ZEPHYR CHRONICLES Part I
RAIN
Nang imulat ko ang aking mata, napansin ko agad ang tao sa tabi ko.
“Bakit ka sumama?” tanong ko sa kanya
“So you think I’ll let you go alone? Hell no!” sagot niya.
“Huh? What do you mean?” balik kong tanong
“Wala! So ano? Tatayo nalang ba tayo dito?” iritang tanong nito
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga. Well wala naman na akong magagawa.
“Rence, lets go!” inis na tawag ko at nauna na akong naglakad.
Sinuri namin ang paligid. Para lang itong isang disyerto maliban sa isang napakalaking building di kalayuan sa kinatatayuan namin.
Naglakad kami papunta sa building na ito.
Palapit ng palapit pero palakas din ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin sa loob.
Wala tao, ni kahit isa wala. Hinawakan ko ang knob and to my disbelief, nakabukas ito.
Dahan dahan kong pinihit at binuksan ang pinto. Rinig na rinig ang creaky sound sa mga hinges na kakikitaan ng katandaan ng estruktura.
Dahan dahan din kaming pumasok ni Rence sa loob na may halong kaba.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala din ni isang tao rito. Just numerous shelves filled with books. Naglakad pa kami hanggang sa makita namin ang directory.
Hinanap kaagad naming ang history section, nang makita namin ito ay kaagad akong kumuha ng mga libro saka umupo.
Pagbuklat ko sa mga ito ay laking gulat ko dahil sa nakita ko.
“It’s empty” pagbasag ni Rence sa katahimikan. “Walang laman, ni isang letra” pagpapatuloy niya
“Bakit? Bakit ganito?” tanong ko sa kanya
“I told you this is not a good idea” sermon niya sa akin
“No, wait. There’s something wrong. May mali eh” depensa ko
“It’s not that this entire “finding the answer thing” is wrong, but I think it’s in the books” pagbali ko sa tensyong nabubuo.
“Yes it is wrong, this whole thing is wrong, we came here for answers and I think this is the answer” sagot nito ulit sa akin
“You know what Rain? This can kill us both, we don’t know what danger lies ahead. We need to go back” pag-aaya niya sa akinKahit inis man ay mas minabuti ko nalang na hindi siya pansinin at nagpatuloy na lamang ako sa pagsusuri sa mga libro.
“Rain, stop! Ano ba?!” sumigaw na ito
“Sino ba kasi nagsabi sayong sumama ka? Ha? If you want to go back, then go. Hindi ako aalis dito empty handed” sagot ko
Napabuntong hininga nalang ako sabay napakamot sa ulo na tila na nagpapagil ng galit.
Nagpatuloy ako sa paghahanap nang makakita ako ng isang card.
Binasa ko ito and there! May naisip ko.
“Look, I found something!” sigaw ko sa kanya then dali dali akong tumakbo sa may directory board.
“Rain, huwag ka ngang tumakbo” saway niya sa akin pero imbes na pansinin ay mas pinabilis ko pa ang pagtakbo.
BINABASA MO ANG
The Astral Magic
FantasyDo you believe in the magic of the universe? Ni minsan naisip mo na bang tumingala sa kalangitan upang mapagmasdan ang mga bituing nagniningning at nagbibigay tanglaw sa gabing madilim? Every person has its guardian star. Billion years ago, the fiv...