Chapter 2: Holding Hands

179 11 1
                                    

Kinleigh POV

' Jam alam na ba ng Infinity 8 na dumating na ako? ' tanong ko sa kanya.

' I don't know hindi mo ba sila sinabihan? '

' Good. Haha it's a surprise actually! Maliban sa inyo ni Alexa kaya huwag mong ipagsasabi kundi lagot ka sakin! '

' Oo na po boss! Matulog ka muna medyo mahaba haba pa ang biyahe natin. Alam kong may jetlag ka pa haha '

' Yeah ' at ipinatong ko na yung ulo ko sa balikat niya.

~

' Ey! We're here com'n wake up sleeping beauty! '

' Hmmm 5 minutes '

' Hey! Gising na ! '

Aish! Kainis naman 'tong lalaking 'to! I want to sleep more. Pero wait! Naramdaman ko na lang na parang nasa ere ako! Like wtf! Binuhat ako ng mokong!

' Ang bigat mo pa din! '

' Hoy! Ibaba mo ko dito! Hindi ako sako ng bigas! '

' Hahaha! Ayaw kasing gumising! Gusto mo lang talagang buhatin kita! '

What did he say? Uupakan ko na talaga 'to! Sakit pa naman ng ulo ko tapos binuhat niya ako ng ganito! Alam niyo yung way na pagbubuhat ng sako ng bigas? Oo ganun! Ganun yung pagbubuhat niya sakin ngayon!

' Jam! I'm warning you! Ibaba mo na ako dito! '

' Sus! Oo na! Haha '

At ibinababa niya na nga ko. Takot lang niya sa akin!

' Loko ka talaga! Sumakit lalo yung ulo ko dun ah! I will tell this to your Mom! '

' Hahaha, ang cute cute mo talaga! '

Aba! Ano bang trip ng lalaking 'to ? Pagkatapos niya akong buhatin, kinurot naman niya ang beautiful cheeks ko!

' Tara na nga hahaha! ' sabi niya habang tumatawa aish! At inakbayan niya na ako papasok sa bahay nila.

' WELCOME BACK KIN! '

Ohmygosh! Waaaaahhhhh! At sumugod sila sakin para yakapin ako!

' You look so beautiful my dear ' Tita said.

' Waaahhh! Tita I miss you! ' i said

' We miss you too Kin '

' Waaaahhh ! Ate Kin nasaan na po ang pasalubong ko ? '

' Oh baby! pasalubong agad? Di mo ba namiss si ate Kin mo ? ' sabi ko sa cute na cute na batang 'to.

' Syempre naman po! Ang ganda ganda niyo nga po eh '

' Ikaw naman ang cute cute mo! Kiss mo nga si ate '

' Naku! Baby Krystal come here to mommy. Mamaya na ang pasalubong ah ? Magpapahinga muna si Ate Kin mo ah? Is that okay with you baby ?'

' Sure Mommy! Ate Kin let's go to my room , ipapakita ko sayo ang mga dolls ko '

Hinila naman ako ni Baby Krsytal as if kaya niya ko haha. Cute cute talaga! Kaya nilapitan na siya ni Tita at nagpaalam na ihahatid niya lang sa kwarto si Krystal.

' Buti nakilala ka pa ni Krystal '

' Aba oo naman! She's so adorable! '

' Syempre nasa lahi namin yun eh! '

' Hahaha your not cute at all duh '

' What? '

' Haha nothing! '

Cycle of Love (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon