2: The Beginning- Kyla Alonzo

6 0 0
                                    

Tapos na ang klase ni Carrie Phelps kaya naman madaling madali siyang ayusin ang gamit niya lalo na't may pupuntahan pa silang magkakaibigan. Sa paglabas niya ng classroom ay bumungad sa kanya ang mga kabarkada niya na mukhang naiinip na.

"Carrie!" Masayang tawag ni Kyla Alonzo ng mapansin niya si Carrie.

Naging masaya ang gala nila kaya naman hindi nila namalayan ang oras.

"Naku ginabi na tayo!" Nag-aalalang sabi ni Clare Mendoza

Sa paglabas nila ng mall ay nagkanya kanyang direction na sila pauwi at ang natira ay sila Carrie at Kyla na iisa lang sasakyan pauwi. Makalipas ang ilang minuto nilang biyahe ay sabay na bumaba ang dalawa pero hindi mawawala sa mata ni Kyla na medyo natatakot ito sa dadaanan niya lalo na't halos sira ang ilaw sa poste.

"Gusto mo bang samahan kita pauwi Kyla?"

"Kahit wag na Carrie. Kaya ko naman tsaka hinihintay kapa ng kapatid mo."Naka ngiting sabi nito kaya naman tumango lang si Carrie at naghiwalay na sila ng daan pauwi.

Lingid sa kaalaman ni Kyla at Carrie ay ito na pala ang huling pagkikita't pag-uusap nilang dalawa. Isang pangyayaring gugulo sa buhay nilang magbabarkada.

Ngayon ay naglalakad ng mag-isa si Kyla pero hindi maalis sa itsura nito na kinakabahan at natatakot ito lalo na ay ramdam niyang hindi lang siya nag-iisa sa daan. Sa bawat lingon na ginagawa niya ay mas lalo siyang kinakabahan lalo na't sa paglingon niya sa bawat sulok ng daan ay wala siyang nakikita ni isang tao.

Napahinto sa paglalakad si Kyla ng may matanaw siyang tao sa tapat ng poste. Hindi niya alam kung bakit sa unang kita niya pa lang sa taong iyon ay masama na ang kutob niya na para bang may mangyayaring hindi maganda. Sa unang hakbang na ginawa ay biglang humarap ang taong naka sandal sa may poste kaya humintong muli si Kyla at nagsimula ngmanginig sa takot. Bawat hakbang niya paatras ay siyang hakbang nito sa kanya ng palapit kaya naman kumaripas na siya ng takbo. Napahinto siya sa pagtakbo ng sumigaw ito at sinabing...

"Magtago kana Kyla dahil ako ang taya sa larong ito at ang larong ito ay hide & seek!!" Sa sinabi nito ay mas binilisan niya na ang takbo sa takot na maabutan siya nito.

Sa di kalayuan ay may nakita siyang matataas na damo kaya naman sa sobrang desperada niyang makaligtas ay hindi niya namalayan ang basurahang mabubunggo niya. Sa pagbungo ay nagmamadali siyang tumayo pero hindi niya pinansin ang daraanan kaya naman natapakan niya ang mga basag na bote at salamin. Gustuhin niya man sumigaw ay hindi niya magawa sa takot na matunton siya nito. Nanginginig siya sa takot lalo na't alam niya kung kaynino ang boses na iyon.

"W-wala na siya.... mat-tagal n-na si-siyang p-patay." Bulong niya sa sarili.

Nagsimulang tumulo ang luhang pilit niyang pinipigilan.

"Kyla~~"Halos ibaon na ni Kyla ang sarili niya sa lupa ng marinig niyang malapit lang sa pwesto niya ang boses na pinanggagalingan. Dahan dahan siyang umaalis sa pwesto niya lalo na't papalapit ng papalapit ang mga yapak na naririnig niya sa pwesto niya.

"AAAAAHHH!!" Isang malakas na hiyaw ang nilabas ni Kyla matapos siyang mahablot nito at kinakaladkad sa pamamagitan ng paghawak lang sa buhok niya. Pakiramdam niya ay matatanggal na sa anit niya ang buhok niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.

Ngayon ay binitawan na siya nito sa kaya naman tinadyakan kagad ni Kyla ito tska nagmamadaling tumakbo pero hindi pa siya nakakalayo ng mahablot siya nito pero this time ay isang malakas na sigaw ang binitawan ni Kyla dahil sinaksak siya sa tyan.

"Hayop ka!" Galit na galit na sigaw ni Kyla at hinampas niya ng buong lakas ang didib nito kaya naman muling nakatakas si Kyla. Muli siyang nagtago at nanghihina.

"Dapat niyong pagbayaran ang mga kasalanang ginawa niyo noon Kyla!"

Nanginginig na sumilip si Kyla sa pwesto niya pero nakalimutan niya atang huminga ng panandalian ng makita niyang nasa harapan niya na ito at tuluyan ng humagulgol siya sa harapan nito. Sa reaksyong pinakita ni Kyla ay tumawa lamang ito na para bang tuwang tuwa pa sa nakikita niya pero sa kabila nun ay kitang kita sa mata nito ang hinanakit.

Sa pagtawang ginawa nito ay itinulak siya ni Kyla para makatakas muli pero ng tatakbo na siya ay nahawakan siya nito sa paa at hinatak. Sa pagtumba ni Kyla ay siyang pagsampa naman nito sa kanya at may ipinulupot sa leeg niya. Unting unti ng nawawalan ng hininga si Kyla.

"D—D"Pilit na banggit niya sa pangalan ng taong iyon pero bago niya pa matapos iyon ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Isang malapad na ngiti ang makikita sa mukha nito ng hubarin niya ang suot niyang maskara. Matapos titigan ang bangkay ni Kyla ay hinatak na para bang maleta lang ito. Sa paglagay niya ng bangkay ni Kyla sa gitna ng kalsada ay may ikinurba ito sa wrist nito.

[On-Hold] Behind Me (Detras De Mi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon