I was a kid since nagustuhan ko yung mga boys stuff specifically damit at laruan, I was 3 to be exact.
Noong una ayaw ni Mommy pero kalaunan napilitan din siya kasi sabi ni Daddy normal lang yun sa bata kasi daw wala pa naman daw akong muwang sa mundo.
Dumating yung time na kelangan ko na pumasok ng Nursery, inenroll nila ko sa private school a Catholic School where my dad and mom graduated.
1st day of class di ako pumasok kasi inis na inis ako sa uniform na pinasuot sakin kaya pinasuot nila ako ng gusto ko syempre yung boys uniform.
Kita ko pa non kung paano kinausap ng Principal yung mga magulang ko, ang natatandaan ko lang di sila pumayag na maging ganoon ako.
kaya naman napilitan silang ihome school ako hangga't di pa sila nakakahanap ng school na papayag na magsuot ako ng panlalaking uniform kahit na babae ako.
Then next school year kinder na ko, nakahanap naman sila sa isang Day Care Center sa may Brgy. Hall sa lugar din namin.
1st day ayaw kong humiwalay kay mom and dad, di kasi ako sana'y na madaming bata.
2nd week na ng schooling ganun parin ako sa tabi ni mom and dad, pinipilit nila ako makipaglaro sa mga bata pero tumatanggi ako hanggang sa may isang batang babae na lumapit sakin kinausap niya ako pero tango at iling lang ang tugon ko dito.
1/2 school year na ganun parin yung batang babae, dito natuto na ko magsmile lagi lang kaming nakaupo sa bench malapit sa room, laging ganun habang naghihintay magstart ang sunod na klase which is klase namin.
Nagtop ako sa klase kahit tahimik ako, advance kasi yung mga tinuro sakin noong naghome school ako.
Then one day sa playground,christmass break non sa subdivision din namin kasama ko yung yaya ko nakita ko siya umiiyak sa may swing binubully siya ng mga kalaro niya, yung yaya ko naman nakikipagchikahan kaya pumuslit na ko papunta sa direksyon nila
"Sophia" banggit ko habang papalapit sa kanya
"Axl huhuhu" umiiyak siya habang binabanggit pangalan ko
kitang kita ko yung pagkahabag niya, habang yung mga nambubully sa kanya tinulak ako
"ano ba?" sabi habang tumatayo di na ko nagpagpag at lumapit ulit kay Sophia pero tinulak ulit nila ako
We're 6 that time yung mga bullies mga 8years old na, 3 sila isang mataba, isang payat at isang pandak.
yung temper ko di ko napigilan tinulak ko din sila. sinabunutan nila ako sinampal at tinulak
wala e mag-isa lang ako malalaki pa sila yung mataba pa yung may hawak sakin
"di porket lalaki ka kaya mo na kami" sabi noong payat tsaka sila umalis
dugo yung braso ko kasi nagasgasan noong tinulak nila ako kaya hinipan ko to masakit kasi
lumapit sakin si Sophia, pero imbis na tanungin ako kung okay lang ako tumawa lang siya
"hahahaha lalaki ka dapat mas strong ka sa kanila, ano ba yan? hahaha" ibang klaseng babae talaga to
may nilabas siyang panyo sa bulsa niya tsaka nilagay sa braso ko "ayan gagaling na yan, salamat ha?" tapos niyakap niya ko dumating naman yung mga yaya namin napagalitan kami parehas kasi para kaming gusgusing bata
magkahiwalay kami ng dinaanan kaya't napalingon ako sa kanya sakto namang lumingon din siya at nagsmile.
simula non may naramdaman akong iba, naramdaman ko na, na ibang iba talaga ako sa mga normal na babae di ako tulad nila kasi mas gusto ko yung itsurang lalaki.
BINABASA MO ANG
Butch&Femme
OverigOne Shots Stories Tina Jittaleela and Aom Manaying Nicky Song and Donnalyn Bartolome Dorina Roxas and Ella Cruz Ara Galang and Bang Pineda