Random 02

1 0 0
                                    

"Hoy Nika." Tawag ko sa bestfriend ko.

"Ano nanaman yun, ugok?" Iritadong sagot niya sa akin. Kanina ko pa kasi siya iniinis kaya ganyan.

"Tara dun sa may balon." Pagaaya ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala. Ihuhulog lang kita dun nang di ka maikasal. Oha?" Pangaasar ko sa kanya.

Binato niya ako ng bato ngunit nakailag naman agad ako. "Arghh! Bwisit ka Henry!" Sigaw nito at pagalit na lumapit sa akin.

Yep, she'll be getting married tomorrow. Pero ito kami ngayon, naggagala kesa asikasuhin ang kasal. Okay lang rin naman, andyan naman parents namin para ayusin yun. Andito kasi kami sa may probinsya namin. Dito kami lumaki. Bumalik lang kami dito kasi dito niya gustong ikasal.

"Grabe. Di ko na maalala 'to." Sabi ni Nika atsaka umupo sa may swing.

"Paano mo maaalala eh may amnesia ka nga diba?" Sagot ko sa kanya. Pumunta ako sa may balon at tiningnan ito.

Tinarayan ako nito at lumapit na rin sa kinaroroonan ko. "Panira ka talaga." Sabi niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya.

Oo, nagkaroon ng amnesia yang si Nika. Hanggang ngayon di niya pa rin maalaalala yung ibang bagay pero yung ibang bagay naalala niya ngunit nagkaiba-iba. Buti nga ako naalala pa kaso yung iba naming kaibigan di niya na talaga maalaalala. Nahulog kasi siya sa bahay nila. Mahilig kasi umakyat sa may bubungan nila kaya ayun nahulog, nagkamali siguro ng galaw.

"Buti nga nakaalala ka pa rin eh." Sabi ko.

"Nakakalungkot kaya. Yung pilit kong inaalala pero burado na sa isip ko." Sabi niya sa akin. "Huwag na nga tayo magusap ng ganto! Ikakasal na ako eh tapos ganyan pa. Kung nabura man yung dati, gagawa na lang ako ng panibago na mas masaya pa." Ngiting-ngiti na banggit niya.

Napangiti at tumango na lang ako sa kanya. "Tama! Tama! Dapat positive vibes lang!" Pakikisama ko. Naglabas ako ng dalawang piso at binigay sa kanya yung isa.

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Piso teh." Pamimilosopo ko sa kanya. Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Tungek. Pangwiwish natin yan dito. Alam ko di mo maalala pero nangako tayo na pag bumalik ulit tayo dito sa probinsya, magwiwish tayo gamit 'tong dalawang piso na ito." Sabi ko.

"Ay weh? Nice. Nice. Sige ako mauuna!" Excited na sinabi niya.

Pinikit niya kanyang mga mata atsaka niya ihinulog ang piso sa balon. "Sana maalala ko na ang lahat at sana maging masaya kami at lahat na nasa paligid ko!" Masiglang hiling niya.

"Ikaw naman." Sabi niya at tinignan ako.

Tinitigan ko muna ang piso bago ihulog ito at si Nika naman ang tiningnan ko.

Bibitawan ko na pala 'to...

"Sana maalala niya na ako ang fiancee niya. Na sa akin dapat siya ikakasal. Na dapat hindi ibang tao ang naalala niya. Ako dapat yung maghihintay sa kanya sa may altar. Kami dapat ang ikakasal ngayon dito dahil nangako kaming dalawa dito. Kaso ang saklap lang dahil ikakasal na siya sa taong naalala niya." Pagkagulat at pagkalungkot ang makikita sa mukha ni Nika ngayon. Nginitian ko na lamang siya.

"Ang tanging hinihiling ko na lang ngayon, sana maging masaya siya kasama ang taong mahal niya." Pagkatapos ko magsalita ay inilaglag ko na ang piso sa balon.

Kasi kahit ano pang hiling kong sana bumalik siya sa akin ay di na pupwede dahil sa pagkakataong ito. Alam kong masaya na siya kasama ang taong mahal niya.

Keezuato's Oneshot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon