8: Stalker?

1 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ng bumisita sa bahay nila Carrie ang kaibigan ni Chelsea na si Daniel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabihan ang sariling kapatid na lumayo ito kay Daniel dahil sa pakiramdam niyang konektado ito sa pagkamatay ng mga kaibigan niya.

Alam niyang magagalit si Chelsea sa kanya dahil sa akusasyong ginagawa niya sa nag-iisang kaibigan na dinala ni Chelsea sa bahay nila. Mas gugustuhin na lang siguro niyang magalit ito sa kanya kesa sa kapahamakang maaaring mangyari mismo sa kapatid niya. Buo na ng desisyon niyang sasabihan niya si Chelsea mamaya pag-uwi nito.

Sa kabilang banda naman ay hindi mapakali si Nathalia dahil sa pakiramdam niyang may pares ng mata ang naka subaybay sa bawat kilos niya. Gusto niyang magsabi sa kuya niya pero ayaw niya na itong pahirapan lalo na't problemado pa rin ito sa killer ng mga kaibigan niya. Ayaw rin niyang sabihan ang mga kaibigan niya tungkol sa problema dahil baka sabihin lamang ng mga ito na paranoid lang siya. Halos hindi na rin siya makatulog sa takot na kuhain siya ng taong sumusunod sa kanya kapag nakatulog siya ng mahimbing lalo na't minsan ay mag-isa lang siya sa bahay dahil busy ang kuya niya sa trabaho.

Kinabukasan ay puyat na naman siyang pumasok sa school niya. Maaga siyang pumasok para maka-idlip siya kahit saglit lang. Mas ok ng matulog siya sa school dahil alam niyang ligtas siya dito dahil hindi siya pwedeng galawin ng taong sumusunod sa kanya dahil may mga kasama siyang kaklase sa classroom. Lumipas pa ang ilang oras ay nagising siya ng maramdaman niya ang pagyugyog sa kanya at sa pagmulat ng mata ay bumungad sa kanya ang mukha ni Jessica.

"Buti naman at nagising kana. Andyan na si Ma'am." sabi nito sa kanya bago ibaling ang atensyon sa professor nila.

Inayos naman agad ni Nathalia ang sarili bago makinig sa professor nila mahirap ng mapagalitan lalo na't isa ito sa mga istriktong prof nila.

Matapos ang lahat ng klase nila ay napag desisyunan nilang magkakaibigan na magkita kita at agad naman inaya ni Nathalia ang mga ito na tumambay na lang sila sa bahay niya para na rin may kasama siya. Sa tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya ay ramdam niyang hindi siya nito sinusundan.

Ilang oras na tumambay ang mga ito sa bahay niya bago mag-ayang umuwi si Carrie. Gustuhin niya man patulugin na lang ang mga kaibigan sa tahanan niya ay hindi niya magawa lalo na't magkakaiba sila ng kursong kinuha at minsanan lang sumaktong magkakasama sila. Naunang lumabas sila Jessica. Sa paglingon niya ay para bang hinihintay ni Carrie na maunang lumabas ang mga kaibigan nila.

"Talia alam kong may problema ka dahil halatang halata sa kilos mo. Kung hindi ka man handa pang sabihan kami ng problema mo lagi mo sanang tatandaan na andyan lang kami at makikinig sayo. " Nakangiting sabi ni Carrie sa kanya bago sundan sila Jessica.

Hindi inakala ni Nathalia na sasabihin sa kanya iyon ni Carrie. Bago umalis ng tuluyan si Carrie ay dali dali niya niyakap bago tumango tango bilang sagot sa sinabi ni Carrie sa kanya. Sa gabing iyon ay ngayon lang ulit siya nakatulog ng magaan ang pakiramdam.


Sa kabilang banda naman ay mag-isang naglalakad pauwi si Jessica dahil  magkakaiba sila ng way pauwi. Aaminin ni Jessica na natatakot siya lalo na't masyado na silang ginabi sa pag-uwi at siguradong mayayari siya sa tita niya dahil sa oras ng uwi niya. Wala ng pamilya si Jessica kaya naman ang nagsilbing nanay at tatay niya ay ang ate ng nanay niya na tinuturing na siya na tunay na anak nito. Nagmamadaling lumakad si Jessica kaya naman ilang oras lang ay nakarating na siya sa tapat ng bahay niya pero bago pa man makapasok sa bahay ay may narinig siyang kaluskos na nanggagaling sa likuran ng bahay nila. Kaya naman pinuntahan niya agad ito para makita kung may nagtapon na naman ng basura sa likuran ng bahay nila pero pagdating niya ay wala naman basura pero may pasong natumba kaya naman inayos niya na muna ito bago lumapit sa backdoor ng bahay nila pero hindi pa man niya nabubuksan ang pintuan ay bigla na lang may humatak sa kanya mula sa likuran. 

Hindi siya makasigaw dahil may nakatakip na panyo sa ilong at bibig niya. Alam niyang kapag inamoy niya ang kung ano mang nilagay nito sa panyo ay magiging katapusan niya na pero kasabay nun ang pagka ubos ng hininga niya. Kahit anong pagpupumiglas niya at paniniko niya ay walang talab kaya naman tinadyakan niya ng malakas sa paa nito kaya naman nabitawan siya nito pero bago pa man siya makatakbo ay may bumungad na sa harapan niya at hinampas agad siya nito. Hilong hilo siya napaupo sa sahig at pilit na inaaninag ang taong nasa harapan niya pero ang bukod tanging nakita lamang niya ay isang taong nakamaskara at isang taong wala pero hindi niya makilala kung sino iyon. Hilong hilo siya gumapang palayo sa mga ito pero hinawakan lamang siya at may kung anong itinurok sa kanya na siyang nagpadagdag ng pagkahilo niya at hinahatak na siya ng antok.

[On-Hold] Behind Me (Detras De Mi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon