Donna's Point Of View
"My ghad! So init!" Pagrereklamo ko sa sobrang init ng araw na tumatama sakin habang ipinapaypay ang aking kamay sa aking mukha. Grabe talaga ang init sa Pinas!
Bakit ba kasi hindi ko naisipang bumili ng payong nung nasira yung dati ko? Eto tuloy ako ngayon, nagtitiis sa letseng araw na 'to.
I kept my eyes on the ground while walking at the sidewalk of the bridge. Para hindi ako masyadong mainitan, mahirap na baka maheat stroke pa ang lola mo ng wala sa oras. Wala pa naman din akong pang-ospital, jusko! Dagdag gastos lang 'yon. Hindi na akong nagaabalang tumingin sa harap ko kung may makakabangga man ako o wala. It's too hot. Baka kapag inexpose ko 'tong mukha ko sa pangalawang pagkakataon, e himatayin na lang ako dito bigla.
My eyes went larger than it's usual as a sign of shocked when I felt someone's hand held my wrist. Jusko naman, kainit-init na nga kung ano-ano pang naisipang gawin ng taong 'to, siguro tambay 'to sa kanto kaya ganto. Nakakayamot, e. A great way to make my day worse than already it is. Humigpit ng kaonti ang pagkakahawak nya sa kamay ko at pinaharap sa kanya.
Yuck! Kahit gaano ko man gustuhin na sabihin ng malakas sa kanya ito at nang maipamukha ko sa kanya kung gaano ako kaasar sa ginawa nya at mukha nya ay nanatili akong tahimik, respeto na lang din para sa dignidad nitong lalaking 'to. I grimaced as I looked at his face one more time. Sino ba naman hindi mandidiri sa mukha nito ni Kuya? Ang chaka-chaka tapos butas butas pa. Akala mo nginudngod yung mukha sa griller na kakatapos lang pag-ihawan, e. Tapos sobrang itim, akala mo nahulog sa kanal o naligo sa putik, e. Hindi mapagkaka-ilang ito yung mga taong tambay sa kanto ng Divisoria.
My thoughts started to flew away as I heard Kuya talking to me.
"Holdap 'to, akin na pera mo." Sabi nya ng mariin at malalim na boses habang umiikot ang mata sa bawat paligid nitong lugar. I felt something sharp at the side of my waist. Napabugtong hininga naman ako at napairap. Kalmado lang kaming dalawa, sabi nila kapag kalmado ang isang tao dapat kang matakot. Pero hindi ako tinatablan ng takot kahit alam ko na may kutsilyo sa tagiliran ko, napatawa ako ng mahina. Wrong choice of person 'tong si Kuya. Sa dami-daming pwedeng nakawan sa buong Pilipinas, ako. pang walang pera ang napili akalain mo 'yun?
"Akin na, bilisan mo. Ilabas mo na wallet mo." Pagmamadali nito sakin, dahilan para mas sumama ang araw ko. Labag man sa kalooban ko, kinuha ko ang nagkakaisa at huling bente ko sa bulsa at wala sa sariling ibinigay sa kanya. Grabe talaga, ansaya-saya ko. Gusto ko na lang hambalusin ng kawali yung ulo ni Kuya.
"Bakit eto lang?" Tanong nya na may bahid ng pagrereklamo at pagkainis. Wow ha?! Sya pa 'tong may ganang mainis, e mabuti nga ibinigay ko pa sa kanya yung huli kong pera.
"E siraulo ka pala, e!" Sigaw ko sabay bigay ng malakas na batok sa kanya. "Sa tingin mo ba may pera din ako? Parehas lang tayo, wala din akong pera pero ang pagkakaiba natin hindi ako gagawan ng masama para magkapera lang. Tsaka hindi mo ba nakikitang naglalakad lang ako? Meaning ni kahit mismong pamasahe na lang ay hindi ko na rin kayang maafford ngayon." Sigaw ko ulit.
Papaalis na sana sya, pero para akong isang malaking takuri, umabot na ko sa pinakaboiling point ko kaya sa galit ko kay Kuya ay ihinampas-hampas ko sa kanya ang bag ko dahilan para mabaon ng kaonti ang kutsilyo sa tagiliran ko. I groaned in pain.
Bakit ba ang tanga-tanga ko? StupiDonna!
Tumakbo papalayo si Kuya ng makita nya ang duguan kong kamay na sumusuporta sa sugat ko. Bwisit! Na-hit and run ako. Kapag talaga nakita ko 'yun sa Divisoria uli, lagot sakin 'yun. Ipapakulong ko sya. Leche sya, lakas makapanira ng araw.
Kahit iika-ikang maglakad, nakayanan ko naman na malagpasan yung pagkahaba-habang lecheng tulay na 'yan. Nang dahil jan, nasaksak ako sa tagiliran tapos nakuha pa yung huli kong pera.
BINABASA MO ANG
The 30th Day
RomansaThey say some people stays, and some aren't. Some are willing, some are forced. "Please let me stay with you. Even just for another day, please." Started: 01/05/2020 Finished: ----