Chapter 2: Stupid

1 0 0
                                    

Donna's Point Of View

This contract below states about the agreement that will be discussed through a meeting. With the rights of having this contract, the other party shall not reject any decision that will be made by the owner of the house. This agreement will give you the rights to stay with him for the next 30 days. The other party should never leave his side unless he say so and you shall never come back.

E, ang arte naman, may paganto pa? Pero oks lang 'to, keri pa ng beauty ko 'to!

I, Donna Aguilar, agreeing to this contract while having a promise that I shall not leave his side nor reject any kind of offer he would give to me.

I, Donna Aguilar, again, signing this contract as a sign of taking full responsibilities that was aforementioned in this agreement.

Pak! Responsibilities 'to ng lola ko!

"So," he paused, thinking what should he say next. "Welcome to my house. This is your room. I'll be moving all your things here, just organize it here." He ordered. Napatango naman ako habang wala sa sariling inilibot ang mata sa kwarto kung nasaan kami ngayon. Totoo ba 'to?

Sinampal ko yung sarili ko. "Ouch." Sambit ko. E, di totoo talaga 'to? Walang halong biro o patawa? Talaga bang dito ako matutulog at titira? Sa ganitong kalaking kwarto at bahay?

Pero sabagay, meron nga syang condo, e ganto pa kayang malaking bahay. Oh, edi sya na! Sya na ang mayaman! Rich kid si Kuya. Biglang bumukas yung pinto. Speaking of the dev— angel pala.

"Here are your things, go arrange it. We still have to go somewhere." Sambit nya at inilapag ang mga gamit ko sa gilid ng pintuan.

"Sa—" Bigla nyang sinira yung pinto kaya napahinto ako sa pagtatanong. Napakabastos, e noh? Alam ng nagsasalita pa ko tapos sasarahan ako ng pinto?

Sinimulan ko ng ayusin yung gamit ko. Konti lang naman 'to kaya wala pang isang oras ay tapos ko ng maligpit lahat. Hindi naman ako mayaman para magkaroon ng sandamakmak na gamit. Saktong dami lang ng pang-alis at pangbahay. Hindi naman kasi ako mayaman, napagkakamalan lang dahil sa taglay na kagandahan.

Nagbihis ako ng magandang damit. Hindi naman talaga maganda, yung tama at kaaya-aya lang sa mata. Aalis daw kasi kami. Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko syang nakaupo sa sala. I guess he's waiting for me. Pero hindi ako nag-aambisyon ah!

"There you are." He said as soon as he saw me. "Sit first as we'll discuss about the contract." He continued. Hindi na ako umimik at sinunod na lang ang mga sinabi nya.

May nilapag syang papel at ballpen sa coffee table. Nanlaki ang mata ko, teka nga! Ano 'to? Para saan? Magquiquiz ba kami? Hindi manlang ako ininform na may pa-on the spot pa pala syang nalalaman. Daming arte! "Write the rules here." He ordered. Ahhh, para sa rules naman pala, akala ko may on the spot na, e. Kinabahan ako dun.

"Rule number one." Nagsimula na kong magsulat.

"Bawal ma-attach sa isa't isa." Nalungkot naman ako ng marinig ko 'to. Sayang, crush ko pa naman din sya.

"Number two, walang pakielamanan." Fine! Hindi kita papansinin, bahala ka jan!

"Three, don't you dare come inside my room." Wow ha! Feeling 'to si Kuya. Ano naman gagawin ko sa kwarto nya ha?

"Four, ayoko sa makulit." Well, bakit pa ko pinatira dito kung bawal din pala ako dito, diba? Chos!

"Five, ayoko din sa maingay." I grimaced, makakayanan ko bang manahimik?

The 30th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon