4: Scared

2 0 0
                                    

"Dapat na ba natin burahin sa mundong ito si Samantha?"

"Hindi pa...may balak pa akong gawin at siguradong masaya kapag nasaksihan niya mismo ang mangyayare bago siya mawala sa mundong ito."

"Ito ba talaga ang dapat nating gawin?"

"Ito lang ang karapat dapat na hatol para sa kanila tandaan mo iyan!" galit na singhal nito sa kausap.




Sa pag-alis nila Carrie sa bahay ni Samantha ay para bang nabunutan siyang malaking tinik na nakabara sa kanya matapos niyang sabihin lahat ng nararamdaman niya sa mga ito. Hindi pa rin maalis sa isipan niya kung tama ba talaga ang naging desisyon niyang maging witness sa kaso ni Kyla. Tama bang magbigay siya ng pag-asang mahuli ang kriminal na gumawa nun kay Kyla? 

Lumipas pa ang mga araw at palagi niya ng kasama sila Carrie. Sa tuwing lalabas siya ng bahay niya ay pakiramdam niya ay para bang may mga matang nakasubaybay sa bawat kilos na gagawin niya. Hindi maalis sa isipan niya na baka ang taong nararamdaman niyang nakasubaybay sa kanya ay ang taong pumatay mismo kay Kyla. Ngayon ay naglalakad pauwi si Samantha mag-isa hindi siya sumama sa group study nila Carrie kaya ngayon ay halos hindi na siya makahinga sa takot na baka ang sumusunod sa kanya ay ang tatapos sa buhay niya. Sa takot na nadadama ay nagsimula na siyang tumakbo at kasabay nun ang pagtakbo din ng sumusunod sa kanya. Malapit ng maabot ni Samantha ang pintuan niya ng may humablot sa kanya dahilan para sumigaw siya ng malakas.

"AAAAAAA" pikit matang sigaw nito.

"Kumalma ka Ms. Gonzales." sabi nito kay Samantha kaya naman dumilat ito at bumungad sa kanya si PO1 Santiago.

"PO1!"gulat na sabi nito. Nakahinga ng maluwag si Samantha ng mapagtantongkilala niya ito.

Pinapasokniya si SPO1 sa bahay niya at binigyan ng maiinom bago tanungin kungano nga ba talaga ang tunay na pakay nito sa kanya.

"Ano po bang pakay niyo sa akin PO1?" Bungad na tanong nito pagka-upo.

"Binabantayan ka lang namin. Hindi naman dapat ako lalapit sana sayo kanina kaso napansin kong parang hindi ka mapakali habang naglalakad ka. Parang may tinatakbuhan ka. May problema ka ba Samantha?"

"P-pakiramdam ko po kasi may nakatingin po sa akin lagi kaya yun rin po ang rason ko kung bakit ako tumatakbo kanina."

Matapos mag-usap ay nakahinga na ng maluwag si Samantha dahil alam niyang ligtas na siya kahit papaano. Sa kabilang banda ay may nakamasid sa malayo. Ngumingisi pa ito na para bang natutuwa pa sa nasaksihan na aksyong ginawa ni Samantha kanina.

"Itutuloy mo pa rin ba ang plano mo kahit pa alam nating may bantay si Samantha?" Nag-aalalang tanong nito.

"Kahit may bantay o wala pa man yan wala silang magagawa sa plano natin." Nakangiting tugon nito.

Nagdesisyon ang magbabarakda na isama sa lakad nila si Samantha dahil kahit paano ay napalapit na din sila sa kanya. Maya maya pa ay dumating na ang oras ng uwian nila at kasabay lumabas ni Carrie si Samantha kaya naman agad na sinalubong ng mga ito ang dalawa. Sa paglapit nila sa dalawa ay agad nilang kinulit si Samantha na sumama sa kanila dahil kabilang na ito sa barkada nila.

"Sumama kana Sam hindi ka nila tatantanan hanggat hindi ka nila napapa-oo."sabi ni Carrie habang umiiling iling sa kakulitan nila Clare.

Dahil sa sinabi ni Carrie ay pumayag na si Samantha na sumama sa kanila. Ngayon ay nasa bahay sila ni Clare para mag group study at pagkatapos ay may kwekwentuhan. Lumipas pa ang ilang oras ay tuluyan ng sumapit ang gabi lahat sila ay hindi namalayan ang oras dahil sa mga masasayang kwentuhan at kakulitang nangyare sa buong oras na magkakasama sila. Hindi maiwasang mapangiti ni Samantha dahil ngayon niya lang naranasang makibilang sa gantong kadaming kaibigan. Sa buong buhay niya kasi ay laging 1 o 2 lang ang lagi niyang nakakasama at nitong college naman ay palagi lang siyang mag-isa. 

"Sam kanino ka sasabay pauwi?" Kiara.

"Ako na lang maghahatid sa kanya." Nakangiting sagot ni Clare.

"Oh siya mauna na kami. Clare mag-iingat kayong dalawa sa pag-uwi ah!" Paalala ni Nathalia.

Nagkanya kanya na ng alis ang mga ito at hinatid naman ni Clare si Samantha dahil halos magkalapit lang silang dalawa ng bahay. Lingid sa kaalamanan ng dalawa ay may nakasunod na sa kanila na nakangising mala demonyo. Tuwang tuwa ito dahil saktong magkasama ang dalawa at hindi na siya mahihirapang pagsamahin ang mga ito. Alam niyang hindi maililigtas ng mga pulis na nakabantay sa kanila ngayon dahil bago siya sumunod sa mga ito ay sinigurado muna niyang lumisan na ang mga ito sa mundong ito. Pinagmamasdan niyang masayang nagkwekwentuhan ang dalawa. Habang walang kamalay malay ang dalawa ay agad na hintaw ng kahoy ang mga ito sa ulo dahilan ng pagkawalan nila ng malay. Tuwang tuwa itong pinagmamasdan ang dalawa na walang malay at may kaunting bahid ng dugo sa ulo dahil sa lakas ng hampas nito sa kanila.

"Hindi naman masakit iyang nagawa ko." reklamo nito sa sarili bago hatakin ang dalawa.

[On-Hold] Behind Me (Detras De Mi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon