EOW 4

5 1 0
                                    


                           THANYA

"THANYA!"

"Bakit kuya?!" lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.

"Pag hinanap ako ni mama sabihin mo umalis ako 'ha?" tumango ako tsaka sya sinaraduhan ng pinto. Napangisi ako ng sinuntok niya ng malakas ang pinto ng kwarto ko. "Thanya!" galit niyang sigaw sakin at naramdaman kong umalis na siya.

Humiga na ako sa kama at isinuot ang nerve gear.

Pag kapikit ko ay parang may humila na naman sa akin papuntang game world.

Nandito ako sa isang dungeon ngayon, naghihintay pa akong matapos ang away ng mga guild na nasa harap ko ngayon dahil halos magkasabay lang silang pumunta sa harap ng pintong yan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nandito ako sa isang dungeon ngayon, naghihintay pa akong matapos ang away ng mga guild na nasa harap ko ngayon dahil halos magkasabay lang silang pumunta sa harap ng pintong yan.

Nag umpisa ng mag palitan ng atake yung dalawang guild habang ako pa chill-chill lang habang nakaupo ilang metro ang layo sa kanila.

"Anong nangyayari dito?" napatingin ako sa mga bagong dating. Nandito na din ang guild ni Gray. Syempre pag nandito si Gray nandito din si Luke. Kasama ni Luke yung babaeng epal kahapon. Ka-party niya siguro.

Bwisit nababagot na ako dito.

"Tumigil kana nga Bloody fox! Kami ang nauna dito." sabi nung leader ng guild na isa sa mga nag aaway.

"Sinungaling ka talaga Redwhale!" pinaulanan niya ng apoy si Redwhale kaya hindi na ito makaiwas sa ibang atake ni Bloody fox. Naging kulay red na ang kanilang mga pangalan dahil sa ginawa nilang palitan ng atake.

Dahil ayoko nang maghintay na matapos ang away nila ay mabilis akong pumunta sa harap ng pinto nang hindi nila namamalayan.

"Para walang away, ako nalang ang mauuna." tumigil sa pag aaway ang dalawang guild tsaka napatingin sa akin. Kumaway muna ako sa kanila at kumindat bago pumasok sa loob.

Madilim ang buong paligid kaya tinalasan ko ang aking pandinig. Lumakad pa ako ng kaonti nang sunod sunod na bumukas ang mga torch hanggang sa nakita ko na ang boss na nakaupo sa kanyang trono.

I changed my golden sword into a bow and arrow. Pinaulanan ko siya ng nag babagang arrow kaya nagalit ito.

Name: Fire frost ogre
HP: 1500/1500
MP:2500/2500
Skills:    Fire punch
            Ice punch
            Fire frost blow
            ???
            ???

Ginawa kong latigo ang aking bow and arrow, bumalot dito ang kulay gintong liwanag. Susuntukin niya sana ako ng kanyang nag babagang kamao ay agad kong hinampas ang aking latigo dito kaya napaungol ito sa sakit, nakita ko ang -500 na lumabas sa ulo niya. Critical hit!

Ngayon ay sinuntok niya ako ng kanyang nag yeyelong kamao pero nakaiwas pa din ako. Tumalon ako ng mataas at nilatigo ang kanyang mga mata, hindi ko napansin ang mga ice blades sa babagsakan ko dahil bumuga siya ng yelo at apoy kaya naman ay tumusok ang hita ko sa matulis na yelo.

Element Of Weapons [On-going]Where stories live. Discover now