"Ba't mo hinahanap si Kyle?"
"Uhm, Pwdeng papasukin mo muna ako? Ang init kasi dito,eh" Maarteng saad nito habang nagpapaypay gamit ang dalawang kamay niya. Aba't! uhg! Nilakihan ko ang pag-awang ng pinto at pumasok naman siya. Ngayon ko lang na napansin na she's wearing a white dress na bakat na bakat ang hubog ng katawan nito. Bigla tuloy akong na-conscious. Nah, don't mind her sexiness, Bree. Konting tiis nalang. And oh,
She's wearing a six inch red heels. She look so sophisticated. I don't know her pero umpisa pa lang, I hate her.
Inilibot nito ang mata niya'y waring sinusuri ang bawat sulok ng bahay. Napairap ako sa kawalan at nag-cross arms.
"Done?" I said in a sarcastic tone.
"Are you Kyle's wife?" Tumango lang ako at hindi ko pinahahalatang naiinis ako sakaniya.
"And who are you? Are you Kyle's mistress?" ngani-ngani kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Paano kung hindi? Eh, 'Di pahiya ako 'nun! Maya-maya ay may tumigil na makina at sure na ako sa taong ito.
"Grace?.. Grace!!" Narinig kong sigaw sa likuran ko at dinaan ako nung Grace at nakipagyakapan kay Kyle! What theㅡㅡ Bigla akong nakaramdam ng pagkirot ng puso ko. Nice, Sa harap ko pa talaga nakipag-landian. Great!
"Ohh, god. I miss you Kyle.." Malambing na sabi nito. kanina lang ang arte-arte tapos anyare?
"I miss you too." sabi ni Kyle na ikinagulat ko. Oh my gosh.. Naramdamam ko na ang pangingilid ng luha ko pero hindi ko ito hahayaang pumatak.
Tumikhim ako at napunta ang atensiyon nila saaking dalawa.. So, nakakaistorbo ako?
"Uhm, Kyle... Kain tayo sa labas?" nagsalita na si Grace. Hello? Nandito po ako.
"Sure! Gutom na rin naman ako!" Aba tingnan mo nga naman, Parang kanina lang, ah! may pasayaw sayaw-sayaw pa siyang nalalaman!
"Uh, Hi? Ano pangalan mo? Wanna join us?"
"No" sabi ko at napairap sa sahig. I hate this feeling.
"Ah, okay! Let's go, Kyle?" Sabi nito at lumakad palabas.
Tumalikod siya saakin "Sure hintayin mo'ko sa kotse." At humarap na siya pagkatapos sabuhin niya iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at nag-crossarms.
"Hi, Babeㅡ" Akmang lalapit na sana siya at nakaambang yayakapin ako. Ano siya? Kapal niya! I need an f*cking explanation! Babe? Babe-bibin niya mukha niya!
"Tigilan mo'ko, Kyle. Sino ang babaeng iyon?" turo ko sa labas.
"Babe, si Grace iyon."
"Alam ko, ang ibig kong sabihihin, SINO SIYA SA BUHAY MO?" at tinaasan ko siya ng kilay. Damn, Pinipilit kong huwag ipahalata ang selos ko pero ano ngayon? Tngna naman. Pa mysterious pa ang babaeng iyon!
"Ka---" sasabihin niya sana ng..
"Kyle? matagal pa ba yan? Ang init na dito kasi eh!" Napapikit ako at parang gusto kong makapatay sa pagsulpot nitong babaeng 'to.
"Ano ba? Will you shut up?!!" Halata naman nagulat ito sa sinabi ko maski ako nagulat rin.
"I'm sorry.." At napatungo ko at pasimpleng napairap. Oh shit, Labas sa ilong ang pag-'sorry' ko. Hindi ko iyon sinasadya. I swear. Shit, I can't control this jealousy. I can't control this feeling and I hate it!
Bigla akong nagulat ng hatakin ako ni Kyle sa isang sulok.
"Why did you do that?!" galit na tanong nito.
"Nag-sorry naman ako.." mahinang pagkakasabi ko.
"But Why did you do that?!"
"Ano ba, Kyle?! Nag-sorry naman ako,ah! at halatang siya pa ang kinakampihan mo kesa sakin! Kabit mo ba siya?!! Ha?! Hamak na mas sexy at maganda ako kesa sakaniya! leche naman, Kyle!!" Sigaw ko sakaniya. Wala akong pakialam kung marinig niya ang sinasabi ko. WALA AKONG PAKE!!
"What the fuck are you saying?" at tinuro niya si Grace na halatang natatakot. Dapat lang. "She? She's my mistress?! What the hell?! She's my cousin for heaven sake!!!!" ssa sinabi niyang iyon ay nagpabilog sa mga mata ko.
COUSIN?!!!
-
Maikili :( sorry.