THANYAFRIDAY na at ngayon din ang araw kung kailan gaganapin ang event.
I'm in the capital and walking. A lot of players are here so I think it's going to start.
I heard two great guilds were here too. Mag papahuli ba sila? Duh.
"Players, the event will start in 30 seconds." sabi ng announcer na nasa taas ng fountain. Lumilipad siya gamit ang ulap at may mic itong hawak hawak.
"29" nagsisimula ng mag countdown habang ako ay inaantok at gusto ng matulog.
Shetek naman kasi eh. Naubos ko lahat ng binigay sakin ni kuya na fries, tapos kumain ako ng hilaw na mangga at ng isang galon na ice cream. Naubos ko lahat ng yon kaya hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang sakit ng tyan.
Kaninang umaga, nawala na din yung sakit ng tyan ko dahil nag poop na ko. Pero heto ako ngayon, inaantok. Ang takaw ko kasi, bwisit.
"1" lumabas na ang mga malalaking halimaw kaya medyo nagkagulo ang mga tao. Nasiksik ako at natulak hanggang hindi ko na alam kung saan ako nadala.
Napunta ako sa unahan kung saan naghihintay sa akin si kamatayan. Inaantok ko lang na tinignan ang mga mata nitong pula. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga players na nakikipag laban sa mga halimaw.
Nahagip ng mga mata ko ang isang bench malapit sa akin, kuminang ang mga mata ko ng makita ko ito. 'Sa wakas! Makakatulog na din'.
Aatakihin na sana ako ni kamatayan gamit ang kanyang scythe, wala pang isang segundo ay nasa bench na ako at nakahiga na. Nakarinig pa ako ng malakas na pag sabog pero hindi ko na yon pinansin at natulog na lang.
---
Medyo naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang lumilipad ako. Mabilis kong binuksan ang aking mga mata at nakita kong lumilipad nga ako! Pati din yung bench na tinutulugan ko ay lumilipad na din kasama ko.
Tumingin ako sa baba at nakita ko doon ang mga natitirang kalaban. Anim na lang sila, kasama doon si kamatayan. Siya siguro yung nag tapon sakin papunta dito.
Inilabas ko ang golden sword ko at ginawa itong bow and arrow. Kumuha ako ng anim na palaso at inihanda ang sarili. Kinontrol ko ang gravity ko para hindi ako medyo bumubulusok pababa. Nabalot ang mga arrow ng iba't ibang elemento. Pinakawalan ko na ang mga ito at tumama isa isa sa mga natitirang halimaw hanggang sa mawala ang mga ito.
Nawalan na ng bisa ang pag control ko sa gravity kaya para akong shooting star na bumulusok pababa. Bumagsak ako sa isang puno kaya medyo nasugatan ako. Lumabas sa harap ko ang 'congratulations' kaya napangiti ako. Nasa akin pala yung bonus points kasi ako yung nakapatay, ang saya naman.
Lumabas sa harap ko ang isang legendary midnight sword and armor. Maganda ito, color violet na nahahaluan ng black. Pero saka ko nalang ito susuotin. Yosh! Level 59 na ako.
YOU ARE READING
Element Of Weapons [On-going]
Science FictionEverything was normal when he was not existing in our lives, but everything has changed when Dave came to my friend's life. I really don't like that man, i hate everything on him. Then here's my friend, she wants me to play the Heriya Kingdom with...