Jisoo's POV
Ipinarada ni Lisa sa tapat ng bahay nila ang gamit naming kotse."Laki ng bahay nila, men" ani ko pagkababa ko ng kotse.
"Doorbell ka na" sabi ni Lisa.
"Utut ka ba? Ikaw na" sabi ko.
"Luh? Ako nag-drive eh ikaw na" sambit ni Lisa.
"Eh ayok—" napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Uy anjan na pala kayo, come in!" masayang sabi ni rosé.
"Goodevening chaeng hehe" sabi ko.
"Goodevening din! Upo kayo" ani ni rosé. Kaya naman umupo kami at inabot ang pizza naming dala.
"Nayeon! Irene! Pahiram kami ng living room? Diyan sana kami gagawa nung project? " Narinig kong sabi ni rosé sa dalawang nanood ng netflix sa may living room.
"Nanood kami ditoo! May mga rooms naman kayo duh!" narinig kong sagot ni Nayeon.
"Aish!"
"Uh tara Jisoo dun tayo sa may room ko, ayaw nila umalis eh" pag-aaya ni rosé sakin, hoy! Ano daw? Room?
"Ay lisa! Si Jennie nasa may room niya lang din katok ka nalang" sabi ni rosé kay lisa, at tumango nalang ito, kinindatan ko siya at inirapan lang ako.
Lisa's POV
Itinuro ni rosé saakin kung nasaan ang room ni Jennie iniwan na nila ako at ginawa na ang kanilang project sa kwarto ni rosé.*knock knock*
*knock knock*pagkakatok ko sa pintuan ni jennie, bumukas ito at nakita ko si jennie na gulo ang buhok, napangiti ako sa nakita ko kaya naman ng mapansin niya na ako ang kumatok nanlaki ang mga mata niya at agad sinarado ang pinto.
"BAKIT KA NANDITO!" sigaw niya mula sa kabilang gilid ng pintuan.
"Para sa project natin chill" sagot ko.
"BAKIT DI KA MAN LANG NAGSABI!" muli niyang sigaw.
"Ikaw ah gusto mong inu-update kita ah?" pagbibiro ko.
"SHUT UP!"
"Uh? Hello? Di mo manlang ako papapasukin?" tanong ko kaya naman nagbukas ang pinto, maayos na ang buhok niya.
"Thank you" sabi ko at tuluyan ng pumasok.
"Pizza?" sabi ko habang winawagayway ito sa harap niya.
"Lagay mo jan" sabi niya at inilapag ko naman ito sa table.
Inilabas niya ang dalawang mamahalin niyang laptop at inilagay niya ang isa sa harap ko.
"Ako sa research, ikaw sa powerpoint" sambit niya.
Habang nakatutok siya sa monitor ng laptop niya, pinagmamasdan ko lamang siya, halatang determinado siya pagdating sa pag-aaral.
"Stop staring, Manoban" sabi niya habang nakatingin parin sa monitor.
"A-ah hehe"
Makalipas ang ilang mga minuto nakakalahati na namin, malapit-lapit na rin ito matapos kaso biglang nagutom si Jennie, kinain namin ang dala kong pizza.
"Pst!" sabi ko matapos kong patayin ang phone ko. Lumingon naman siya habang may nginunguyang pizza.
"Ang cute mo kanina" sabi ko, pinapaalala ko lang sakanya yung nangyari sa pintuan kanina. Kumunot ang noo niya at inirapan ako.
"Hindi ka pa naliligo no?" tanong ko.
"Excuse me! Naligo ako, di ako katulad mo na kayang magtagal ng isang araw na hindi naliligo" pataray niyang sabi.
"Bat ang gulo gulo ng buhok mo kanina?"
"Kasi tinatamad ako mag-suklay" sabi niya.
"Tsaka I dont need to explain myself to you" dagdag niya, at kumagat sa natitirang pizza niya.
"Let's finish this" ani niya at nagsimula na ulit mag type sa laptop niya.
Hindi nagtagal, sa wakas ay natapos na rin kami, mabuti nalang at ipapasa lang namin yung usb sa prof namin, hindi na namin kailangan i-report pa sa harap. Kapag isa kami sa mga nakakuha ng matataas na score sa project na 'to, siguradong matutuwa prof namin.
Lumabas na ako ng kwarto ni Jennie at tinawag si Jisoo, nagpaalam kami na aalis na kami dahil nagdidilim na.
"Ingat kayo!" sigaw ni Rosé ng ipaandar ko ang kotse.
...
~~~~~~•~~~~~~•~~~~~~•~~~~~~•~~~~~
🥴😴Thanks for reading!
xx
BINABASA MO ANG
Only You || JenLisa
FanfictionA JenLisa Au || For Filipino Shippers✨ Si Jennie Kim ay isang matalinong estudyante, may pagka-masungit ngunit siya ay may kabutihang loob, maganda, mayaman lahat na sakanya na. Si Lalisa Manoban naman ay isang dalagang may gusto kay Jennie Kim, siy...