Hi ! ako nga pala si Erika, isang babae ang gusto lang ay isang magandang relasyon at mamahalin ako ng buo maging sino man ako..
May boyfriend ako si Migz, mahal na mahal ko siya. Si Migz yung tipong masiyahin, maalaga, mabait at sweet..
Ikwento ko sa inyo kung bakit ko siya sinagot ay kung bakit ko siya mahal na mahal..
Ito ang unang Araw ng panliligaw ni Migz sa'kin.
Sa kwarto ko.
"ate yung manliligaw mo nasa baba" - si emily ang kapatid ko.
"si migz" - kilig kong sabi.
"sino pa nga ba" - nakangiting sabi niya.
"sige pakisabi bababa na ako" - at yun lumabas na siya ng kwarto ko..
Si Migz kasi matagal ko na siyang kilala simula nung mga elementary pa.. Noon at hanggang ngayon hindi siya nagbago, kaya nung sinabi niyang gusto niya akong ligawan, pinag-isipan ko na maigi yun.
At pinaalam ko sa mga magulang ko kung pwede ba akong magpaligaw. Hindi naman sila humindi kasi matagal na rin naman kilala ng mga magulang ko si migz..
"hi migz" - dumiretsyo na ako ng salas kung nasan si migz.
"hi" - tumayo siya sa kinauupuan niya.
"sige upo ka"- sabi ko.
"para nga pala sayo erika"- inabot niya sakin yung chocolate na dala niya.
"nag-abala ka pa" - kinuha ko yung inabot niya.
"okay lang, diba ang mga nanliligaw dapat may mga dala sa mga nililigawan niya" - ngiting sabi niya..
"salamat" - ngumiti din ako sa kanya ..
Dumating ang Mama, na may dalang juice.
"migz uminom ka muna" - ilapag ni mama yung baso sa may lamesa.
"salamat po" - ngumiti siya kay mama.
"sige maiwan ko muna kayo" - umalis na si mama.
Nagkwetuhan lang kami ni migz tungkol sa pag-aaral naming dalawa..
Magkaiba kasi kami ni Migz nang pinapasukang paaralan."pwede ba kitang ihatid sa school mo bukas" - tanong niya.
"baka paghinatid mo ako sa school e malate ka pa sa klase mo" - AKo
"hindi sa tanghali naman yung pasok ko, okay lang gusto ko kasing ihatid ka bukas, okay lang ba sayo erika" - Migz
"sige" - ngiti kong sagot.
"talaga, sige susunduin kita bukas dito para maihatid kita sa school mo" - masayang sabi niya.
Hindi na siya nagtagal pa, at umuwi na siya..
Nasa Kwarto ako,, Nakaupo ako sa kama ko at kinuha ko ang Diary ko sa gilid ng kama ko..
Dear Diary,
Ang saya ko ngayong araw, kasi ito ang araw ng panliligaw sa akin ni migz. Binigyan niya ako ng chocolate at nagkwetuhan lang kami tungkol sa pag-aaral naming dalawa sayang nga e! hindi kami magkapareho ng school na pinapasukan. Pero okay lang kasi ang sabi niya sa'kin susunduin niya ako bukas dito sa bahay para ihatid sa school, ang sweet talaga ni migz..
Erika.
Maya maya ay nakatulog na ako..
--------------------------------------------------------
Kinabukasan.. Maaga ako gumising syempre ihahatid ako ni Migz sa school e! hehe..
BINABASA MO ANG
Dear Diary, ( Short Story )
Short Storyito ang kwento ng isang babae na ang gusto lang ay ang mahalin siya ng buo at walang pang-aalinlangan.. At ang Diary ang naging kalungkutan at kasiyahan niya, dahil dito niya sinusulat ang mga nangyayari sa buhay niya..