Chapter 4: Boring

3 0 0
                                        

Donna's Point Of View

I'm currently lying here at the couch comfortably, watching TV. Yet it isn't still enough to blow away my boredom.

Nakita ko si Kuya pababa ng hagdan kaya napaayos ako ng pwesto at umupo ng maayos sa sofa. Hindi ko alam kung anong meron pero umagang-umaga, bored na agad ako.

Hindi ba kami aalis? Or like gala? O kaya grocery? Nakakatamad kasi yung walang pinagkakaabalahan. O baka nasanay lang ako kasi lagi kaming may pinupuntahan ni Kuya.

"Bored?" Napatingin ako kay Kuya na naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero napasunod ako kay Kuya at pumunta na din ng kusina. Wala lang, curious lang ako kung anong gagawin nya sa kusina.

"Magluluto ka?" Excited kong tanong ng makita ko si Kuya na kumukuha ng mga sangkap. Mas naeexcite tuloy ako. Siguro kung aso ako, yung buntot ko ngayon kawag na ng kawag sa pagkaexcited. Pero wala akong paki, ang sarap kaya magluto ni Kuya. Makakalimutan mo pangalan mo. De joke lang, mapapasabi ka lang ng 'fantastico' o 'deliciouso'.

"'Di ba obvious?" Napanguso ako sa naging sagot ni Kuya. Pano ba naman kasi, umagang-umaga ang init na ng ulo. May regla ba sya ha? Para maging ganyan ka-sungit.

"Ahhh" Sabi ko habang tumatango-tango ng dahan-dahan. Naisipan kong bumalik na lang muna sa sala, baka kasi sungitan pa ulit ako ni Kuya, e. Mahirap na baka di ako makapagtimpi at hampasin sya ng kawali, nasa kusina pa naman kami.

Nakita ko naman ang DVD holder sa ilalim ng TV pagkaupo ko sa sofa. Ano kayang palabas ang meron dito? Ayos na din 'to pampawala ng bagot.

The Grudge? Wrong Turn? Spiderman? Green Lantern? Jurassic Park? Kumpleto nya din ang Harry Poter— Wait? What the fudge— Barbie and the Three Musketeers?

"Hey, what are you looking at?" Napatingin ako kung saan nanggaling yung nagsalita, papunta sya dito sa pwesto ko kaya mabilis ko na ibinalik yung DVD holder at umupo sa dati kong pwesto.

"Wala," Ngumiti ako sa kanya pero ginantihan nya lang ako ng mga mapunuring mata. Sarap dukutin ng mata ni Kuya, e. Napansin ko naman na may dala syang mangkok na may lamang popcorn.

Nanlaki ang mata ko at nagbabadyang kukuha ng ilan ngunit mabilis nyang itinapik ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya ng masama at napanguso.

"Damot." Bulong ko at tinarayan sya.

Hindi nya ako pinansin at itinuon lang ang kanyang atensyon sa TV, ganun na lang din ang ginawa ko ngunit may naisip ako. Kinuha ko yung Barbie na DVD.

"Do you want to watch it?" Tanong ko habang may malokong ngiti na nakaukit sa aking labi at iwinawagayway ng mahina yung DVD case na may nakalagay sa harap na 'Barbie and the Three Musketeers'

I saw him blushed for a second. Kaya hindiko napigilan ang sarili ko at naglabas ng mahinang tawa. Ang cute ni Kuya.

I heard him clear his throat and said, "It's not mine. It belongs to my sister." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sagot nya, may kapatid sya?

"Really?" I asked in disbelief. Wala, e. Hindi talaga ako makapaniwala. He nodded slowly.

“Can I meet her?” I asked— more like pleaded while holding his two big hands and giving him the best-est puppy eyes I could ever do. But all he did was to glared at me and look at our attached hands.

My eyes enlarged when I realized what I have just been done. Tinanggal ko kaagad ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya, in fairness ang lambot ng kamay nya. Bumalik ako sa dati kong pwesto at tumingin sa paligid maliban sa kanya. Pretending that nothing embarrassing happened. Sumipol-sipol pa para hindi talaga halata. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko ‘yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 30th DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon