5: Clare Mendoza

2 0 0
                                    

Nagising si Clare ng makaramdam siya ng lamig. Sa pagbangon niya ay sumalubong sa kanya ang matinding kirot sa ulo niya at hindi niya inaasahang makakita ng dugo ng kapain niya ang part na tinamaan siya kanina. Nagsimulang lamunin ng takot si Clare ng mapansin niyang nasa bahay ampunan siya na may katabing gubat. Kung pagmamasdan ng mabuti ay makikitang abandunado na ito at may kalumaan na.

Nanginginig na tumayo si Clare mula sa pagkakahiga niya at nagsimulang maglakad. Halos hindi na ito makahinga sa takot dahil alam niya ang lugar na ito. Ito ang lugar na binaon na nila sa limot. Nanginginig itong naglalakad at hindi mapakali ang mata sa paglibot sa paligid.

"S-Sam?!" sigaw nito habang patuloy sa paglalakad pero na agad din itong napahinto ng may marinig siyang kaluskos kaya naman kahit takot natakot na ito ay nanginginig niyang itinapat ang flashlight ng phone niya sa pinanggalingan ng tunog pero wala siyang nakita.

Nagsimulang tumulo ang luha niya sa takot at kaba dahil hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar na ito idamay mo na ring hindi niya parin nahahanap si Samantha. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa may magsalita mula sa speaker.

"Maglaro tayo ngayon Clare....larong madalas laruin noong bata pa tayong lahat pero sa sitwasyong ito ako ang taya sa Hide & Seek. Sa larong ito syempre nilagyan ko ng twist dahil hindi naman na tayo bata kaya naman kapag nahuli kita mamatay ka! HAHAHAHA!!!!!" Sabi nito habang humahalakhak na parang nilisan na ito ng katinuan.

Natutula panandalian si Clare sa gulat dahil sa sinabi nito sa kanya at ang boses na kailanman hindi na niya inaasahang maririnig niya pang muli. Nagsimula na siyang tumakbo at naghanap ng matataguan hanggang sa dinala siya ng paa niya sa kwartong pamilyar sa kanya. Nagmamadali siyang nagtago sa ilalim ng kama at pagdating niya sa dulo nito ay impit na sigaw ang binitawan nito dahil hindi niya napansin na may nakausling pako sa may paanan ng kama. Dahan dahan niyang hinatak ang paa mula sa pagkakabaon nito sa pako. Nanginginig ang kamay niya habang nakatanlaw ang ilaw sa sugat niya na patuloy ang pag-agos ng dugo.

Nilibot niya ang paligid kung meron siyang pwedeng magamit na pantapal sa sugat pero wala siyang mahanap na malinis kaya naman kinapa niya ang bulsa ng jogging pants niya kung may panyo siya duon. Laking tuwa niya ng makapa niya ang panyo at agad na itinali ito sa sugat niya. Gusto niyang sumigaw sa sakit ng maitali niya ito dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya. Napahinto siya sa pagdaing ng makarinig na siya ng yapak kaya naman dali dali niyang pinatay ang ilaw sa cellphone niya. Gustuhin man niyang magwala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin signal ang cellphone niya.

Sa kabilang banda naman ay walang magawa si Samantha kundi manuod sa mga kaganapan. Naka tali ito sa isang upuan at hindi makasigaw o makapagsalita dahil nakatahi ang bibig nito. Pag-iyak na lamang ang nagagawa niya.

'Please Clare kailangan mong makaligtas!' sabi ni Samantha sa isipan habang patuloy sa panunuod.







Nakahinga ng maluwag si Clare ng malagpasan ang kwartong pinagtataguan niya. Sinigurado muna ni Clare na ligtas ng lumabas siya sa pinagtataguan niya. Delikadong magstay siya sa iisang lugar lalo na't buhay ang nakataya. Sa paglabas niya sa ilalim ng kama ay sinimulan niyang maghanap ng pwede niyang panlaban. Sa paglibot niya sa paligid ay ngayon niya lang napagtanto kung kaynino ang kwartong ito. Nagsimulang umagos ang luha niya ng makita niya ang paboritong laruan ni Kyla noong bata pa sila..... ito ang kwarto nila ni Kyla sa tuwing bibisita sila nila Carrie sa ampunan.

"Mukhang ginalingan mo ang pagtatago mo ngayon Clare!" sigaw nito kaya naman nagmamadaling lumabas ng kwarto si Clare paramaghanap ng bagong matataguan dahil nasa kabilang kwarto lang ang pinanggalingan ng boses!

Malapit na siya sa hagdan ng biglang may humablot sa buhok niya kaya naman nagsimula siyang magpumiglas at sinaksak ang kamay na nakahawak sa kanya gamit ang basag na salamin na nakita niya kanina sa kwarto. Sa ginawa ni Clare ay binitawan siya nito kaya naman nagpagulong gulong ito pababa ng hagdanan. Nagmamadali itong bumangon at naghanap ng matataguan. Pakiramdam niya ay parang nabalian siya ng buto sa pagkakabagsak niya.

"Yun lang ba ang kaya mong gawin Clare?! Masyado ng nagiging boring ang larong ito kaya naman dagdagan natin ang kasali sa larong ito! Samantha magsimula kanang magtago!"

"Nababaliw kana bang animal ka?! Pati inosenteng tao idadamay mo sa kabaliwan mo!" sigaw ni Clare habang patuloy sa pagtakbo.

" Hindi inosente si Samantha at mas lalo namang hindi rin ikaw Clare! Sisiguraduhin kong magbabayad kayong lahat!" galit na singhal nito kay Clare.

Nanginginig si Clare habang tumatakbo dahil unti unting bumabalik sa alaala niya ang sikretong ibinaon na nila sa limot pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit nadamay si Samantha sa sitwasyong nangyayare sa kanila ngayon. Muntik ng mapasigaw si Clare ng may humablot sa kanya. Sa paglingon niya ay awang awa siya sa itsura ni Samantha dahil duguan ang ulo nito at halatang bara barang tahi ang ginawa sa bibig nito.

"S-Sam!" Clare.

[On-Hold] Behind Me (Detras De Mi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon