EOW 3

9 2 0
                                    

I HAVE a best friend, at tanging siya lang ang kaibigan kong tumagal sa tabi ko. Wala kasi akong masyadong kaibigan dahil sa pagiging introvert ko at dahil na din sa pagiging ma-attitude ko.

"Hoy, Ericka Thanya. Tanga ka ba? Bakit mo tinarayan yung teacher niyo sa history? Nako, patay ka talaga kay tita." bagot ko lang siyang tinignan at bumuntong hininga.

"Ang boring niya kayang mag turo. Boring na nga yung lesson, tapos boring pa yung prof?" binatukan naman niya ako kaya sinimangutan ko siya.

"Gaga ka talaga. Nga pala, hindi ako makakapunta sa bahay niyo mamaya. May date kami ni Dave." tumayo ako, tumingin siya sa akin ng nagtataka.

"Alam mo? Wala talaga akong tiwala dyan sa boyfriend mo. Parang sa tuwing tinitignan ko siya, lagi nalang siyang may masamang balak." masama namang tumingin sa akin si Fyera.

"Hindi porque ayaw mo sa kanya eh ganyan na talaga ang ugali niya para sayo. Mabait siya Thanya, pati nga sayo eh. Kahit nga ang sama ng ugali mo sa kanya ang bait nya pa din." tumawa naman ako ng tumawa.

"Inlove kana talaga no? Hindi mo na napapansin yung mga masasamang nagawa niya sayo. Yan ang hirap sayo eh, nag bubulag-bulagan ka. Yung tipong hindi mo alam na nagmamahal kana pala ng isang demonyo—" nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas.

"S-sorry, hindi ko sinasadya—" hinawakan niya ang braso ko pero pabalang ko itong tinanggal. Tumalikod na ako sa kanya at galit na umalis. "Wait! Thanya! I'm sorry!"

~*~

Nag kaayos na kami ni Fyera, halos isang linggo din yung hindi ko pag pansin sa kanya. Ngayon ay nasa cafeteria kami kasama yung boyfriend ni Fyera na si Dave.

"Thanya, alam mo yung Heriya Kingdom? Yung bagong laro ngayon na ginagamitan ng nerve gear?" tumango lang ako bilang sagot. "Lalaruin kasi namin ni Dave yon, kaya ini-invite kitang mag laro din para mag kakasama tayong tatlo diba?" masayang sabi niya, tumango lang sa kanya si Dave habang ako ay tahimik lang na kumakain.

"Alam mo din ba Thanya na isa si Dave sa developer ng larong yon? Kaya gustong gusto kong laruin yung Heriya Kingdom." tango lang ako ng tango, kaya naman sumimangot ito sa akin.

Nakita kong ngumisi sa akin si Dave na para bang may masamang gagawin. Sasabihin ko na sana kay Fyera pero napayuko nalang ako ng maalala na mag aaway na naman kaming dalawa pag ginawa ko na naman iyon. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at masamang tinignan si Dave.

Nang gabing iyon ay tumawag sa akin ang nanay ni Fyera na si tita Farah. Umiiyak siya habang sinasabi na alas-dose na ng madaling araw pero hindi pa daw nag la-log out si Fyera sa laro niya kaya nag umpisa na itong kabahan. Nakita niya sa balita kani-kanina lamang tungkol sa larong nilalaro ni Fyera, ang mga manlalaro ay hindi daw maka labas sa laro.

Sabi ng isang developer ay isa sa kanila ang may gawa non, napaka delikado daw nito dahil pwedeng ma brain dead ka pag may nag tangkang mag tanggal ng nerve gear sa manlalaro.

Dahil na din doon kaya ako nandito sa hospital kasama ang mommy ni Fyera. Tinry ko na ding i-hack yung game para mailabas si Fyera pero hindi ko magawa. Halos sumuko na ako sa pag ha-hack ng laro dahil puro viruses ang napasok sa laptop ko.

"Sino kaya ang walang hiyang gumawa nito?" wala sa sariling tanong ni tita Farah na nasa tabi ko. Una namang pumasok sa isip ko si Dave, paniguradong siya ang may gawa nito. Halos mapatalon ako sa tuwa ng ma-hack ko na ang system nila, lumabas sa laptop ko kung anong nangyayari sa loob ng laro.

Nag live ako sa social media gamit ang dummy account ko at ini-live ang nangyayari sa laro ngayon, ala-una na ng madaling araw pero umabot na ng isang milyon ang nanonood sa live stream ko.

Lahat sila ay nasa capital at nag kakagulo. Isinaksak ko sa laptop ang aking earphones para marinig ang mga sinasabi nila.

"Baliw ba siya? Bakit gusto niya tayong patayin?!" umiiyak sa saad ng babae habang ang isang babaeng nasa tabi niya ay bigla nalang hinimatay at nawala ng parang bula.

Hinahanap ko pa din si Fyera sa crowded na capital, mahirap mag hanap dahil nga napaka daming tao. Lalong nag kagulo ang mga tao nang sunod sunod na nagpakita ang mga halimaw sa kanilang harap.

Habang nag kakagulo, nakita ko si Dave sa isang malaking bahay na para bang natutuwa pa sa nangyayari. Sa likod niya ay nakita ko si Fyera na umiiyak, mas lalo kong nilakasan ang volume para marinig ko sila.

"Itigil mo na 'to Dave! Ayoko ng ganito! Ang dami mo ng napapatay na tao, please Dave." pagsusumamo ni Fyera sa kanya. Napakuyom ako ng kamay at hinawakan ito ni tita. Hayop ka Dave.

"Hindi mo ito gusto, mahal ko? Ayaw mong maging reyna sa mundo ko?" umiling si Fyera at tumawa ng malakas si Dave. Sinampal niya ng napakalakas ang kaibigan ko kaya napahagulgol nalang ito.

"Jusko." pati si tita Farah ay napaiyak na din habang pinapanood ang anak niya. Gusto kong pumasok sa laro pero wala na akong avatar na makita para magamit ko. Ang daming nag re-react na angry at sad sa live stream ko at dumadami na din ang mga hate comments para kay Dave.

"I. Will. Kill. All. Of. You." sabi ni Dave. Kumuha siya ng dagger sa storage niya at ibinato ito kay Fyera. Natamaan ang kanyang braso kaya napasigaw siya sa sakit.

"Totoo nga ang sinabi ng mama mo, mamamatay tao ka nga!" tumawa lang ng tumawa si Dave habang sinusugatan si Fyera ng dagger niya. Tumulo ang aking mga luha at dumudugo na ang mga palad ko dahil sa pag diin ng kuko ko dito.

"Hoy Felix!" Sigaw niya at tumawa ng napaka lakas. "Hindi mo na makuha ang access dito sa Heriya Kingdom 'no? Akin na kasi yon! Pano ko nagawa yon? Secret!" tumawa ito na parang baliw, ay hindi baliw na talaga siya dati pa. Tumingin si Dave sa bintana at ngumiti. Lumingon siya sa akin kaya kinabahan ako.

"Felix." ay akala ko ako. Hindi niya naman alam na hindi lang mga taga company nila ang nanonood kung hindi ang buong pilipinas. "Alam kong pinapahanap mo na ako sa mga pulis. At alam ko din na hinding hindi mo ako mahahanap." sinabunutan niya si Fyera at kinaladkad papalapit sa veranda. Napatayo naman ako kaya hinawakan ni tita yung kamay ko.

"Wala ka na bang magagawa Thanya?" tanong sakin ni tita. Napayuko nalang ako at umiling.

"Pasensya na po tita."

"Thanya, wag mong sisisihin ang sarili mo dito 'ha?" napatingin ako sa kay Fyera na nakahiga sa hospital bed at may mga aparato na nakalagay sa kanya. "Ako ang may kasalanan kung bakit nag kaganyan si Fyera. Pinilit ko siyang makipag date sa walang hiyang Dave na yan." umiiyak niyang sabi kaya niyakap ko siya.

"No tita, si Dave ang may kasalanan ng lahat ng 'to."

"Alam mo ba? Mas gusto ko pa si Thanya sayo' eh." sabi ni Dave habang kinakaladkad si Fyera. "Ikaw kasi ta-tanga tanga hindi katulad niya na matalino." napaiyak ulit si Fyera at para bang may sinasabi. Binasa ko ang kanyang labi, tumulo na ng sunod sunod ang mga luha ko.

'I'm so sorry Thanya, ang tanga ko. Dapat pala naniwala na ako sayo.'

Napahagulgol ako ng inihulog siya ni Dave sa veranda at isang halimaw ang sumalubong sa kanya na may dalang giant sword. Tumusok kay Fyera iyon, halos madurog ang puso ko sa sinapit niya. Nawala ng parang bula si Dave at sumunod si Fyera. Hindi ko na alam ang sunod na pangyayari dahil ang narinig ko nalang ay ang matinis na tunog ng makina. Hanggang sa mawalan na ako ng malay.

'Mag babayad ka Dave. Pag babayaran mo ang lahat ng ginawa mo lalo na sa kaibigan ko.'

~*~

Element Of Weapons [On-going]Where stories live. Discover now