Chapter 3: Chopsticks

1 0 0
                                    

Donna's Point Of View

"Let's go. I guess you're hungry. Let's eat first before going home." He said as he started to pull me with his hand tightly— but still with gentle— holding my wrist. Nagmumukha naman akong stroll bag o maleta sa ginagawa nya.

"Hop in." He said as he opened his car and let go of my wrist. I did what I was told to.

"Alam mo," Panimula ko. "Hindi pa talaga ako nagugutom." I said as I tried to convince him. "Hula m—" Naputol ako a pagsasalita ng tumunog ang tyan ko, ipinaparating na nagugutom na ko. Napapikit ako ng mata at napasapo. Sige Donna, ganyan ang mga napapala ng mga nagsisinungaling.

Jusko, anong kakahiyan na naman 'tong nagawa ko?

I heard him chuckled. Mas nahiya tuloy ako. Pero wait, napatingin ako kaagad kay Kuya. Mas nalungkot naman ako ng makita ang mukha nya, wala na yung ngiti. Poker face na ulit. Bakit ba ang hirap hirap makahuli ng tingin ng ngiti ni Kuya? Kasing hirap ng paghuli ng bituin, e. Siguro ganun din kaganda ang ngiti ni Kuya. Parang bituin, kaya mahirap makita. Nakakasawa na din kasi makitang nakapoker face si Kuya. Akala mo binagsakan ng langit at lupa e.

"Kuya." Mahinang sambit ko, pero tama lang para marinig nya. Napatingin ako kay Kuya.

"Hmm?" He hummed while his eyes still focus on the road. Napatingin ako sa mga daliri kong naglalaro.

"Bakit ayaw mo mag-open up?" Halata sa boses ko ang pagtataka, napatingin ako sa bintana.

Nagulat ako ng bigla nyang hininto yung kotse. Muntik na tuloy ako mauntog dito sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya. Ano namang masama sa tanong ko?

"It was stated in the rules, wasn't?" Ibinaling nya ang tingin nya sakin. Halata sa kanyang mukha na nainis ko sya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko, mukhang nagalit ko ata sya. Napatihimik na lang ako. Tumango sa kanyang sagot habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Hanggang kailan kaya itatago ni Kuya ang katauhan niya? Hanggang sa matapos yung kontrata namin? Hanggang sa makaalis na ko sa bahay niya? Wag naman sana. Pansin ko kasi parang walang kaibigan si Kuya. Tsaka kung wala talaga, at least gusto ko ako yung maging una nya. Kapalit ng pagiging mabait nya sakin ngayon.

"We're here." Sambit nya. Napatingin ako sa labas, nasa isang restaurant kami.

Bumaba na ko ng kotse, di ko manlang napansin na bumaba na pala sya. Sinundan ko sya sa papaloob ng restaurant. Magmumukha sana kaming couple na nasa date kung magkalink yung mga braso namin, kaso hindi. Nagmumukha akong aso na nakabuntot sa kanya ngayon. Pero ayos na din 'to, basta iisipin ko first date namin 'to. Para bongga!

May humarang naman samin na isang waiter. Kinausap sya ni Kuya. Medyo matagal-tagal silang nag-usap kaya hindi ko na muna sila pinansin. I mean, paki ko sa kanila? Kahit mag-usap sila buong araw wala akong paki. Inilibot ko ang tingin ko sa buong restaurant. The theme of this restaurant is line in some dynasty thingy, ay ewan! Bahala na, hindi ko ma-explain. Ang masasabi ko lang ay perfect, maganda, nakakaaya sa tingin. Pero sa tingin ko, mas magiging maganda 'to kung date namin ni Kuya 'to, e. Kaso bad luck, hindi namin 'to date.

"Wag mo naman ipahalata na first time mo lang dito, act normal, hmm?" Nanlaki ang mata ko. He just said it right next to my ear. Yes, NEXT TO MY EAR. And I could clearly feel his breathe on my neck. Hindi ba naisip ni Kuya na nakakailang yung ginagawa nya ngayon? Tsaka di nya ba alam ang word na personal space? Napalayo ako ng kaonti. "And please, stop drooling around." He continued, napahawak naman ako sa pisngi. Ang OA nito ni Kuya, wala namang laway, e. Exaggerated lang. Hindi ko na lang sya pinansin at tinignan yung babaeng papalapit samin. Mukhang waitress din sya ng restaurant.

The 30th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon