Wedding Dress (✔️️)

3 0 0
                                    

❝ W E D D I N G D R E S S ❞
by: Kizuato

"Hey!" Sigaw ni Mary. 'Di ko siya nilingon at patuloy na nagsketch. "Babyyy~" Tawag muli ni Mary.

"What?" I asked without looking at her.

"Look at meeee~" Niyakap ako nito sa likod kaya napahinto ako sa pagguguhit at nilingon na siya nang tuluyan.

"What is ittt?" Tanong ko sa kanya. "I'm sketching po." I said as I pulled her waist and made her sit in my lap.

"Sketch! Sketch! Eh kung jowain mo na lang kaya 'yang sketchpad mo 'no!?" Nagtatampong saad ni Mary. Nakasimangot, nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay niya.

Napatawa ako sa inasta niya. "I love you." Sa isang iglap napawi ang nakabusangot na itsura nito at napalitan ng ngiti, "I love you toooo!" Tuwang-tuwa na sabi niya. Kinuha ko muli ang pencil ko at pinagpatuloy ang pagguguhit.

"So baby.." I started. "Anong design ang gusto mo para sa wedding gown?" Tanong ko.

"Hmm.. I want it elegant and sassy--" And she gave me the details she wants for her wedding gown. Habang patuloy siya sa pagsasalita, ako naman 'tong patuloy na nakikinig at iginuguhit ang mga detalyeng sinasabi nito.

Pagkatapos niya magsalita ay halos tapos na rin ako magsketch. "Kaninong gown yang dinidesign mo?" Asked by her. Mary, sitting in my lap while I sketch, doesn't bother me at all.

"It's yours." Sabi ko. "Pag ikakasal na tayo. Ang gusto kong suot mo ay ako mismo ang nagdesign at gumawa." Dagdag ko sa aking sinabi.

Napatitig ito sa akin. "Gandahan mo yan ah!" Masiglang sabi ni Mary. "Gusto ko kasing ganda ko yan!" Napatawa at tango na lang ako sa kanyang sinabi.

"After nitong ginagawa ko." I paused then put down my pencil. "Let's go to the mall." Her eyes brightens up and smiled at me after hearing what I said.

"Is that a date!?" Masiglang tanong ni Mary. Tumango naman ako. Bigla niya akong niyakap at pinugpug ng halik sa mukha. "Thank you! Thank you!"

She stood up and ran towards her wardrobe. And ofcourse, I will wait for her again.

It has been almost one hour nang makatapos si Mary sa pagaayos. Kaya medyo late na rin kami umalis. It's already 6:30pm.

As usual todo pumorma ang aking magandang fiancee. The reason why I took fashion design. She loves clothes, she loves to dress up and I wanted to be her own designer.

"You look beautiful." Sabi ko't hinalikan siya sa noo. Pinagbuksan ko ng pintuan sa kotse at agad naman siyang pumasok sa loob. Ganon rin ang aking ginawa at pinaandar na ang sasakyan.

Naka-stop kami ngayon at hinihintay ang pag green ng ilaw. Mary keeps on taking pictures of me and herself. May biglang bumusina sa likod namin at dun ko napagtantong naka-green light na. Saktong pagkaandar ko ng sasakyan ang hindi ko inaasahang mangyari.

May truck na bumungo sa amin at sa kasamaang palad sa side pa ni Mary bumangga. Sa sobrang lakas ng pagkabunggo sa amin ay tumilapon ang sasakyan namin.

"M-Mary--" Nanghihinang tawag ko sa kanya. Wala nang malay si Mary at rinig ko sa labas ang pagpapanic ng mga tao at ang tunog ng ambulansya.

"I love you.." Pagkatapos kong masabi 'yon agad akong nawalan ng malay.



Its been 5 years since the accident occurs. Di ko na siya nakita pagkatapos nun dahil umalis sila. They went to states for her medical condition. Sobrang lala ang natamo niya sa aksidente, mostly sa bandang ulo niya. The doctor said the impact could cause her amnesia. Dahil sa side niya mismo bumunggo yung truck.

"Sir. Altejo?" Tawag sa akin ng assistant ko't pumasok sa loob ng office ko. "Nandito na po sila." Sabi niya. Ahh yung bagong client ko pala.

"Papasukin mo na sila." Sagot ko.

As of today, I'm one of the leading designers in the fashion industry. I've already designed clothes of Social influencers, Actors/actresses, and even our own representative for Miss Universe. May sarili akong brand which is 'JS. Altenco', Noone knows what JS stands for, but they assume it's 'Junior Supreme' and Altenco stands for my name-- ziNCO ALTEjo.

Agad naman akong napatayo nang marinig ko ang katok sa pintuan ko. "Please come in!" Sagot ko atsaka kinuha ang mga sketchpads ko na may laman ng mga iba't-ibang design ng gown. Nilagay ko ang mga 'to sa center table ko.

The door clicked open, "Oh hi." Mabilis akong napalingon nang marinig ko yung boses na yun. "Ma-Mary?" Mahinang sambit ko. Halos manlumo ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ulit ang taong mahal ko. Yung taong pinakahinihintay-hintay kong bumalik.

"Oh? Have we met before?" Tanong niya na ikinaguho ng mundo ko. Di niya ako kilala. Di niya ako maalala. Nagkaroon pala talaga siya ng amnesia. "By the way, I'm Mary Nicole Ochea." Pagpapakilala niya.

"Y-yes, ofcourse. Kamusta ka na?" Nakangiting sambit ko. "Have a seat?" Pagaalok ko sa kanya at tinuro ang sofa. Agad naman siyang lumapit at umupo.

"Kilala mo ko?" Tanong niya.

"Ofcourse, I haven't seen you for five years. I'm Zinco Altejo, your fi--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang may biglang kumatok at nilawa naman nito ang isang lalaki. Si Ernest Tan, my cousin and he's also Mary's ex boyfriend.

"Babe!" Halos mangunaw ang mundo ko nang bigla kong marinig ang tinawag ni Mary sa kanya. Fuck they're together?

Agad namang umupo si Ernest sa tabi ni Mary. Alanganing ngumiti si Ernest sa akin. Nginitian ko na lang rin siya pabalik.

"Oh! I forgot to ask. Do you know Zinco? He knew me. You might as well know him." Mary asked.

"Ahh.. Y-yeah ofcourse Zinco. He's my cousin." Sagot ni Ernest.

"Oh really? Why didn't you told me? Alam mo namang nakalimot na ako eh." Mary said. Bullshit she really forgot me.

"How could you forget me?" I suddenly asked out of nowhere. Takang napatingin sa akin si Mary habang si Ernest ay halatang di mapakali. "I'm your--" Tiningnan ko si Ernest na bahagyang umiiling, nakikiusap na huwag kong sasabihin.

"You're my?" Tanong ni Mary.

"B-bestfriend." Kahit labag sa aking kalooban. Yan ang aking sinabi para sa kanyang ikakabuti.

"Sorry!" Bigla niyang sinabi. "I didn't mean to forget you! I have amnesia and I still couldn't remember others so i'm sorry." Malungkot na sabi ni Jess sa akin

"Okay lang." Sagot ko at pilit na ngumiti, "Shall we proceed?" Tanong ko. Agad namang tumango ang dalawa.

Marami na akong naipakita na mga sketch ng gown sa kanya ngunit di pa rin siya nakakapili.

"Ano ba ang gusto mo? Magdedesign na lang ako ng bago if you want?" Tanong ko sa kanya.

"I want it elegant and sassy." Sagot ni Mary. Bigla namang kinuha ni Mary ang sketchpad ko-- yung sketchpad namin 5 years ago.

"Oh? Random sketches ko lang yan 5 years ago! Di yan magaganda." Sabi ko kay Mary ngunit patuloy lang ito sa pagfliflip ng pages hanggang maabot nito ang pinaka last page- yung wedding gown na drinawing ko 5 years ago.

"Oh this. Sabi na nga ba may something dito sa sketchpad na 'to. I want this." Pinakita nito sa akin ang sketch. "Elegant and sassy. Just like what I want." Sambit nito.

"But that's a wedding gown." Sagot ko.

"Exactly. That's what I need." Halos tumiklop ang tenga ko sa aking narinig.

"We're getting married, Zinco." Sagot ni Ernest sa akin. Gumuho ang mundo nang marinig ko ang sinabi niya.

"Co-congratulations.." Nauutal kong pagbati habang pilit na nakangiti at pigil na hindi maluha. Ngunit traydor ang aking mga luha at unti-unti nang pumatak na kanina ko pa pinipigilan.

Yung taong mahal na mahal ko nagbalik na. Nandito na siya ngunit ako'y nalimutan na. Yung fiancee ko ikakasal na ngunit hindi sa akin kundu sa pinsan ko at yung pinangako niyang isusuot niyang wedding gown na gawa ko, maisusuot niya na. Sa kasal nila at hindi kasal naming dalawa.

Keezuato's Oneshot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon