RAIN
Bigla ko namang namiss si maam Lyra at maam Lyn, sana sila parin ang magiging teacher ko. Napabuntong hininga nalang ako. Since umaga pa naman, ano nalang ang gagawin ko. Kailangang may gawin ako.
Naisipang kong pumunta sa headmistress. Sinalubong ako ng secretary niya. Sinabi kong may tatanungin lang ako. Binuksan ko ang pinto at doon nakita ko siya sa upuan niya.
"Good morning po" panimula ko.
"Good morning, maupo ka iho" sagot nito sa akin. "What can I do for you?" tanong niya"May tatanungin lang po sana ako"
"What is it?" tanong nito, pinagmasdan ko lang ang mukha niya at tila ba alam na niya ang tatanungin ko
"Ano pong ibig niyong sabihin sa 'it's a favor' kagabi nung tinanong nila kung bakit wala pa ang pang-limang guardian"
Ngumiti alang ito at nagsimulang magsalita
"Guardians give great favors for the universe, seldom they ask one for themselves. I noticed a glitch in the matrix after the first star, and so this glitch is made through a favor" sagot nito.
Napatango nalang ako
"Minsan lang sila humingi nun, and favors that concerns their identity ang madalas nilang hingin. Nung sinabi ni Lyn na wala sa earth ang panglimang guardian, hindi ako naniwala, and there I saw you" nagulat naman ako
"Bakit po?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"Well you know, I noticed the colors in your eyes, the color of the rainbow" sabi nito "the color of ursa, it's your favor" dagdag nito at saka lumuhod sa harap ko
"Ah eh maam, hindi niyo na kailangan gawin niyan" sabi ko. Naiilang parin ako sa ginagawa nila sa akin.
"Thank you Ursa, or should I say rain" ngumiti ito sa akin
Ngumiti din ako
"Now, lets talk about your schedule, you should be staying with the other four pero since you asked a favor, you can stay with your friends hanggang sa magbigay ng hudyat ang galaxy mo"
"What do you mean sign po?" nagtatakang tanong ko
"Concealment of identity has an expiration, you need to be known at kumpletuhin ang line up, lumalakas na ang pwersa ng kadiliman, kung gumawa sila ng move without you, how can the other four protect the universe" napabuntong hininga ako
Sana hindi nalang ako nag-ask ng favor, parang mas lalo atang nanganib ang universe. Hopefully hindi.
Nag-paalam nalang ako sa Headmistress at saka umalis. Naisipan ko nalang mag-libot sa school. If may time, sa planetang ito.
Naglalakad ako sa corridor nang school nang maalala ko si Ivy, hindi pa kami nagkikita simula kagabi. Saan kaya ang babaitang yun.
Babalik na sana ako pero nakalayo na pala ako sa village kaya napagpasyahan kong magpatuloy nalang.
May narinig na naman akong boses, sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa harap ng isang room. Walang karatula na magsasabi kung ano ito kaya pumasok nalang ako.
And there I saw a portal in the middle of the room. Its so magical. Imagine na parang may swirling clouds with different colors tas may mga stars na nagliliwanag. Its like the universe seen in one room. And there I saw something
"To the heart of the universe"
"Sanem"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, at nakita ko ang apat na nilalang na pumasok
"What the f*ck are you doing here?" tanong ni Ethan
"Ah-eh ano kasi, nadaanan kong nakabukas ito kaya pumasok ako" palusot ko.
"Whatever" pagsusungit nito. Aba grabe tong lalaking ito ah.
Lumapit si Melissa "Tell me, anong nakita mo?" tanong nito na para bang naeexcite
Tumingin muli ako sa gitna ng room pero wala na ang portal, naging normal na kwarto na lamang ito, parang office kumbaga.
"W-wala naman, I'm sorry. Don't worry hindi ako magnanakaw, wala akong kinuha, nacurious lang talaga ako" sabi ko. Nagbow ako sa kanila at akmang aalis na sana nag pigilan ako ng isang lalaki
"Hi, im Jones" ngumiti ito at inalahad ang kamay niya. inabot ko ang kamay niya "Rain" sabi ko.
"This is Melissa, Ethan and Rence" turo ni Jones sa mga kasama niya. Tumingin ako sa kanila saka tumango
"Nice to meet you" sabi ko.
"May something sayo" sabi ni Rence "Look we are the guardians and wala ni isang naglalakas ng loob na kumausap sa amin, ikaw lang" dagdag niya
"I'm sorry talaga, hindi ko alam na ganito. Don't worry, I'll keep my distance from now on" sagot ko
Nagsalita si Ethan "Good, ayoko nang magkaroon ng koneksyon sayo" nagtaka naman ako. Wala naman kaming koneksyon, paano niya nasabi iyon. Bigla kong naalala, I'm a guardian as well. Oh no, darating ang araw na malalaman nila ang tunay kong identity, ano nalang ang sasabihin nila sa akin. I'm a liar, sinungaling ganon.
Hindi ko na sila pinansin, agad akong umalis at lumabas ng kwarto.
Bumalik ako sa village, bigla nalang ako napagod. I want to rest. Saka ko na proproblemahin ang pagiging guardian ko, dapat ko munang isipin what will I do for tomorrow, the start of my classes. Hays, I know I can do it. Please, ursa guide me.
LYNX
I can feel her again. Kinakabahan na ako dahil palakas ng palakas na ang pwersa niya. What if any time, sumugod siya dito. No!
Naglalakad ako sa field nang mapansin kong lumiwanag ang isang parte ng kalangitan. Hindi lang ako ang nakapansin, nakita kong nagsilabasan ang ilang estudyante at teachers. Napansin ko din ang royal 4.
Muli akong tumingala, it's the galaxy of Ursa, nagliliwanag ito at mula doon ay nakarinig kami ng pagsabog.
Rain, anong ginawa mo?
BINABASA MO ANG
The Astral Magic
FantasyDo you believe in the magic of the universe? Ni minsan naisip mo na bang tumingala sa kalangitan upang mapagmasdan ang mga bituing nagniningning at nagbibigay tanglaw sa gabing madilim? Every person has its guardian star. Billion years ago, the fiv...