Seulgi's POV
Naglalakad kami ngayon nila lisa na may sukbit na gym bag sa aming mga balikat, papunta kami ngayon sa court para magpractice. Naisipan naming hindi muna pumasok ngayon dahil excuse naman kaming lahat na sasali para sa sportsfest.Pagpasok namin sa gym ay wala pang tao, inilapag namin ang aming mga gamit at nagsimula ng maglaro.
Hindi rin nagtagal ay paunti unti na nagsisidatingan ang ibang maglalaro, mabuti na lamang at 3 ang court ng school, at nakuha pa namin ang pang una.
Paglingon namin nakita namin ay na sakop na nila kai ang pangalawang court, hindi natin maitatanggi na sina jungkook, jackson at kai ay talaga namang napaka-husay pag dating sa paglalaro ng basketball.
Kai's POV
"Let's go boys!" sigaw ko kila jungkook at jackson at ibinato ang bola kay jungkook, sa ngayon ay nandidito kaming tatlo sa gym upang makapagpractice ng basketball."Pst!" siniko ako ni jungkook ng mahina at sabing..
"Magaling sina Manoban oh" bulong niya habang tinititigan kung pano tumira ng tres si Manoban.
"Hmm pwede na" sabi ko sabay hablot ng bola mula sa kamay niya.
Halos isang oras rin kaming naglalaro dito at napag-isipan naming magpahinga muna.
"Ang galing ng galaw nung Manoban noh?" ani ni Jackson.
"Kung makakalaban natin sila sa sportsfest paniguradong sila yung makakalaban natin sa championship" malalim kong sagot at uminom ng tubig.
...~~~~~~~~•~~~~~~~~~~•~~~~~~~~~~~•
🏀👀Thanks for reading!
xx
BINABASA MO ANG
Only You || JenLisa
FanfictionA JenLisa Au || For Filipino Shippers✨ Si Jennie Kim ay isang matalinong estudyante, may pagka-masungit ngunit siya ay may kabutihang loob, maganda, mayaman lahat na sakanya na. Si Lalisa Manoban naman ay isang dalagang may gusto kay Jennie Kim, siy...