Random 04

0 0 0
                                    

"Ahh! Noo! Madaya!" Pag-angal ni Zera sa akin. Pangapat na laro na namin at talo nanaman siya.

"Walang madaya dun. Its fair and square." Sabi ko sa kanya.

Nakanguso naman itong nakatingin sa akin, "Laro ulit tayo. Last na talaga. Pag talo ulit ako, gagawin ko kung ano gusto mo." Sabi ni Zera.

"Okay, last na 'to. Pagtalo ka gagawin mo ang sasabihin ko." Sabi ko at tumango naman siya agad.

Binalasa ko na ang uno cards at nagsimula na ulit kaming maglaro.

"Plus four ka." Sabi ko atsaka nilapag ang special card ko.

"Arghh! Madaya!" Inis na nakangusong sambit niya habang kumukuha ng cards.

Saktong paglapag ko ng card bigla namang tumunog ang phone ko. Agad naman akong napatingin doon.

"Saglit lang. Huwag mo gagalawin cards ko ah! Huwag ka mandaya!" Pagwawarning ko sa kanya at saka inilapag sa sahig ang mga cards ko.

Dumeretso ako sa table na kinalalagyan ng phone ko at sinagot ang tawag na iyon. Yung kapatid ko pala tumatawag sa akin.

Habang kausap ko ang kapatid ko kita ko ang pinaggagawa ni Zera. Nakatalikod ako sa kanya pero nakikita ko dahil sa maliit na salaming nasa harap niya. Kita ko ang reflection niya sa salamin na iyon. Nakita ko rin kung paano ito mandaya. Binuksan nito ang mga cards ko at binalik sa pwesto dati atsaka pinalitan niya ang mga cards niya.

Nang matapos ko kausapin ang kapatid ko agad naman akong humarap sa kanya at bumalik sa pwesto ko.

"Ayan laro na tayo." Sabi niya at naglapag ng card.

"You cheated!" Sabi ko sa kanya.

"Eh? Hindi kayaa!" Pagtatangi niya.

"Yes, you're a cheater!" Sabi ko ulit.

"No, i'm not cheatingg!" Naka-pout na sabi nito.

"Yes, you did. You cheated on me." I said pero bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya, "You've been cheating on me." Magsasalita na sana siya muli nang ituloy ko sinasabi ko, "With Ivan."

She was stunned for a while. Her lips are trembling. Her eyes couldn't meet mine, "W-wait.." Tanging salitang lumabas sa labi niya.

"Alam kong matagal niyo na akong niloloko ni Ivan." I said with a smile at naglapag ng card.

"Ca-carlo i-i-- h-how-- i m-mean--" She's stuttering so bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"Hmm? What? 'I didn't mean to do it.' 'How did you find out?' was that what you wanted to tell me?" I sarcastically asked her.

"I'm s-sorry.." Sabi niya.

Paano ko nalaman? Kagaya lang ng pandadaya niya kanina. Nakita ko sila sa salamin. Same scenario, my back facing them while I'm talking with someone on my phone.

Ivan, Zera and me decided to play games that day. May tumawag sa akin at sinagot ko yun. Nakatalikod ako sa kanila pero gaya nga ng sabi ko, may maliit na salaming nasa harap nila and yeah that's where I saw them kiss.

After seeing that I decided to keep my mouth shut for the mean time. Waiting for them to tell me what's happening but yeah they didn't tell me just like what I thought. For over the past few weeks, mas madalas ko nang mahuli silang dalawa pero hindi nila nahahalata na akala nila'y napakagaling nilang magtago.

Ang here I am. Di na kinaya ang pagtataksil nilang dalawa. Nanatili akong tahimik sa loob ng tatlong buwan. Tatlong buwan kong tiniis ang panloloko nilang dalawa. Di ko nga alam kung tatlong buwan ba talaga o mas matagal pa.

"Gaano na kayo katagal? How did this happen?" I asked without even looking at her. I hate to see the sadness and guilt in her eyes. I hate it.

"May nangyari sa amin nun. Hanggang umulit nang umulit na.. It happened.." She paused, "Ever since I met him.." Her answer made me stop breathing for awhile.

How could I not even notice that? They've been together for almost a year. This shit hurts me alot. Hearing the truth badly hurts. Its better than finding out by yourself.

"Wow.. Tagal niyo na pala.." Sarcastic na pagkakasabi ko.

"But Carlo, I love you! Please maniwala ka. Mahal na mahal kita." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Umiling-iling ako sa kanya, "Kung mahal mo talaga ako. Di mo gagawin 'to. Di ka magloloko. Mas pinili mo siya, nagtagal nga kayo diba?" Sabi ko sa kanya at pilit na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"No! Nagkakamali ka Carlo! Please stay!" Sabi ni Zera habang umiiyak.

"Oo, nagkamali nga ako. Nagkamali akong mahalin ka." Sabi ko at tumayo na. Sumunod naman ito sa akin.

Agad na nagtungo sa pintuan pero bago ko buksan yun ay may sinabi pa ako, "You should've told me before that you like my younger brother. I wouldn't mind at all." Sabi ko.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Ivan. "Oh Kuya Carlo. Aalis ka na?" Tumango ako sa tanong niya at agad rin nitong napansin si Zera sa likuran ko na umiiyak.

"Alagaan mo nang mabuti yang girlfriend mo." Tinapik-tapik ko siya sa braso at nginitian. Bakas sa mukha nito ang gulat at kosensya. "Sige na bunso, alis na ako." At agad ko ring nilisan ang lugar na 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Keezuato's Oneshot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon