "Magkamukha naman sila ehh!!" Pagdadahilan ni Yna atsaka binelatan si Tyron na umiling-iling na lang.

"Magkaiba pa rin naman kami." Sabi ko sa kanya habang nakangiti-- pilit na ngiti. Pagkatapos niya sabihin yun, dun ko lang rin naalala kung bakit ganon siya sa akin.

"Ehhh!!" Napanguso na lang si Yna sa sinabi ko.

Napangiti na lang ako sa inasta niya. How cute.. I badly want to kiss her lips but--

"Uyy!" Biglang dumating ang iba pa naming tropa at kasama dun ang boyfriend ni Yna-- ang totoong boyfriend niya.

"Pampam!!" Masiglang tawag ni Yna sa boyfriend niya. Nagniningning na mga mata at abot langit na mga ngiti. Agad na tumakbo si Yna papalapit sa kanya para yakapin 'to.

"Hi baby. Miss me?" Tumango-tango si Yna sa tanong ng boyfriend niya. Hinalikan naman si Yna nito sa noo. Mapait akong napangiti at napaiwas ng tingin dahil sa sakit.

"Uy pare. Saan kayo galing?" Tanong ni Tyron nang makalapit sila dito.

"Oo nga Pampam. Saan kayo galing?" Tanong ni Yna. "Hoy Pathmon Allen Martheous Pamiento. Nambabae ka 'no?" Naghihinalang tanong ni Yna habang masamang nakatingin sa kanya.

"Ofcourse not." Umakbay si Allen kay Yna at hinalikan muli sa noo.

"Pinangigilan kaya ni Yna yang kambal mo habang wala ka." Pagsusumbong ni Tyron.

"Again?" Natatawang tanong ni Allen. Hinawakan niya ako sa balikat at napailing-iling, "Sorry kambal ha? Pagpasensyahan mo na 'tong si Yna. Alam mo naman na kung bakit." Nakangiting paghihingi ng paumanhin ni Allen.

"Sorry Panpam!" Naka-peace sign si Yna.

Nailing ako sa inasta ni Yna at tumango-tango na lang. "Sus okay lang kambal. Sanay na rin naman ako dyan kay Yna." Sabi ko habang pekeng tumawatawa.

He's Pathmon Allen Martheous Pamiento, Ynarie's boyfriend. And I'am Pathric Andreious Nivell Pamiento, Ynarie's bestfriend and also her boyfriend's Twin brother.

"Panpam! Pampam!" Napalingon kami pareho ng kambal ko kay Yna. Pareho kaming may nagtatanong na mata sa kanya. "Panpamrampampam twins!" Pagkanta niya sa tinatawag niya sa aming magkambal. Ikinailing na lang naming dalawa ang inasta niya.

I don't like the nickname she created for us– Panpam and Pampam. My Twin is her PAMatagalan and i'm her PANandalian.

Mahal niya lang ako pag wala ang kambal ko. That's why I'm her Panpam, PANandalian lamang.

Keezuato's Oneshot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon