7: Funeral

1 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw bago matagpuan ang bangkay ng dalawa at ng matagpuan ang mga ito ay halos atakihin na sa puso ang mga magulang nila Clare at Samantha dahil na rin sa mga natamo ng dalawa. Sa balitang sumalubong sa kanilang lahat ay hindi maiwasan ng magkakaibigan na balutin sila mismo ng takot lalo na si Nathalia na ngayon ay pilit nilang pinapakalma.

"B-baka t-tayo na sumunod! Natatakot ako! Ayoko pang mamatay!" Nagpapanic na sabi nito sa barkada. Aaminin nila na ganun din ang nararamdaman nila pero walang mangyayari kung magpapalamon sila sa takot nila.

"Nathalia Cruz pwede kumalma ka?! Walang mangyayari kung pangungunahan ka ng takot! Aaminin kong natatakot din ako pero Thalia hindi ka pwedeng magpalamon sa takot dahil baka yan pa ang maging dahilan ng pagkamatay mo!" Inis na sabi ni Jessica sa kaibigan at dahil sa sinabi nito ay natauhan si Nathalia.

Sa kabilang banda ay problemadong problemado ang mga police kung paano nakuha ng kriminal sila Clare at Samantha.

"Rick walang mangyayare kung sisisihin mo lang ang sarili mo sa nangyare sa mga bata!" Sabi ni Manlapaz kay PO1 Santiago na hanggang ngayon ay sinisisi ang sarili.

Sa ngayon ay hindi alam ng police kung paano nila mahuhuli ang kriminal at ang alam lang nila ay iisa lang ang pumapatay dahil sa mga iniiwan nitong marka. Lumipas pa ang ilang araw ay bantay sarado ang mga ito ngayon sa dumalo sa burol ni Clare at Samantha.

Matapos ilibing ang dalawa ay matamlay na naman si Carrie at hindi na malaman pa ang gagawin dahil alam niyang iniisa isa na sila. May hinala si Carrie kung sino ang taong pwedeng gumawa nun pero impossible naman mangyari iyon dahil patay na ang taong pinaghihinalaan niya.

"Ate aalis nga pala ako may gagawin kasi kaming project ni Daniel." Pagpapaalam ni Chelsea sa kapatid. Sa binanggit na pangalan ni Chelsea ay parang pamilyar iyon kay Carrie.

"Chel anong apelyido ng kaibigan mo?" Tanong nito.

"Thompson ate. Alis na ako ate ah bye! " Nagsimulang kabahan si Carrie ng malaman ang apelyido nito. 

Lumipas pa ang ilang oras at halos 9pm na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Chelsea kaya todo ang kabang nararamdaman ni Carrie lalo na't kinakabahan siyang baka kamag-anak nito ang taong kinalimutan na nilang magkakaibigan.

Nagising si Carrie sa sinag ng araw at sa pagmulat ng mata ay dali dali niyang hinanap sa buong bahay ang kapatid niyang si Chelsea. Sa pagpunta niya sa kusina ay naabutan niyang nagluluto ito ng agahan para sa kanilang dalawa at hindi niya inaasahang may bisita sila.

"Gising kana pala ate nga pala si Daniel kaibigan ko po." Nakangiting sabi nito sa kapatid. Nakaramdam ng hiya si Carrie dahil naabutan siya ng kaibigan ng kapatid na bagong gising.

"Good morning." Pilit na nakangiting sabi nito kay Daniel bago tumakbo papasok sa sariling kwarto at ginawa ang morning routine.

Lumipas pa ang ilang minuto ay lumabas na siya ng sarili niyang kwarto at agad na dumiretso sa kusina para mag-agahan. Naabutan niyang patapos ng kumain ang dalawa. Matapos kumain ng dalawa ay nagmamadaling nagpaalam muna ang mga ito bago iwan si Carrie na patapos pa lang kumain. Sa pag-alis ng dalawa ay hindi mapakali si Carrie dahil sa itsura ni Daniel. Hawig na hawig nito ang taong binaon na nila sa limot. Gusto niyang palayuin si Chelsea kay Daniel dahil natatakot siyang mapahamak ito pero hindi niya magawa dahil hahanapan siya ng rason ng kapatid niya at hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo dito.

Halos nakatulala lang maghapon sa school si Carrie kakaisip ng rasong pwede niyang idahilan kay Chelsea kapag sinabihan niya na itong lumayo kay Daniel pero natapos na ang lahat ng klase ay wala pa rin siyang naiisip na pwedeng idahilan. Nahinto lang siya pag-iisip ng biglang may kumalabit sa kanya.

"Carrie ok ka lang ba?" tanong ni Lucy.

"Ok lang ako." sagot nito sabay ngiti na pilit.

[On-Hold] Behind Me (Detras De Mi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon