THANYAHANGGANG ngayon ay hindi pa din sila naniniwala sa akin, at panay ang tanong sa akin kung paano nangyari iyon. Dahil nga isang successful na kagagahan yon hindi ko sinabi sa kanila ang totoo. Nandito na si Luke and himala dahil habang tanong siya ng tanong kung ano ang nangyayari sa akin ay pinipilit niya na ulit akong sumali sa grupo niya. Matibay 'tong gunggong na' to.
"Paulit ulit na ah? Ang sabi ko nga ay bigla na lang nag error yung nerve gear ko kaya nangyayari ito sakin."
"Posible ba yon?" Umayos ako ng upo at tinitigan ng masama si Luke.
"Malamang! Nakikita mo na ngang nangyayari sa akin 'to diba?" Napatango lang si Hera habang nakahawak sa baba niya.
"Wala ka talagang ibang nararamdaman? Like, nahihilo? Masakit ang ulo? Ganon?" Umiling-iling ako kay Hera bilang sagot sa kanyang tanong. Tumango lang ulit siya at tumahimik.
"Kung ganon, pag nangyari sa nerve gear ko yan posible din akong mabuntis?" Kinakabahan sa sabi ni Luke. Binato ko ng unan na kinuha ko sa aking tabi at sapul iyon sa kanyang mukha.
"Ayon ang imposible!"
"Pero paanong nag error? Imposible namang bug 'yan? Kasi paano? Malaki ang posibilidad na NPC iyan pero bakit mo siya dinadala?" Nagtatakang sabi ni Hera at napatango naman si Luke sa kanya. Medyo pinag papawisan na ako dito dahil nauubusan na ako ng kasinungalingan. Tumahimik sila ng ilang minuto tsaka tumingin ulit sa akin.
"I-report kaya natin yan?" Biglaang sabi ni Luke.
"Ha? Ano, wag na. Siguro naman sa susunod na update 'eh aayusin na nila ito."
"Sige, kung yan ang gusto mo." Napahinga nalang ako ng maluwag sa sinabi ni Hera. Siguro ngayon ay ligtas pa ako pero hindi natin malalaman na sa susunod ay mabunyag na ang katotohanan. Pero sana hindi mangyari' yon.
"Sumali kana kasi sa guild namin Shan, pwede ka pa naming maalagaan doon. Tsaka mahirap maging solo player habang may anak ka 'no." Hindi ko nalang pinansin si Luke at humiga nalang sa kama. Ang kailangan ko lang ngayon ay katahimikan.
"Just shut up Luke. Alam mo namang hindi papayag yang si Shan." Buti nalang at may kasama pa akong matino dito. Thank you Hera. Mukhang effective yung sinabi ni Hera dahil tumahimik si Luke.
"Hindi ako pwedeng mag log out habang hindi pa ako nanganganak." Inilabas ko ang screen ko at hinanap ang log out. Gaya ng inaasahan ay wala ito. Napatango nalang silang dalawa ng makita nila ito.
"Mag pahinga na kayong dalawa. Kaya ko na 'to. Thank you for having a concern for me. Pero alalahanin niyo din ang sarili niyo, gabi na sa labas ng game kaya mag pahinga na kayo." Mahinahon kong sabi sa kanila.
"Pero—"
"Alam ko na ang gagawin ko Hera." Tumango na lang siya tsaka inilabas ang kanyang screen at nag log out.
YOU ARE READING
Element Of Weapons [On-going]
Science FictionEverything was normal when he was not existing in our lives, but everything has changed when Dave came to my friend's life. I really don't like that man, i hate everything on him. Then here's my friend, she wants me to play the Heriya Kingdom with...