Chapter 2

6 0 0
                                    

RAIN

Sinong nagsasabing hindi totoo ang mga aliens? Kahapon tao pa ako ngayon alien na. Nasapo ko ang aking noon dahil sa mga naiisip ko. Tumayo si maam at naglabas ng mga parang bato.

"What I have are gemstones, the channels for your magic, now I will give you your gemstone and your power" panimula nito

"Power from planets, stars, constellations or galaxies. Well you know, mas powerful kung mas maraming object ang hawak" inilabas niya ang isang kulay rainbow na gemstone

"This is the power of the Ursa Minor and Major Galaxies, at mapupunta ito sa guardian na sinasabi ko" Maam Lyn

"Pero paano po namin malalaman kung alin diyan ang para sa amin" tanong ni Ivy. Wow, nagsasalita pala ang aking bestie.

"Well, kung nasa harapan ka na ng gemstone mo, it will just glow" nakangiting sagot ni maam Lyn.

Biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin at iniluwa nito si Ma'am Lyra.

"Wala nang tao sa labas, lets just go outside para sa pagpili ng mga gemstones niyo" sabi nito sa amin. Napatingin ako sa relo ko, alas nwebe na pala ng gabi. Ang bilis naman

Narinig kong nagsalita si Maam Lyn " That's the power of Lyra, time" nakatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako, so it means, astral wizard din siya. Tumingin ako kay ma'am Lyra at kinindatan niya lang ako.

Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa roof top ng building namin. Ngayon ko lang napansin, bakit parang mas maliwanag ang mga bituin sa kalangitan ngayong gabi.

"Look up" panimula ng ma'am Lyn. "Brighter right? that means the universe is excited para sa inyo" Ngumiti siya sa amin "Now, luminya na kayo diyan sa gilid" Agad namang nag-unahan ang aking mga kaklase at dahil mabagal ang kuya niyo. Ako ang nahuli sa pila.

ORION

Lyn gave me the signal. Ready na sila for the selection and the revelation of the fifth guardian.

"Students, please proceed to the viewing space" anunsyo ko at unti-unti nang lumabas ang mga mag-aaral ng university. Nakita kong tumuntong narin ang royal four sa platform para iwelcome ang kanilang huling myembro.

"Tonight, we will witness the selection of the last 20 wizards na mapapabilang sa school natin, and the reveal of the fifth guardian, ilabas ang mga gemstone at itapat sa kalangitan" saad ko at sabay sabay namin itong ginawa. Yes, we are ready

RAIN

Naghihintay kami ng hudyat nang biglang lumiwanag ang kalangitan, it's like a sign for something. At doon tumango si maam Lyn at pumunta na sa harap ang una kong kaklase

"Ah by the way, kung napili na kayo ng mga gemstone, you'll be automatically transported to Agotha, your new school." Bigla kaming natakot sa mga sinabi niya

"Don't worry, well handle things here, just enjoy" Maam Lyn

At doon na nga nagsimula, humakbang siya sa harap at nagliwanag ang isang gemstone, napatingin kami sa langit nang may mapansin kaming tila ba liwanag na papunta sa amin.

"The power of the star, Pollux is given to you" sabi ni Maam Lyra. Hinawakan ng kaklase ko ang gemstone na nagliliwanag at nang mahawakan niya ito ay sakto namang nakarating ang liwanag at doon siya ay nawala.

Nagtalunan ang aking mga kaklase at naging mas excited.

"Next" sigaw ni ma'am Lyn. Agad namang pumunta ang susunod kong kaklase

Muling nagliwanag ang isa pang gemstone

"The power of the system, Centaurii is given to you" hinawakan nito ang gemstone at nawala din.

Ganun ang eksenang nangyari hanggang makarating ito kay Ivy. Nasa kalagitnaan siya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi manlang niya ako tinawag kanina.

Pumunta siya sa harap at nagliwanag ang isa pang gemstone

"You are favored" nakangiting saad ni ma'am Lyn

"The power of the constellation, Columba is given to you" agarang saad ni maam Lyra. Namangha ako sa aking narinig, constellation ang sa kanya, well hindi na ako nagtaka. I know may something sa babaitang yan. Hindi lang isa ang nakitang liwanag sa kalangitan, napansin namin ta tila ba may binuo itong shape, at doon hinwakan na ni Ivy ang bato saka nawala.

Naging ganun ang eksena hanggang sa dumating sa akin. Mga nasa 20 ang gemstone na nakalatag sa mesa. Nagtaka ako, parang kanina isa nalang ah

Tatlo nalang kami sa rooftop, bored akong naglakad sa harap at doon lumiwanag ang gemstone na may kulay ng bahaghari.

Wait, hindi ba iyan ang. Nanlaki ang mata ko at napatakip nalang ako sa bunganga ko nang marealize ang mangyayari

"I knew it" sabi ni ma'am Lyn.

"The power of the galaxies, ursa minor and major, is given to you" saad ni ma'am Lyra

"Oh great guardian, please accept thy power" sagot naman ni maam Lyn

Bigla nalang sumakit ang ulo ko at doon parang may mga memorya akong naalala. Mga pangyayari sa nakaraan. From black until the birth of the heart of the universe, the first stars at marami pang iba.

Sumagot ako

"I accept the power bestowed upon me, I shall perform my duty as a guardian and I will protect the universe with my life" namangha ako dahil para bang may echo ang boses ko.

"Please accept us as your servants, your will is our will, your desires are ours to fulfill" sagot ng dalawa

Bumalik ako sa dati kong sarili "Pero maam, pwede ba akong humingi ng favor ?"

"What is it, great ursa"

"Uhm, just call me rain and please keep my identity secret muna" sabi kong nakasmile tas kunwari nagpapacute para naman gumana. Ngumiti silang dalawa at tumango.

Hinawakan ko ang gemstone at humawak narin ang dalawa sa akin.

"I will miss home" sabi ko. Biglang akong nahilo at parang nasusuka at sa isang iglap, nakatuntong na ako sa isang platform. Kararating din pala nila dito.

The Astral MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon